bc

Romualdez Brothers: Robins' Bad Girl

book_age16+
19
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
family
second chance
badboy
drama
bxg
heavy
disappearance
crime
like
intro-logo
Blurb

When love broke the triplets code ... Robin was left in the dark, in rage, in fire. He become Ren Romualdez's prodigal son, hindi kagaya ng kanyang mga kapatid na gumagawa ng pangalan sa business world at isa sa medical field. Ibang daan ang kanyang tinahak, he wanted to release his anger kaya naman bumaling siya sa boxing ring.

Robin "the badboy boxing champ" became the country's pride dahil sa bawat mukha na pinapadugo niya , mukha ni Ravin ang kanyang iniisip. He will never forgive him, he will never forgive him for killing his love, not in this life , not, never. He will never give him that satisfaction lalo na at nakikita niya ang bunga noon.

Then there comes this woman, their foul mouthed round girl, angsty, smart and mischievious ...opposite his first love but close to his mother's personality in some way. He let her enter his life but he is not planning for her to stay dahil isang babae lamang ang mamahalin niya habang buhay...yet sadly she's not in this lifetime anymore. So he will just play with this woman inside the boxing ring. Never he realized na siya pala ang ma na knock out sa huli.

chap-preview
Free preview
Prologue
Robin Wrote too many words pero nauwi lamang ako sa salitang ito. I'm sorry. X ... Hinubad niya ang kanyang pawisang sando saka inihagis sa kanyang tabing upuan. Magpapahinga muna siya saglit bago maligo. "Umalis na iyong kapatid mo, hindi mo man lamang kinausap nang maayos." Balita ni  Caleb, ang kanyang mentor ang dahilan kung bakit napunta siya sa professional boxing. Mas mabuti na raw ito kaysa makipagbasag-ulo siya sa illegal na paraan para kumita ng kaunting pera na magtatawid sa kanyang pangangailangan. Simula nang lumayas siya sa kanilang bahay noon ay natuto na siyang tumayo sa sariling paa. Naranasan niyang matulog sa kalye, kumain lamang ng isang beses sa isang araw... hindi maligo nang ilang araw dahil sa kawalan ng damit. Lahat nang paghihirap na iyon pinagdaanan nya.  Matinding sama ng loob at galit ang nagpipigil sa kanya para bumalik sa pamilya na nagtraydor sa kaniya. Itanggi man ng kanyang pamilya, pero iyon ang kanyang pakiramdam. Sino nga ba naman ang pipili sa suwail at walang direksyong bunso kumpara sa napakatalino at mabuting anak na panganay? Tang-inang mabuting anak na iyon! Iyon ang siyang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang lahat! Hinding hindi niya malilimutan ang araw na kinuha sa kanya ang lahat. "Hindi ito ang mundo niya saka wala naman akong sasabihin sa isang iyon." Palatak lamang ang naging sagot ni Caleb sa kanya. Totoo naman , hindi siya katulad ni Raven na professional, tapos doctor pa.. ano nga lamang ba ang natapos niya, Two year course lamang sa Automotive Technology sa isang pampublikong kolehiyo. Malayong malayo sa pinagpipitagang anak nina Mr. and Mrs. Romualdez. "Isang dekada na...malalim pa rin ba?" napakuyom niya ang kanyang kamao...ayaw niyang magalit sa pang-iintriga ni Caleb, pero kung magpapatuloy ito baka maputol ang pagtitimpi na tinatago niya. "Iwanan mo na muna ako coach." Malalim na buntunghininga ang naging sagot ng kausap bago tuluyang lumabas. Pagkasara ng pinto ay siya namang pagtayo niya para pagsusuntukin ang pinto ng kaniyang locker. Mukhang kailangan niya pa ng isang round mamaya... Talagang kailangan pa ba siyang tanungin kung malalim pa rin, gayong alam naman na nito ang sagot. Natuto siyang mabuhay mag-isa at alam niyang  kakasanayan niya iyon hanggang sa kamatayan. .... "Happy Anniversary!" na-freeze ang kanyang ngiti nang makita ang luhaang mata ni Heaven. May kipkip ito sa mga kamay. Pinatuloy na siya ng mommy nito sa kwarto dahil hindi pa raw ito lumalabas. Akala nga ng mommy nito ay nag-away sila. Hindi naman kaya. Never silang mag-aaway ni Heaven, kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan, sandali lamang iyon dahil hindi niya palilipasin ang   isang  araw na hindi sila magkakasundo. That's how much he loves this girl. Love at first sight indeed. Unang kita niya lamang dito habang namimili ng bulaklak para sa kaniyang mommy ay talagang  nahulog na siya. totoo pala yung nag-fefreeze ang paligid kapag nakita mo na ang the one mo...para sa kanya si Heaven Marie ang kanyang   the one, ang kanyang panghabambuhay, kaya naman gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti nito. Being with her is enough.... "Ro-bin." Umiiyak na tawag nito sa kanya... ang teddybear na nasa kanyang kamay ay nahulog, ganoon din ang box ng cake na nasa kaliwa...may ipinakita si Heaven Marie sa palad nito...alam niya ang bagay na iyon...his mother had that too before that made their father cried for happiness. And Heaven Marie's crying... while he is crying because he is slowly breaking into pieces... "Paanong?" hindi niya alam kung gaano kalakas iyon , pero sapat na iyon para marinig ni Heaven Marie. "Robin." Ang mahihinang pagtangis nito ay nauwi sa malakas na hagulgol...napasabunot siya sa kanyang ulo...Paano? Walang nangyayari sa kanila ni Heaven Marie. He respect her so much and he knew the consequences kung sakali man...kaya naman tanggap niya na hindi sila magkaka anak in the near future...that spending their life together is more than enough to complete a perfect and happy family. "Robin I'm sorry." Alam niyang ang pagwawala niya ay maaring makasama sa kalusugan nito...kaya naman gusto niyang malaman kung sino ang gago na bumuntis sa kanyang mahal. "Nagtaksil ka sa akin habang tayo?" akusa niya...dapat bang akusa lamang? Nasa harapan niya na ang sagot. "Hindi ganoon." Sunod sunod na iling nito. Humakbang papunta sa kanya ngunit ang kanyang mga paa ay mayroong sariling isip... humakbang ito paatras. "Sino ang gagong iyon!" napatakip ito sa bibig.. ang hawak na Pregnancy Kit ay tuluyan nang nahulog sa lapag. Napatakip ito sa bibig, bakas ang takot sa mga mata.... "Ayaw mong sabihin? Piprotektahan mo ang siraulong bumuntis sa'yo!" sigaw niya rito... wala na siyang pakialam kung marinig pa nang mga magulang nito sa baba. Hindi lamang ito simpleng bagay na naayos sa loob ng isang araw. Hindi ito simpleng bagay. "Robin please, hindi." "Hindi? Kasi ang malinaw lang niloko mo ako! Hindi mo na ba ako mahal?" "Hindi! Mahal kita! Mahal na mahal!" ganting sigaw na ito, nakahawak sa bandang dibdib. He is worried yet his anger overpower that emotion within him. "Mahal pero nagpabuntis ka sa iba! Ganoon ba ang mahal? Pinaglaruan mo lang ba ako?" "Hindi Robin, maniwala ka please..." lumapit na ito sa kanya para yakapin siya...pero nawala ang kanyang awa rito... hindi niya matanggap... at hindi siya matatahimik kapag hindi niya nalaman kung sino ang gagong dapat niyang patayin.  He will really kill that bastard. "Bakit Heaven? Paano mo nagawa sa akin ito?" "Sorry...Rob, sorry... nagkamali ako, akala ko ikaw siya...sorry..." hinawakan niya ito sa balikat...now he knew the answer..nilayo niya si Heaven Marie para tumalikod sa pagbukas niya ng pinto ay nakasalubong niya ang mommy ni Heaven na may dalang inumin, naguguluhan ito, marahil wala pang alam sa nangyari... He confronted his brothers, especially Ravin, yung taong sumumpang hindi bibigo sa kanya ay siya pang dahilan ng kanyang pagkasira... the worst part? Raven knew that Ravin has feelings for his girl. Nang makakuha ng pagkakataon ay hindi niya pinalampas... Now his family knows, pero bakit siya pang lumalabas na masama at hindi nakakaintindi? Damn life. Hinabol siya noon ni Raven...pero hindi , galit rin siya dito. Lumayas siya sa kanilang bahay, nakitira sa kaibigan...isang araw nagkipagkita siya kay Heaven Marie...he will take her back in one condition...everything will be back to normal in one condition. "Get rid of the baby." He said. Napahawak naman ito sa impis na tiyan...mas pumayat si Heaven Marie at pumutla..he felt sorry, mas nabuo ang kanyang gusto na ipalaglag nito ang bata. "Hindi ko gagawin iyon Robin, pamangkin mo rin ito." Mahina ang tinig na sabi nito sa kanya. So she really acknowledge his brother and the baby huh, wala na talaga siya. "You knew it will put your life in danger ." He argue. Siya at ang pamilya nito ang nakakaalam ng sakit nito, Heaven Marie has Eisenmenger's syndrome or high blood pressure that affects the arteries in her lungs and the right side of her heart kaya naman . "I can't do that Robin... Ravin and your family promise that they will take care of us." It's good for her but bad for him... humakbang siya paatras pagkasabi noon, hindi niya tuloy namalayan na may sasakyan na paparating at bumangga sa kanya. He overhears Heaven Marie shouting for help pero ang gusto niya na lamang noong mga panahon na iyon ay mamatay na lamang...kasi sobrang sakit. His family will take care of Ravin's mess..hindi ba dapat siya ang kampihan dahil siya ang inagawan? Nagising siya isang umaga na nasa hospital... may dextrose sa kanyang kamay... "Glad you're awake!" ang masayang mukha ng kanyang mommy ang kanyang nakita... hinawakan nito ang kanyang kamay...ngunit mabilis niyang hinila iyon para mailayo dito dahilan para magulat ito. "I'll call your dad and you're siblings... two days ka na dito, buti at hindi masyado ang pagkakaaksidente mo. Umuwi na tayo Robin." Sunod na sunod na sabi ng kanyang mommy... pero hindi siya sumagot...isa lamang ang gusto niya...ayaw niyang umuwi... hinding -hindi siya uuwi. Kaya naman noong lumabas ito ay siya rin kinuha niyang pagkakataon para tumakas.... Kailangan niyang takasan ang sakit at ang mga taong hindi siya pinili...para magkaroon ng saysay ang kanyang bawat araw.. dahil ipinapangako niya...darating ang panahon... maghahanap rin sila ng kanyang gagong kapatid. .... Pagkalabas niya ng kanyang shower room ay siya namang pag ring ng kanyang cellphone. He picked it up, nang makita ang pangalan ng babae sa kabilang linya ay muli niya itong binaba. Hindi iyon natapos sa pagtunog dahil nagpadala naman ang babaeng iyon ng mensahe...he opened the message. I broke up with him...I left his company too. Now I can be with you. Can I see you now, I need you in my bed, please? After reading the message he threw his phone in the wall. Kailangan niya na ng bago. Wrong move woman. Dahil nang tinapos nito ang relasyon sa lalaking binabanggit nito sa mensahe ay tapos na rin ang paglalaro niya dito. Dahil hindi siya nakakalimot. Hindi siya marunong makalimot. ....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook