Hindi ako sanay na matulog na mayroon kasamang babae sa loob ng kuwarto maliban kay Rocky na minsan ko ng nakatabi nu'n sa San Luis. Kinuha ko ang unan saka kumot at humiga sa sofa, alas kuwatro na ng madaling araw ngunit hanggang ngayon ay gising na gising pa rin ang diwa ko. Narito kami ngayon sa bahay nina Rocky dahil hindi na kami pinayagan ni tito Rodrigo na makauwi pa ng San Luis lalo na't natapos ang selebrasyon pasado alas dose ng gabi. At simula nang magtungo si Rocky sa loob ng bahay ay hindi muli itong lumabas marahil ay sumama nga ang pakiramdam nito. Naalimpungatan ako dahil sa ilang pagkatok sa kuwarto, tinignan ko ang oras sa aking relo at alas siete na ng umaga nakatulog din pala ako kahit na ilang oras lang. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni mana

