Pakiramdam ko ay bumalik na ang lahat-lahat sa dati; iyong dati na hindi ko pa kilala si Sebastian dahil tahimik pa ang buhay ko. Pwede na akong mamuhay nang normal sa CSA ngayong wala na sina Alexa at Clarysse rito dahil sa ginawa ni Sebastian. Nahihiya ako na nakokonsensya na nalulungkot para kina Alexa at Clarysse, pero sa tuwing naii-isip ko ang mga ginawa nila sa akin, nai-isip ko na lang na kahit papaano ay ayos na iyon para wala nang mananakit at magsasalita nang kung ano-ano sa akin. Oo, nariyan pa ang ibang estudyante pero hindi naman sila katulad nina Clarysse at Alexa na kayang gawin ang lahat-lahat sa akin. Kulang na nga lang ay mapatay na nila ako kaya mabuti na iyon. Sana ay hindi na sila makapang-biktima pa sa eskwelahan na papasukan nila. Iba talaga ang nagagawa ng pera..

