Bumalik na kami ni Farrah sa kuwarto dahil kailangan pa namin ayusin ang mga gamit namin at ilagay iyon sa bag dahil maaga pa kaming bibiyahe pabalik ng San Antonio.
"Ang tahimik mo Rocky, hindi ako sanay. Bakit nabitin ka ba sa 3day outing natin?" Napabuntong hininga ako habang papaupo sa kama.
"Farrah what if, nawala ang mama mo tapos alam ko kung nasaan siya magagalit ka ba sa akin kapag hindi ko sinabi sa iyo na alam ko kung nasaan siya?" Napakunot naman ang nuo nito ngunit sinagot nito ang tanong ko.
"Of course Rocky magagalit ako sa iyo dahil may alam ka pala tapos maglilim ka sa akin." Hindi ako nakaimik dahil sa direktang sagot ni Farrah.
"Sandali nga Rocky, ano bang sinasabi mo? Kanino bang nanay ang nawawala?" Umupo rin ito at tumabi sa akin sa kama.
"Si Caleb, nabanggit kasi niya sa akin na namatay ang papa at sinisisi nito ang mama niya dahil iniwan sila at sumama sa ibang lalaki."
"Oh tapos?"
"Ang lalaki ng mama niya ay ang tito Rodolfo ko." Nagulat naman ito sakanyang nalaman.
"Oh my gosh Rocky, hindi ba nakuwento mo sa akin na mayroon long time girlfriend ang tito mo tapos iniwan siya at simula noon hindi na nakapag-asawa pa? Do you mean ang mama ni Caleb ang long time girlfriend ni tito Roldolfo?" At tumango naman ako.
"Naku Rocky malaking problema iyan, sa tingin mo ba pag nalaman ni Caleb magiging maayos pa kayo?"
"Hindi ko alam Farrah naguguluhan na ako, kahit na saan man anggulo kong tignan ay alam kong lalayo ang loob nito sa akin kaya kung mangyari man ang araw na iyon ay dapat handa na ang sarili ko." Bumalik kami sa pag-aayos ng aming mga gamit habang malalim ang iniisip ko.
Inilagay na namin sa kotse ang dala naming mga gamit at handa ng bumalik sa San Antonio. Bago kami umalis ay pinasalamatan muna kami ng El Grande Island Resort Receptionist at binigyan pa ng vouchers para sa muling pagbalik namin.
Sumakay na ako sa kotse ko kasama si Caleb. Samatalang si Tonet, Farrah at Wilson ang magkakasama upang diretso na sakaniya kanyang mga bahay at ganoon din ang mga staff ko.
Habang kami ay nasa biyahe ni Caleb ay inilagay ko sa aking magkabilang tenga ang headset upang hindi nito ako maistorbo ngunit inalis nito iyon saka nito kinuha ang telepono ko at ipinatong sa harapan ng kotse.
"Kwentuhan mo na lang ako para naman hindi ako mainip magdrive, alam mo naman malayo layo ang biyahe natin." Lumingon naman ako rito at ngumiti.
"Ano naman ang ikukwento ko sa iyo?"
"Kahit ano, hindi naman kasi tayo masiyadong nakapag-usap noong nasa resort tayo maliban noong nasukahan mo ang damit ko." Napangiwi ako at humarap sa labas ng bintana, hindi nga nagbibiro ang kaibigan ko.
"I'm really sorry Caleb pero hindi ko matandaan ang nangyari, nabanggit lang din sa akin ni Farrah."
"OK lang kasi nakabawi ka naman dahil sa surprised mo para sa akin, thank you Rocky."
"Welcome." Mahinang kong sagot ko saka ngumiti rito.
Limang oras ang biyahe namin pabalik ng San Luis, dumaan muna kami sa mga souvenir shop na aming madaraanan upang mayroon maipasalubong sa mga kapatid ni Caleb. Hindi ko ugali ito, ang bumili ng mga pasalubong dati pero ngayon nagagawa ko na dahil sa mga kapatid ni Caleb na itinuturing ko na rin mga kapatid.
Hindi na rin namin alam kung nasaan na ang aming mga kasama dahil kanina lang ay magkakasunod pa kami marahil nagkanya kanya na rin ang mga ito sa kanilang destinasyon.
Halos magalit na rin sa akin si Caleb dahil sa mga souvenir na binili ko ngunit wala naman itong nagawa.
Bumalik kami sa kotse at ipinagpatuloy ang aming biyahe.
"Rocky hindi ka na dapat pang bumili ng mga iyan, mai-spoiled lang ang mga kapatid ko at ayaw ko silang masanay." Napansin kong kumunot ang nuo nito.
"Bakit? Dahil ba akala mo pag-umalis ka na at magpunta sa Australia hindi ko na pupuntahan ang mga kapatid mo?" Lumingon ito sa akin saglit at binalik muli ang tingin sa daan.
"Caleb para ko na rin mga kapatid ang kapatid mo lalo na inalagaan ninyo ng mabuti ang mansion sa San Luis." Dugtong ko pa.
"Ayaw ko lang dumating ang panahon na magsawa ka rin sakanila at iwanan mo na lang ng basta basta." Sagot naman nito.
"Anong ibig mong sabihin? Na magiging katulad ako ng mama mo na iniwan kayo basta basta?" Inilapit ko ang kamay ko sa tenga nito at ito'y piningot.
"Hoy Caleb Francisco hindi ako ganoong klase ng tao at hindi ko gagawin iyon." Hinawakan nito ang kanyang tenga saka nito ako nginisian.
Paano kung malaman niya na alam ko kung nasaan ang mama niya? Nakangiti lang ako dito ngunit hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sakanya.
Nang makarating kami ng San Luis ay kaagad kaming sinalubong nina Auntie Hasmin kasama ng mga kapatid ni Caleb at binati nila ito. Samantalang kinuha ko naman sa loob ng kotse ang mga pasalubong ko para sa mga kapatid ni Caleb.
"Keitlyn nagbalik ka." Niyakap naman ako ni Auntie Hasmin at ngumiti sa akin si Cindy.
Lumapit naman ako kay Caleb at bumulong dito.
"Ang dami mong bisita hindi ba nakakahiya?" Lumingon naman ito sa akin at itinuro sila.
"Mga kamag-anak lahat iyan ng papa ko." Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, idinala nito ako sa kanila at ipinakilala. Mukhang lahat naman sila ay mababait dahil nakangiti lang ang mga ito habang ipinapakilala ako ni Caleb sa mga pinsan, tita at tito nito.
"Sa side ng mama mo bakit wala sila?" Binitawan nito ang kamay at umupo sa bakanteng upuan.
"Simula ng umalis si mama at iwanan kami hindi na rin kami pinuntahan dito at simula rin noon hindi ko na rin sila itinuturing na kamag-anak." Sabi nito nang may diin kaya naman napatango na lang ako.
"Sa kotse muna ako Caleb, nakalimutan ko rin kuhanin iyong cellphone ko." Tumalikod ako ngunit sinundan naman nito ako.
"Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa naglunch Rocky, huwag kang mag-aalala dahil wala akong pinalutong gulay." Humarap naman ako saka bahagyang napatawa.
"Hindi pa kasi ako gutom Caleb hindi ba't kumain tayo kanina." Ngumiti ako saka nagpa tuloy na naglakad patungo sa kotse. Binuksan ko iyon saka pumasok sa loob, tinanggal ko pa ang blazer ko at kinuha ang telepono ko.
"Hello Farrah, nakauwi na ba kayo?"
"Yes Rocky, kanina pa by the way nareceive mo ba iyong sinend ko sa iyo na invatation for racing event?" Ibinaba ko naman iyon saka tinignan ang message nito.
"Yes Farrah nakita ko na, I'll call you later." Ibinaba ko iyon nang makitang patungo sa akin si Crissa at binuksan ang bintana ng kotse.
"Hindi po ba kayo bababa ate Rocky? Sa loob po tayo." Tumango naman ako at ngumiti rito.
"Susunod ako Crissa." Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman napatakbo kami ni crissa patungo sa kanilang bahay. Kumuha naman kaagad ng tuwalya si Caleb at iniabot sa akin.
"Bakit biglaan naman ata ang ulan samantalang tirik ang araw kanina." Lumingon naman ako kay Crissa.
"Climate change." Sagot ko naman.
"May malakas na bagyong parating ngayon at mukhang dito sa atin dadaan." Sabi naman ng isang pinsan ni Caleb.
"What? Paano tayo uuwi?" Nagkibit balikat naman ito. Nakalimutan kong kuhanin ang telepono ko sa kotse, aakma na sana akong lumabas nang hawakan ni Caleb ang braso ko at pigilan ako.
"Saan ka pupunta?"
"Nakalimutan ko iyong cellphone ko sa kotse, teka may payong ba kayo?" Umiling naman ito.
"What? Wala kayong payong?" Nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas kaya naman napapikit ako saka napahawak sa aking tenga at napatawa ang mga ito.
"Mayroon pala kaming payong sandali kukunin ko." Bumalik ito at dala ang payong saka nito ibinigay sa akin iyon.
"Oh heto na." Habang pigil sa pagtawa, inirapan ko naman ito at umupo sa upuan habang nakahalukipkip.
Lumalakas pa lalo ang ulan, mukhang totoo nga ang sinabi ng pinsan ni Caleb na mayroon bagyo. Sumilip pa ako sa binta at halos hindi na makita ang mga puno at iba pang bahay dahil sa sobrang lakas ng ulan na sinabayan pa ng malakas din na kulog at kidlat.
Ang ibang mga pinsan nito ay nakasilong sa kubol at ang iba naman ay nasa bahay nila Auntie Hasmin. Tayo, upo, tayo, upo habang pasilip silip sa labas ng pinto gusto ko sanang kuhanin ang telepono ko para matawagan si kuya na nandito ako sa San Luis ngunit takot ako sa kidlat at kulog.
Isa pang dahilan ay tungkol sa racing event dahil hindi ko nasabi kanina kay Farrah na sasali ako.
Tumabi sa akin si Caleb at kinurot ang pisngi ko, tinignan ko naman ito ngunit pinanliitan ko lang ito ng mata.
"Kailangan ko ang cellphone ko Caleb, kailangan kong tawagan si kuya." Nakakunot ang nuo ko ngunit pabebe ko itong sabi.
"Iyon lang ba? O para tawagan si Wilson?" Paano napunta sa usapan namin si Wilson? Tumayo ako at sumandal sa pinto.
"Kailangan ko makuha ang cellphone ko dahil sasali ako sa racing event bukas, kailangan ko iyon para sa mga bata sa foundation." Tumayo ito at lumapit rin sa akin.
Nang walang ano ano'y tumakbo ito at lumusob sa malakas na ulan para kuhanin ang cellphone ko sa kotse, bumalik ito at iniabot sa akin iyon pagkatapos ay tinanggal nito ang kanyang damit na nabasa dahil sa ulan.
Hindi na bago ito dahil minsan ko na itong nakita ngunit napatakip pa rin ako ng aking mukha saka tumalikod, dumeretso naman ito sakanyang kuwarto upang makapagpalit.
Binuksan ko ang telepono ko ngunit wala rin signal kaya wala rin silbi kahit na nakuha pa ito ni Caleb. Pagka labas nito ng kanyang kuwarto ay muli itong tumabi sa akin.
"Nakontak mo ba?" Umiling naman ako at ibinaba ang telepono sa mesa.
"Walang signal." Mahina kong sagot.
"Alam mo Rocky, madami naman paraan e, kung gusto mo talagang makatulong sa mga bata sa foundation hindi mo kailangan makipagkarerahan dahil napakadelikado nu'n." Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito dahil mayroon naman itong punto ngunit ang pagmomotor na ang buhay ko.
"Nagmomotor ba ang boss mo insan? Kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin, minsan ko ng nakita sa diyaryo ang mukha niya." Singit naman ng pinsan nito.
"Sa diyaryo? Anong diyaryo?" Tanong ko naman.
"Sandali at kukuhanin ko." Kinuha nito ang diyaryo na nkalagay sa ilalim ng lamesita at iniabot nito sa akin. Tinignan ko naman iyon at nagulat ako dahil iyon ang paboritong diyaryo na binabasa ni dad, napaupo pa ako habang hawak hawak iyon.
"Anong problema Rocky?"
"Itong diyaryo na ito ang paboritong basahin ni dad, malamang ay nakita na rin niya ito at alam na niya ang tungkol sa pagre-race ko." Hinawakan naman ni ang balikat.
"Malay mo naman hindi pa niya nakikita iyan dahil nasa Australia siya hindi ba?" Lumingon naman ako sa tumango.
"Sana nga Caleb, sana nga."
Tumila na ang ulan at excited na akong umuwi, nagsilabasan na rin ang mga tito at tita niya upang maghanda na sa labas para makapaghapunan na. Ngunit ibinalita ng isang pinsan ni Caleb na walang madadaanan palabas ng San Luis dahil lubog sa baha ang mga kalsada.
Sinipa ko ang lamesita sa sala saka ako lumabas.
"Wala na ba talagang ibang madadanan palabas ng San Luis?" Napatingin pa ang mga ito sa akin dahil sumabat ako sa usapan nila.
"Iha Keitlyn wala ng iba pang madadanan papunta ng San Antonio kung ako sa iyo ay dito ka na muna magpalipas ng gabi." Sagot naman ni Auntie Hasmin na nuo'y nasa likuran ko.
"Pero Auntie Hasmin kailangan ko pong makauwi ng San Antonio."
"Huwag na kayong mapilit mam dahil wala talagang madadaanan pwede naman kayong maglakad at lumusong sa baha kung gusto ninyo." Lumingon naman ako rito at pinanliitan ito ng mata ngunit mabilis lang iyon saka ngumiti rito. Bumalik ako sa loob ng bahay at inihagis sa akin ni Caleb ang isang damit.
"Huwag ka ng mapilit Rocky narinig mo naman siguro ang sinabi nila, hayaan mo bukas na bukas aagahan natin magbyahe, oh siya magpalit ka na at kakain na tayo." Itinuro nito ang kanyang kuwarto at pumasok naman ako roon.
Amoy na amoy ko ang mabangong pabango ni Caleb sa loob ng silid, umupo ako sa kama nito saka pinalitan ang damit ko na ibinigay nito sakin mukhang kay Crissa ito dahil napasikip niyon at bakat na bakat ang hinaharap ko.
Hindi ko na sana papalitan ang damit ko ngunit namantiyahan iyon kanina at wala na rin akong ekstrang damit na dala.
Pumasok si Caleb habang dala dala nito ang ibang unan at kumot.
"Bakit napakadami naman iyan? Isang unan lang ang kailangan ko." Tumawa naman ito saka umupo sa tabi ko.
"Hindi lang naman ikaw ang matutulog dito Rocky, kasama mo ako seyempre." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at mapalunok pa ng aking laway. Ang ibig ba niyang sabihin magkatabi kaming matutulog ni Caleb? Ngayon pa lang ay nanginginig na ang katawan ko.
"Bakit hindi ka na lang sa ibang kuwarto matulog Caleb?" Tumayo ako at inayos ang damit ko.
"Saan pa ako matutulog e, kuwarto ko ito Rocky, alangan naman na hayaan kita na iba ang makatabi mo." Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Huwag kang mag-aalala Rocky dahil wala naman malisya kaya nga ang dami kong dalang unan dahil ilalagay ko ito sa gitna." Dugtong pa nito at hinila ang braso ko saka naman ako napaupo sa tabi nito.
"Oo naman walang malisya, diba nga sabi mo hindi mo ako type? Hindi rin nman kita type dahil si Tonet ang type ko." Napalingon ako dito at ito'y mariin na nakatitig sa akin nagbaba ako ng tingin at iniharap sa iba ang mukha ko ngunit hinawakan ni Caleb ang pisngi ko at iniharap sa mukha nito. Ganitong ganito rin ang ginawa nito sa akin noon kaya hindi na ako naniniwalang tototohanin nito.
"Rocky." Bigkas nito saka ko naamoy ang mabangong hininga niya, tinignan ko ang mata nito ngunit ito'y nakatitig sa mga labi ko, naririnig ko pa ang paglagok ng kanyang laway na tila ba uhaw na uhaw sa mga labi ko.
Nang walang ano ano'y inilapit nito ang kanyang labi sa labi ko at naramdaman ko nalang ang malambot na labi nito na dumarampi sa mga labi ko, napamulagat pa ako ngunit nang malasahan ko ang matamis na halik nito ay tila ba isang gayuma kaya ako'y napapikit nang sinimulan nitong igalaw iyon , nakita ko nalang ako sarili ko na ginagantihan na rin ito halik.
Naramdaman ko pa ang kamay nito na bumaba sa beywang ko, nang biglang marinig ko ang boses ni Crissa sabay ng pag bukas nito sa pinto ng kuwarto kaya naman naitulak ko si Caleb at malaglag ito sa sahig saka naman ako napatayo.
"Kakain na! Teka anong ginagawa mo diyan kuya?" Napalingon naman ako Crissa saka binaling ang tingin kay Caleb na nuo'y nakaupo sa sahig.
"Inaayos ko ang higaan." Nagtinginan naman kami ni Caleb at ngumiti ito ngunit pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko kaya naman lumabas ako ng kuwarto.