Simula n'ong araw na 'yon, hindi na ako tinantanan ni Sebastian. Napapadalas ang pagsasama naming dalawa dahil sa mga kaliwa't kanan na party na nangyayari sa kanila na dapat ay kasama ako dahil ako raw ang fiancée ni Sebastian. Sa bawat araw na lumilipas, napapansin ko ang pagba-bago ko simula nang araw na 'yon. Parati na akong kalmado at sumusunod na lang sa gusto niyang mangyari na wala namang mali. Pero, 'di ibig sabihin n'on ay wala na ang galit ko sa kaniya at napatawad ko na siya. 'Di rin ibig sabihin n'on na hindi ko na siya inaaway o sinisigawan. 'Di rin ibig sabihin na pinagkakatiwalaan ko na ulit siya dahil hindi. Hindi ko alam. Wala lang sigurong patutunguhan kung palagi ko siyang aawayin tsaka ayaw ko nang ma-stress. Ang dami na masyadong nangyayari, ang dami ko nang ina-asi

