Nakahiga ako sa kuwarto habang tinititigan ang hawak kong invitation card, hindi na lang siguro ako pupunta sa selebrasyon na ito lalo na't hindi naman ako kailangan dito. Hindi ko rin naman napapayag si Julia kaya paniguradong ipapahiya lang nito ako. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kay Julia dahil matagal din ang pagsasama namin bilang magkaibigan nuon at kinalimutan ko na ang ginawa nitong panloloko sa akin. Ayaw kong humantong sa pagwatak watak naming magkakaibigan ang hindi namin pagkakaunawaan ni Julia. Mabilis akong nagbihis at pinuntahan ito sakanila, pagkarating ko sa kanilang tinitirahan ay wala ito. Ang sabi ng kanyang ina ay nasa trabaho pa ito sa bayan, sa isang real estate. Kaya naman pinuntahan ko ang nasabing pinagtatrabahuan nito. Nagtanong ako sa isang staff na nasa

