"Anong pinaka-mababa mo, Clara!?" Aligagang tumakbo sa akin si Clowy, nakataas sa ere ang report card niyang winawagayway niya pa. Ngumiti ako at agad na kumaway. Napag-gi-gitnaan kasi ako ng ibang mga estudyanteng narito rin dahil kalalabas lang nila dahil kumuha sila ng report card nila. Ngayon kasi ang release ng report card namin para ngayong semester. Hinihiling ko na sana ay lahat sila nakapasa para pare-pareho kami ng average, may tsansa pang maging magka-kaklase ulit kami sa susunod dahil pare-pareho kami ng average. Ganoon kasi rito, ibina-base nila sa general average kung sino ang magiging kaklase niyo sa susunod. Umaasa rin akong mataas ang nakuha ni Sebastian na grado. May tiwala naman akong kaya niyang makaabot ng mataas na grado dahil tulad nga ng sinabi ko noon ay matalin

