Matapos kumanta ni Wilson ay lumapit pa ito sa akin, mukha ngang para sa akin ang kinanta nito dahil kahit na hindi nito sabihin ay ramdam ko sapagkat simula ng kanta hanggang matapos ito ay sa akin lamang ito nakatingin.
Nagsimula na rin umikot ang Tequila at sa bawat abot sa akin niyon ay siya naman pagkurot sa akin ni Farrah, ayaw nitong uminum kahit na anong pilit ng aming mga kasama dahil ang sabi nito ay kailangan pa nito akong alagaan pag ako ay nalasing na. Kaya naman hinayaan ko na lang din ito sakanyang gusto.
Habang gumagabi ay siya naman ang dami ng aming nainum, at halatang lasing na ang iba katulad ni Larraine na halos makatulog na sa mesa samantalang si Denise naman ay pachill chill lang habang sumasabay sa kanta.
Si Martin at Kevin naman ay may sariling pinag-uusapan.
"Rocky tara na sa kuwarto mukhang nakarami ka na rin." Yaya ni Farrah at umiling naman ako.
"Farrah nagsisimula pa nga lang ako, relax ka lang diyan maglalakad lakad pa ako mamaya sa tabing dagat." Napakamot naman ito sakanyang ulo at uminum ng juice roon.
Inilapit naman ni Wilson ang kanyang upuan sa akin at kinuha nito ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
"Rocky." Mahinang wika nito at napalingon naman ako sa kamay ko na hawak nito.
"Rocky I love you." At sa pagkakataong ito ay malakas na ang boses nito at napahinto naman ang mga naroon sa kanilang mga ginagawa saka mapalingon sa amin.
"Rocky listen to me, matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa at ngayon buo na ang loob ko." Tumayo pa ito habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Rocky mukhang lasing na ata si Wilson." Bulong naman ni Farrah.
"Wilson let's talk about this when you're not drunk anymore, please." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay ko kaya naman napatayo na ako.
"Rocky hindi ako lasing, I'm fallin love with you." Nakita ko naman na nagsitayuan sila at nakatingin sa amin, lumingon naman ako at sumeniyas na OK lang.
"Ok Wilson pag-usapan natin ito ngayon pero umupo ka na muna OK?" Sumunod naman ito sa akin at umupo roon. Nilapitan ko naman sina Martin at Kevin na kumuha ng bimpo at magtimpla ng kape.
"Denise samahan mo na rin si Larraine alalayan mo siya papunta sa kuwarto ninyo." Ngumiti naman ako sakanila at tumango.
"Caleb samahan mo na rin si Tonet para makapagpahinga na rin siya."
"Sige na, ako ng bahala dito." Ngumiti naman ang mga ito saka nagsimula ng lumabas ng resto bar.
Nakita kong binuhat pa ni Caleb si Tonet dahil mahimbing na rin itong natutulog sa upuan.
"Farrah mauna ka na rin ako ng bahala dito kay Wilson." Tumayo naman si Farrah at nilapitan ako.
"Sasamahan kita Rocky." Hinawakan ko ang kamay nito.
"Hindi na Farrah, huwag kang mag-alala papunta na rin dito si Kevin at Martin." Tumingin naman ito sakanyang relo saka tumango at nagsimula na rin lumabas.
Lumingon ako sa paligid at kami nalang ni Wilson ang naroon dahil lumabas na ang mga waiter na naroon kanina mukhang nagpahinga na rin sila. Sakto naman ang pagdating ni Kevin at Martin na dala ang pinapakuha ko.
"Boss anong gagawin namin dito?" Umupo si Martin at inilapag ang kape sa mesa malapit kay Wilson.
"Gisingin mo at ipainum mo ang kape sakanya, at ikaw Kevin hilamusan mo." Utos ko sa mga ito.
"Boss naman hayaan mo na siyang matulog diyan kami nalang bahala ni Martin magdala sakanya sa kuwarto niya." Tumangon naman ako saka binuksan ang isang bote ng Tequila na natitira sa mesa.
"O siya kayong bahala, ano game na?" Nagsalin ako sa shotglass at ininum iyon.
Tinuloy namin nina Martin at Kevin ang pag-ubos sa natitirang Tequila sa mesa, tuwang tuwa pa ang mga ito dahil nakasama nila ulit akong makabonding.
Humirit pa ang dalawa na uminum pa ngunit pinigilan ko lang ang mga ito.
"Sige na Kevin, Martin alalayan na niyo and make sure na hindi na siya lalabas ng kuwarto niya at baka gumawa pa ng iskandalo nakakahiya." Napatawa lang ang dalawa saka na sinimulang buhatin sa magkabilang balikat si Wilson.
"Ikaw boss hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Tara na." Umiling naman ako.
"Hindi pa maya maya na siguro, maglalakad lakad muna ako." Iniwan na nga nila ako roon ng mag-isa at nagpasiyang maglakad lakad na sa tabing dagat.
Iniapak ko ang aking mga paa sa buhangin at kasabay niyon ang lamig ng tubig dagat na dumarampi sa aking balat. Habang iniisip ang tungkol sa ina ni Caleb dahil hindi ko lubos maisip na napakaliit ng mundo, ako kaya ang susi para magkita silang muli? O hahayaan ko nalang na sila mismo ang magkatagpo.
Pero paano kung malaman ni Caleb na ang tito ko pala ang dahilan ng pag-iwan ng mama nila sakanila magagalit din kaya ito sa akin? Napabuntong hininga nalang ako sa mga bagay na pwedeng mangyari.
Mukhang sumasakit na ang ulo ko pero hindi sa Tequila na nainum ko kung hindi sa kakaisip. Nagpasiya na akong bumalik sa kuwarto namin ni Farrah dahil pasado ala una nang madaling araw nang makasalubong ko si Caleb.
"Saan ka pa ba nagpunta? Halos lahat sila mahimbing ng natutulog tapos ikaw pagala gala ka pa." Sino ba itong kaharap ko kung makapagsalita parang akala mo tatay ko. Nginisian ko ito saka muling tumalikod at naglakad muli pabalik sa tabing dagat.
"Rocky tara na ihahatid na kita sa kuwarto mo." Dugtong pa nito sabay na hinawakan ang braso ko.
"Hindi pa naman ako inaantok Caleb, kung gusto mo ikaw na ang bumalik sa kuwarto mo." Inihagis ko ang hawak kong tsinelas at umupo sa buhangin. Nanatili naman itong nakatayo habang nakatitig sa akin.
"Tignan mo nga ang sarili mo Rocky halos malaglag na ang mga mata mo." Tumingin naman ako rito at pinanliitan ito ng mata ngunit hindi ako umimik.
"The Boyish Billionaire and The Queen of MotoRacing ay sobrang pasaway, lasing na nga nakuha pang gumala tsk tsk tsk." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito saka ito umupo sa tabi ko.
"The Boyish Billionaire and The Queen of MotoRacing? Saan mo naman nakuha ang mga iyan?" Tumawa rin ito at umiling. Tumitig ito sa akin at ganoon din ako, ang mapupungay nitong mata na nakatitig sa akin ngumiti ako saka pumikit.
"Caleb." Ang huling salitang nabigkas ko.
NAGISING ako dahil sa lakas ng pag-yuga sa akin ni Farrah, ibinuka ko ng bahagya ang mata ko at sinilip ito ngunit muli ko itong ipinikit.
"Rocky lunch na, maghapon ka na lang bang matutulog?“ Hinila pa nito ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Napaupo naman ako sa kama at tinignan ito ng masama.
"Maligo ka na rin dahil ang baho mo." Dugtong pa nito, inamoy ko naman ang sarili ko ngunit nang mapalingon ako sa aking damit ay iba na ang suot ko. Teka whirt shirt ang suot ko kagabi bakit nakablack shirt na ako at pajama? Tumayo ako saka humarap sa salamin, iba nga ang suot ko ngayon.
"Rocky hindi ka ba magkukwento? Anong nangyari kagabi?“ Lumingon naman ako rito at inalala ang nangyari kagabi.
"Ano bang nangyari kagabi? Wala naman nangyari kagabi sa amin ni Wilson hindi naman kami nag-usap dahil pinaasikaso ko siya kay Kevin at Martin." Sagot ko naman, at ngumiti lamang ng nakakaloko ang kaibigan ko.
"Hindi naman tungkol kay Wilson, tungkol sa inyo ni Caleb. Alam mo bang karga karga ka niya papasok dito sa kuwarto kagabi?“
"Ano wala ka pa rin bang naaalala Rocky?" Nagkibit balikat lang ako. Tumawa naman ito ng napakalakas.
"Alam mo ba na ilang beses mong sinukahan si Caleb at nagkalat ka pa dito sa kuwarto, kahit nga diring diri ako sa suka mo tinakpan ko ang bibig mo dahil muntikan mo ng sabihin kay Caleb na may gusto ka sakanya." Dugtong pa nito ngunit hindi naman ako naniwala dahil paniguradong pinagtitripan lang ako ni Farrah, hindi naman kasi ako ganoon pag nakainum.
"Farrah kilala ko ang sarili ko hindi ako gagawa ng ikapapangit ng image ko, I'm sure pinagtitripan mo lang ako." Tinaasan naman nito ako ng kilay at lumabas ng pinto.
"Sumunod ka na lang, maligo ka ng mabuti at labahan mo ang damit mo sa banyo na puno ng suka mo." Saka nito binagsak ang pinto pasarado. Napangisi naman ako at nagpunta sa banyo, nakita ko nga ang mga damit ko roon na nakakalat napatakip na lang ako sa aking mukha, mukha ngang hindi nagbibiro si Farrah.
Nagmadali akong nagbihis at lumabas ng kuwarto upang puntahan sila, nagsuot pa ako ng sunglass ko dahil sa mata kong puro eyebag. Tumabi ako kay Farrah at hinakbayan ito, hinalikan ko pa ang pisngi niya dahil mukhang nagtatampo ito lalo na't mukhang inalagaan ako nito kagabi.
Hindi naman makalingon sa akin si Wilson siguro ay naaalala nito ang lahat ng nangyari sakanya kagabi.
"Boss Rocky ang lakas mo talagang uminum kaya idol ka namin ni Kevin." Napayuko naman ako dahil sa sinabi ni Martin, mukha na ba akong lasinggera.
"Inubos pa nga namin iyong tirang Tequila kagabi mukhang gusto pa ngang humirit ni boss." Sabat naman ni kevin.
"Tumigil na kayo Kevin Martin, baka sabihin nila lasinggera ako." Habang ngumunguya ng steak.
"Hindi ba?“ Mukhang nagtatampo pa nga ang kaibigan ko dahil kung makatingin ito ay mukhang lalamunin ako. Samantalang ang mga staff ko naman ay mahinang napapatawa.
Katulad kahapon ay naglakad muli ako sa tabing dagat at umupo sa upuan sa ilalim ng malalaking payong. Nakita ko na naman sina Caleb at Tonet habang nagpapalagay muli ito ng sunblock.
"Landi talaga, nagpunta lang talaga siya dito para lang makipaglandian?" Napangisi ako habang tinitignan ang dalawa, nagulat nalang ako dahil sa paghakbay ng isang tao sa aking likuran. Napahawak pa ako sa aking dibdib nang makitang si Farrah lang pala.
"Nagseselos ka no? Ano pa ba kasing ginagawa mo Rocky bakit hindi mo rin subukan makipaglandian." Tinanggal ko ang eyeglass ko saka humarap dito.
"What? Farrah nagpunta ako dito para mag-enjoy."
"Nag-eenjoy ka ba? Hindi naman diba nagseselos ka nga lang diyan e, halika ka." Hinila nito ako saka kami nagtungo sa kuwarto. Binuksan nito ang lagayan nito ng gamit at naglabas ng iba't ibang design ng bikini, mayroon one piece at two piece swimsuit. Nagulat na lang ako ng itulak nito ako papasok sa banyo at Ibinigay ang mga bikini na iyon sa akin.
"Huwag kang lalabas diyan Rocky hangga't wala kang napipili." Sigaw nito sa labas ng banyo.
"Farrah hindi ako nagsusuot ng ganito, kaya palabasin mu na ako rito." Sigaw ko rin.
"OK fine, pag hindi ka namili ng kahit na isa sa mga iyan sasabihin ko kay Caleb na gusto mo siya." Talagang namblack mail pa ang kaibigan ko.
Trenta minutos din akong nag tagal sa loob ng banyo, wala akong nagawa kung hindi mamili ng isusuot roon, itinaas ko ang isa at magmumukha naman ako bulaklak kung iyon ang isusuot ko, ayaw ko ng may design upang hindi nakaw pansin sa mga mata ng taong mapanghusga, puti at itim na lang na two piece ang natitira.
Nang lumabas ako sa banyo ay laging gulat ng kaibigan ko, kumunot pa ang nuo ko rito saka inihagis sa kama ang suot kong daming kanina at isinuot ang sunglass ko.
"Oh pak! Ang sexy ng kaibigan ko, Rocky daig mo pa ang lalaban sa miss universe. “ Lumapit pa ito sa akin at inayos ang bra ko.
"Ang ganda mo Rocky naku mukhang magiging tomboy na rin ata ako nito, ang sexy sexy naman yarn." Dugtong pa nito, lumapit muli ito sa akin at inaalis ang sunglass sa mata ko at nilagay sa ulo ko.
"Mas bagay pagganyan, Tara na." Kinuha nito ang kanyang camera saka tumakbo na palabas ng kuwarto.
Napangisi naman ako dahil pagkatapos nito akong pagsuotin ng swimsuit ay iiwanan lang din pala ako nito. Sinundan ko nalang ito habang tumatakbo patungo sa lugar kung saan naroon ang aming mga kaibigan na nagkukuwentuhan.
"Guys, gusto kong makilala ninyo si Ms. Rochelle Keitlyn Valdez." Sabay sabay naman na humarap ang mga ito at mapatingin sa akin. Hindi ko mailakad ang mga paa ko at nanatiling nakatayo sa lugar ko.
"Witwiw." Sipol pa ni Kevin.
"Kevin hindi na pala natin kailangan maghanap ng chicks dahil may chicks na rito." Tinaasan ko naman ng kilay ito.
"Boss Rocky ang ganda ninyo, ang flawless at napaksexy." Singit naman ni Denise.
"Si boss Rocky ba iyan? Mukhang ibang babae iyan nasaan ba si boss Rocky, naku parang nandidiri na ako." Sabat naman Larraine at napatawa naman ang mga ito, napalingon naman ako kay Caleb na nuo'y nakatitig sa akin nginitian ko naman ito ngunit lumapit sakanya si Tonet.
"Rocky you're so beautiful, you look amazing." Ngumiti naman ako dahil sa sinabi ni Wilson habang ito ay papalapit sa akin, umupo ako sa kanilang tabi habang style lalaki pa rin kaya naman kinurot ako ni Farrah.
"Ayusin mo naman upo mo Rocky, tandaan mo babae ka ngayon." Bulong ni Farrah kaya naman mabilis ko itong inayos.
Lalapitan ko pa sana si Caleb ngunit hinila ito ni Tonet saka umupo rin sa aking tabi si Wilson.
"Rocky gusto ko sanang humingi ng apology for what happened last night, nakainum lang ako pero totoo iyong nararamdaman ko para sa iyo." Lumingon naman ako ngunit binaling ko muli ang tingin ko kina Caleb at Tonet.
"Wilson pwede bang sa ibang araw na lang natin ito pag-usapan, pwede bang mag-enjoy muna tayo ngayon." Pumayag naman ito sa gusto ko at hindi na ako muling kinulit pa.
Pinuntahan naman ako ng mga staff ko at tumabi rin sa akin.
"Boss pwede ba kitang ligawan." Pang-aasar ni Kevin.
"Sisante gusto mo?" At nagtawanan naman ang mga ito.
"Boss tara na sa dagat sayang naman ang swimsuit ninyo kung hindi kayo mababasa." Hinawakan nila ang magkabilang braso ko at hinila ako papunta sa dagat kahit na anong sabihin kong pananakot ay tuloy pa rin ang mga ito sa paghila sa akin sabay pa ang malakas na tawanan ng mga ito napalingon pa ako kay Farrah ngunit nanatili lang itong nakatayo habang kumukuha ng mga litrato.
Nang makarating kami sa dagat ay kaagad nila akong binasa ng tubig dagat, naramdaman ko ang malamig na tubig na dumarampi sa aking balat at napakasarap ng pakiramdam na iyon.
Kung ano ano pang mga Beach activities ang aming ginawa katulad ng Beach volleyball, surfing at ski. Tuwang tuwa ang mga staff dahil minsan lang ito mangyari, bumalik ako sa upuan at sinuot ang tapis na ibinigay ni Denise kanina.
"Nag-enjoy ka no?“ Lumingon ako kay Farrah na nuo'y tinitignan nito ang mga kuhang litrato at tumango naman ako.
"Alam mo Rocky ngayon pa lang kita nakitang ganyan kasaya maliban sa pagmomotor mo a." Tumingin naman ako rito at ngumiti nang biglang tumunog ang telepono ko.
"Hello Crissa?"
"Hello po ate Rocky, nasaan po si kuya Caleb kanina pa po ako tumatawag sakanya kaya lang nakapatay po ata ang cellphone niya." Sabi nito sa kabilang linya.
"Busy kasi siya ngayon Crissa, ano bang sasabihin mo sakanya para masabi ko."
"Pakisabi po happy birthday, birthday niya po kasi ngayon at sabi niya bukas namin iyon icecelebrate."Mahabang sabi nito.
Ibinaba ko iyon saka lumingon kay Farrah.
"Birthday ni Caleb ngayon." Sabi ko rito.
Nagkaroon naman ng ideya si Farrah para surpresahin si Caleb, tinawag pa nito ang mga staff ko at gawan ng konting selebrasyon.
Nagsibihis na kami at nagpunta sa resto bar upang doon ganapin ang kaarawan ni Caleb hindi na namin sinama sina Wilson at Tonet para hindi masiyadong halata.
Maggagabi na kaya nagtungo na kami sa resto bar at doon na lamang hintayin sina Caleb. Nang makapasok sila ay malakas naming binati si Caleb ng happy birthday. Nagulat pa ito dahil sa mga confetti na nalalaglag.
"Paano ninyo nalaman na birthday ko." Sabay sabay naman akong itinuro nina Farrah, kaya naman lumapit ito saka ako niyakap ng mahigpit.
"Happy birthday." Bulong ko, kumalas ito sa pagkakayakap at ngumiti sa akin.
"Salamat pero paano mo nalaman?"
"Nabanggit sa akin ni Crissa kanina kaya we decided na surpresahin ka." Ngumiti ito at niyakap akong muli.
"Ahem tama na iyan at baka may magselos." Bulong ni Farrah sa akin at dumistansiya ako ng konti.
"Let's eat, inorder lahat ni Rocky ito kaya ubusin natin dahil bukas uuwi na tayo bukas and back to reality na." Umupo kami sa upuan at nagsimula ng kumain.