"Hi, Clara!" Nakatalikod ako kaya humarap ako kay Clarysse. Ginapangan ako ng kaba dahil ako lang naman mag-isa rito sa restroom tapos bigla siyang dumating, baka kung ano pa ang gawin niya sa akin nang wala akong kalaban-laban, wala pa akong kasamang iba. Kahit kinakabahan at natatakot, hinarap ko siya. "C-Clarysse..." May sumilay na ngiti sa labi niya ngunit alam kong peke na iyon. Akala niya siguro ay hindi ko pa alam na siya ang totoong may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat nang ito sa akin. Akala niya ay hindi ko pa alam ang tunay na ugali niya ang ang totoong siya na pina-plastik lang pala ako, na iba pala ang tunay na motibo niya sa akin dahil gusto niya ang boyfriend ko. Ang akin lang naman, kahit anong gawin niya, hindi niya makukuha sa akin si Sebastian. Kahit ano p

