"May nakuha ako sa kwarto ng parents ni Sebastian. This receipt was familiar and I think, I saw this somewhere," anunsyo ko. Pinanliitan ako ng mga mata ni Syven Alejandro, ang personal Lawyer ko. Habang si Anthon naman ay kumunot ang noo. Anthon was the one who's handling my parents' case. Hanggang ngayon kasi ay nagpapa-imbestiga pa rin ako sa pagkamatay nina Nanay kaso hanggang ngayon, wala pa ring lead sa nangyari. Dahil sa nakita ko sa kwarto ng mga magulang ni Sebastian noong isang gabi, ipinatawag ko agad sina Anthon at Syven para ipaalam sa kanila ang mga nakita ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit parang magka-pareho iyong resibo na ito sa resibo n'ong collector nina Nanay at Tatay sa utang nila noon. May posibilidad akong nai-isip, ngunit ayaw ko munang isipin

