Kabanata 35

4125 Words

Inaasahan ko 'yon. Inaasahan ko na ang lahat nang 'yon, na hindi ako magugustuhan ng mga magulang ni Sebastian. Noong nanliligaw pa lang si Sebastian sa akin, naiisip ko na na kapag dumating ang araw na ipakilala ako ni Sebastian sa mga magulang niya ay hindi nila ako magugustuhan para sa anak nila. Sabagay, sino nga ba naman ako para magustuhan nila para sa anak nila? Wala ako n'ong perang mayroon sila, hindi ko sila ka-lebel dahil napakataas nila sa akin; sobrang taas nila na hindi ko sila maa-abot kahit anong gawin ko, kahit umiyak pa ako nang ilang beses at ilang balde. Tama naman sila na ang mahirap ay para lang sa mahirap at ang mga mayaman ay para lang rin sa mga mayaman. Sa kaso namin ni Sebastian, hindi ako nababagay kay Sebastian dahil sobrang yaman niya at wala ako n'ong yaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD