Sabado, at umagang-umaga nang makarinig kami ng katok nina Nanay. Handa na sana kami para mag-labada doon sa kabilang kanto, marami na naman kasi ang nagpapa-laba kay Nanay kaya tatanggapin at tatanggapin namin iyon dahil importante iyon para sa amin, pera rin iyon at pwedeng ipang-bayad sa utang nina Nanay at pwede rin naming ipang-bili ng makakain namin para sa ngayong araw. "Sino 'yon?" tanong ni Cora na kalalabas lang galing kusina. "Hindi ko rin alam, e. Ako na ang magbubukas," reprisinta ko. Binitawan ko ang mga dala namin ni Nanay sa upuan at lumapit sa pinto para buksan iyon. Pagka-bukas ko, laking gulat ko nang makita ko si Sebastian sa harapan ng pinto namin. "Good morning, baby," bati niya at ngumiti. Napangiti agad ako at kumaway sa kaniya. "Magandang umaga. Anong ginagawa

