Katulad ng dati ay tinutulungan ko si mamang na magligpit ng aming kinainan kahit na pa madalas nitong sabihin na kaya naman niya. Ngayon lang ako muling nakabalik ng San Antonio dito sa bahay nina Rocky, hindi naman ako naninibago dahil maikling panahon lang naman ang isang taon. "Caleb anak tutal maaga pa naman, pwede bang magkwento ka kung anong nangyari sa iyo?" Umupo si manang sa tabi ko habang inilalapag nito ang gawa nitong tsaa. "Naku manang napaka habang istorya po baka nga hindi po kaya ng isang lingo bago matapos." Tumawa kami pareho nang biglang dumating si mang Kanor. "Caleb iho namiss kita." Hinakbayan naman ako ni mang Kanor habang tuwang tuwa na makita ako. Narito kami ngayon sa kusina na madalas naming tambayan sa tuwing matatapos ang aming hapunan ngunit sa pagkakata

