Kabanata 17

3222 Words

"Grabe, Clara, may nagpapakalat na naman ng pictures niyo ni Sebastian! Look at these judgmental people!" Nagpatuloy sa pagr-reklamo si Clowy habang nakatutok ang mga mata niya sa cellphone niya. Malungkot lang akong napangiti. Bahala sila sa kung ano mang gusto nilang isipin sa akin, basta, alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang hindi maganda sa kanila. Alam kong wala akong natatapakang tao. Sila lang ang may mali rito. "Oo nga, 'no? Kailan lang ba 'to?" Sumilip ako sa tinitignan nila. Napatango na lang ako nang mapagtanto kung anong mga litrato ba ang sinasabi nila. "Kahapon 'yan, kumain kami kahapon ni Sebastian," sagot ko. "Sino ang nag-post?" "Dummy account nga, e," sagot sa akin ni Lauren. "'Di kaya sila Alexa 'to? O si Irina?" sabat ni Clowy, hindi pa rin maalis-alis s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD