"Clara, Clara! Si Sebastian, inaaway si Clarysse!" Isang balita ang dumating sa akin noong nasa taas na kami, naghihintay ng guro para sa lesson. Napatingin ako sa kaklase kong siyang nagtawag sa akin, galing siya sa labas at pahangos-hangos akong tinawag. "Ha? Bakit?" gulat kong tanong. Mabilis siyang nag-kibit balikat. "Hindi ko alam, e. Puntahan mo na lang d'on, bilisan mo! Pigilan mo nga 'yang jowa mo!" Nilingon ko ang mga kaibigan ko at tinanguhan sila, mukhang naintindihan naman nila ang sinabi ko kaya agad silang tumayo. Tumakbo na kami palabas ng room at pababa ng building. "Ano ba naman 'yon si Sebastian, pinatulan pa si Clarysse!?" reklamo ni Lauren na nasa likuran ko. "Deserve niya 'yon!" sagot naman sa kaniya ni Clowy. Mula sa mabilis naming pag-takbo, mabilis rin kaming

