Rocky Point Of View
I bit my lip and licked it, I could still taste Caleb's sweet kiss as I held it and still smiled.
Dumeretso ako sa labas at tumabi kay Auntie Hasmin na nasa harapan na rin ng hapag kainan.
Napalingon ako sa aking tabi at nakita kong umupo sa tabi ko si Caleb ngunit ibinaling ko ang tingin ko kay Auntie Hasmin. Nahihiya ako sa nangyari hindi ko alam kung bakit nangyari iyon pakiramdam ko tuloy ay napakarupok ko.
Kumanta muna ng happy birthday at nagdasal bago kumain, maglalagay na sana ako ng pagkain sa aking plato nang mabilis naman na lagyan iyon ni Caleb at ngumiti pa sa akin habang nilalagay ang mga iyon.
Masayang nagkukwentuhan ang mga ito sa hapag kainan habang ako naman ay nanatiling tahimik at inaalala ang nangyari kanina habang palihim na napapatawa.
"Masarap ba?" Tanong ni Caleb na nakatitig sa akin, bigla na lang ulit bumilis ang t***k ng puso ko at mapalunok ng aking laway. Ano bang sinasabi nito, bakit kailangan niya pang tanungin ang bagay na iyon?
"Masarap ba ang luto nila?" Napangiwi naman ako dahil mali pala ang nasa isip ko saka naman ito napatawa ng bahagya.
"Yes of course." Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko kaya halos masamid ako sa pag sagot.
"Kung ano ano kasing nasa isip mo." Bulong pa nito saka ko kinurot ang tagiliran nito dahil sa hiya.
Napalingon naman sa amin ang ilang mga kamag-anak nito.
"Ayos lang ba kayo mam? Namumula ang mukha ninyo." Napalingon naman ako sa pinsan ni Caleb na nasa harapan ko.
"Oo naman, may maanghang lang akong nakain." Pagsisinungaling ko saka uminum ng tubig samantalang napatawa naman si Caleb at nilingon ko ito.
"Rocky paanong magkakaroon ng maanghang diyan, e wala naman silang nilutong mayroon sili diyan." Saka ito muling tumawa, napaghahalata atang nagsisinguling ako kaya nilingon ko si Caleb at pinanliitan ito ng mata saka lamang huminto sa pagtawa.
Nang matapos akong kumain ay dumeretso ako sa sala nila at kinuha ang telepono kong nakapatong roon sa lamesita. Tinignan ko ang aking relo at pasado alas otso na ng gabi ngunit wala pa rin signal kahit na huminto na ang malakas ulan.
Sinundan naman ako ni Caleb at umupo rin sa tabi ko, ano bang ginagawa ng taong ito? Bakit hindi niya asikasuhin ang mga bisita niya? Nakita kong sumandal ito sa upuan at ipinatong nito ang kanyang ulo roon saka pumikit. Halatang pagod na rin ito dahil sa mahabang biyahe kanina, nanatili lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang mukha nito.
"Huwag mo masiyadong titigan ang mukha ko Rocky at baka matunaw." Paano niya nalaman na nakatingin ako sa mukha niya?
"Hindi ba't minsan mo na rin akong tinitigan noong nakaraang nagpunta tayo rito sa San Luis?" Dugtong pa nito saka minulat nito ang kanyang mata, naalala ko nga iyon dahil hindi pa kami magkasundo noon.
"Ang kapal naman ng mukha mo."
"O Hindi ba ganyan din ang sinabi mo sa akin?" Napakunot na lang ang nuo ko dahil naaalala niya kahit na ang mga sinabi ko.
"Kuya may bisita ka sa labas." Wika naman ni Christopher nang makapasok sa loob.
"Sino?"
"Sina ate Julia kasama iyong mga kaibigan mo." Sino naman itong Julia na ito? Tumayo naman si Caleb at kaagad pinuntahan ang mga kaibigan niya na tila ba sabik na sabik na makita ang mga ito dahil hindi man lang ito nagpaalaam sa akin. Sumilip naman ako sa bintana at nakita kong may apat na lalaki at isang babae itong kausap.
Hindi kaya nobya nito si Julia? Bakit nga ba hindi ko naitanong kung mayroon na itong nobya? Ilang beses pa akong napasilip silip nang bigla akong magulat dahil sa tunog ng telepono ko.
"Hello Rocky, kanina pa kita kinocontact pero out of coverage ka." Sabi ni Farrah sa kabilang linya.
"Hello Farrah nandito kami ni Caleb sa San Luis naabutan kami ng malakas na ulan tapos bigla na lang nawalan ng signal." Sagot ko naman.
"What? Ang layo ng San Luis Rocky makakauwi pa ba kayo ng San Antonio niyan?"
"Hindi na Farrah, dito na kami magpapalipas ng gabi ang sabi nila rito lubog ang mga kalsada dahil sa ulan kanina." Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni Farrah.
"Alright, how about your meds nakainum ka na ba?" Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nakalimutan ko.
"Of course Farrah, sige na tatawagan ko pa si kuya see you tomorrow." Ibinaba ko ang telepono at bumalik sa kuwarto upang isuot muli ang dami kong tinanggal kanina dahil hindi ako komportable sa damit na ibinigay sa akin ni Caleb.
Lumabas ako at nagtungo sa kotse upang kuhanin ang bag ko, nakita ko pang lumingon sa akin ang mga kaibigan ni Caleb kabilang na si Julia. Pumasok ako sa loob ng kotse saka kinuha ang mga gamot ko at ininum ito mabuti na lang at mayroon pang laman ang water bottle ko.
Bumalik ako sa bahay at dumeretso sa kuwarto saka humiga sa kama, ni hindi man ako tinawag ni Caleb kanina para ipakilala sa mga kaibigan nito, ni hindi nga rin nito ako nilingon ng lumabas ako kanina. Pumasok si Crissa at dinalhan ako nito ng gatas.
"Matutulog ka na ba ate Rocky? Heto inumin mo muna." Bumangon naman ako at umiling.
"Ikaw dapat ang uminum niyan Crissa malaki na ako hindi ko na kailangan niyan." Ibinaba nito iyon sa lamesita saka tumabi sa akin.
"Nabanggit kasi sa akin ni kuya na umiinum ka pa ng gatas bago matulog kaya pinagtimpla kita baka kasi hindi ka po maging komportable sa bahay namin." Napataas naman ang kilay ko saka ngumiti at kinuha ang gatas na ipinatong nito at ininum iyon nakita ko pa ang pagngiti nito.
"Salamat Crissa." Ngumiti ito saka kinuha ang baso at lumabas na ng kuwarto.
Pinilit ko ang sarili ko na matulog kahit na hindi pa ako inaantok at mukhang namamahay ako dahil pabango ni Caleb ang naaamoy ko. Tinignan ko pa ang relo at alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin ako pinupuntahan ni Caleb, narinig ko ang pagpihit ng doorknob sa kuwarto kaya naman inayos ko ang sarili ko at baka si Caleb na ito. Bumukas ito at si Crissa muli ang pumasok ngumiti ito sa akin at umupo muli sa tabi ko. Nadismaya pa ako dahil akala ko'y si Caleb na ito.
"Tinignan ko lang po kung tulog na kayo."
"Hindi pa, hindi kasi ako makatulog. Crissa pwede bang magtanong?" Umupo naman ako.
"Sino ang mga bisita ng kuya mo?" Dugtong ko pa, hindi ko alam kung bakit ko pa ba natanong ang mga bagay na ito.
"Mga kaibigan po ni kuya simula po noong high-school sila."
"Pati si Julia?" Nagulat pa ito sa tanong ko.
"Paano po ninyo nalaman ang pangalan niya?" Napatawa naman ako ng bahagya.
"Nabanggit kasi ni Christopher kanina." Sagot ko naman. Hindi naman siguro ako mapaghahalatang marites nito.
"Ex girlfriend po ni kuya Caleb si ate Julia." Tumango tango naman ako, ex girlfriend na lang naman na pala.
"Baka gusto pa po ninyong lumabas para makipagkwentuhan sakanila, tara po sa labas umiinum po sila." Dugtong pa nito ngunit umiling naman ako.
"Hindi na Crissa kailangan ko na rin makapagpahinga dahil maaga pa kaming babalik sa San Antonio bukas." Lumabas na ito ng kuwarto at hindi na muling bumalik pa.
Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Caleb dito sa kuwarto, tinignan kong muli ang relo ko at ala una ng madaling araw hindi ako mapakali sa aking higaan kaya naman tumayo ako at lumabas ng kuwarto sumilip ako sa bintana at nakita ko pang umiinum pa sila habang katabi nito si Julia at nakahakbay pa rito.
Akala ko ba ex-girlfriend na lang niya? Bakit may pahakbay hakbay pa? Humanda ka sa akin bukas, ngumisi ako saka bumalik na sa kuwarto at pinilit na lang matulog.
Nagising ako dahil sa mahinang hilik na naririnig ko, hinila ko pa ang kumot dahil nilalamig ako nang maimulat ko ng tuluyan ang aking mata ay nakita ko ang sarili kong nakasubsob ang mukha sa dibdib ng isang lalaki habang wala itong suot na damit at nakapatong pa ang ulo ko braso nito samantalang ang isang kamay nito ay nakapatong din sa katawan.
Iniangat ko ang ulo ko at nakitang si Caleb ang katabi ko kaya naman sa sobrang gulat ko ay lumayo ako rito habang hila hila ang kumot na aming pinagsasaluhan.
Nagising ito dahil sa gulat ko at ngumiti sa akin.
"Good morning gising ka na pala." Iniangat nito ang kanyang kamay saka ipinatong muli sa beywang ko sabay hila rito.
"Anong ginagawa mo?" Kinabahan ako dahil wala itong suot na damit at magkatabi kaming natulog hindi kaya mayroon nangyari sa amin kagabi? Napalingon ako sa katawan kong nakabalot sa kumot at dahan dahan kong sinilip kung mayroon ba akong suot. Nakahinga ako ng malalim dahil suot ko pa rin ang dami ko kagabi.
"Ano bang iniisip mo Rocky? Akala mo ba'y wala kang suot na damit at pinagsamantalahan kita?" Natatawa itong nakatingin sa akin kaya naman inihagis ko sakanya ang unan at mabilis na lumabas sa kuwarto habang dala dala ang rubber shoes ko.
Nagpaalaam na ako sa mga kapatid nito at kina Auntie Hasmin saka dumeretso sa kotse at pumasok roon. Ako pa ang sasabihan niya na madumi ang isip? Bakit kasi siya tumabi sa akin ng walang suot na damit kahit sino naman ay mag-iisip ng hindi maganda. Hindi ako makapaniwalang magkatabi kami ni Caleb matulog buong gabi.
Pumasok na rin ito sa loob ng kotse habang pasipol sipol pa sinuot ko naman ay eyeglass ko dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking ito, inilagay ko rin sa tenga ko ang headset na hawak ko ngunit katulad ng dati ay kinuha nito iyon at ipinatong sa ibabaw ng kotse.
"Ano ba Caleb amin na ang cellphone ko." Kumunot ang nuo ko rito ngunit tumawa lang ito.
"Kwentuhan mo nalang ako para hindi ako antukin sa pagmamaneho."
"E di makipag-usap ka sa manibela o kaya naman kwentuhan mo ang sarili mo." Saka ito muling napatawa, hindi ko alam kung pinagtitripan na lang ba ako ng lalaking ito. Ano bang gusto niyang ikwento ko? Ang naging halikan namin kagabi?
"Ikaw din pag ako nakatulog habang nagmamaneho madidigrasya tayo, napuyat kasi ako kagabi anong oras na kami natapos uminum ng mga kaibigan ko, kaya dali na magkwento ka na." Nairita ako dahil sa sinabi nito.
"Alam mo naman na maaga ang biyahe natin pabalik ng San Antonio hindi ba? Bakit kasi nagpakalasing ka pa? Sabagay hindi na ako magtataka dahil kasama mo si Julia, bakit ba naman kasi ako magtatanong pa e alam ko naman na enjoy na enjoy ka kasama siya." Dirediretso kong sabi dito. Inihinto naman nito ang kotse.
"Si Julia? Kaibigan ko lang si Julia."
"Kaibigan?" Napangisi ako.
"OK ex-girlfriend ko si Julia at matagal na kaming wala." Tumingin lang ako dito at muling nginisan ito.
"Limang taon kaming magkarelasyon ni Julia pero naghiwalay kami dahil sumama siya sa ibang lalaki katulad ng ginawa ni mama kay papa." Dugtong pa nito, napatahimik na lang ako sa narinig ko.
"Pero mahal mo pa? Nakita ko kayo kagabi ang sweet sweet ninyo pahakbay hakbay ka pa nga sakanya, ganoon ba ang magkaibigan? Ang landi mo may Tonet ka na may Julia ka pa." Napatawa naman ito at tumingin sa akin.
"Hindi ko na siya mahal Rocky OK? Dahil mayroon na akong ibang gusto." Napalunok ako ng aking laway, gusto ko sanang tanungin kung sino ito pero baka hindi ko lang magustuhan ang sasabihin nito ayaw ko rin naman na mag-assume kung ako ba ito kaya naman tumango na lang ko.
"OK paandarin mo na ang kotse." Ang nasabi ko na lang.
"Hindi mo ba tatanungin kung sino?" Mas lalo pa akong kinabahan sa tanong nito.
"Bakit ko pa kailangan malaman kung sino, hindi naman ako interesado." Tumingin ako sa harapan ngunit hindi pa rin nito pinapaandar ang kotse.
"Nagseselos ka ba Rocky? Ganyan na ganyan ka rin nu'n noong nagselos ka sa amin ni Tonet, huwag mong sabihin type mo rin si Julia." Ganoon na ba ako ka-obvious kung magselos?
"Bakit naman ako magseselos?" Napatawa ako habang umiiling ngunit nanatili lang itong nakatitinig sa akin.
"Sige na Caleb panaandarin mo na ang kotse." Dugtong ko pa.
"Aminin mo na kasi na nagseselos ka." Humarap ako dito at nginisian ito.
"Paandarin mo na ang kotse."
"Nagseselos ka nga, hindi ko papaandarin ito hanggat hindi mo sinasabing nagseselos ka."
"Tsk, Caleb mahuhuli na ako sa race ko." Ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin, oo nagseselos nga ako dahil may gusto na ako sa iyo.
"Oo na nagseselos ako." Nagulat na lang ako dahil sa sinabi ko hindi ko alam na ang sinasabi ng isip ko ay nabigkas na rin pala ng bibig ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko at hindi lumingon dito saka nito pinaandar ang kotse.
Nanatili lang akong tahimik sa loob ng sasakyan, ano bang sinasabi ko? Bakit ko ba sinabing nagseselos ako kung pwede ko naman ilihim iyon, oo nagugustuhan ko na si Caleb hindi ko alam kung kailan, saan at paano nagsimula basta ang alam ko lang may gusto na ako sakanya.
Hindi rin naman ito nagsalita o nagtanong kung bakit ako nagseselos, wala rin naman itong nabanggit tungkol sa paghalik nito sa akin kagabi, ni hindi man lang ito nagpaliwanag. Napaisip tuloy ako kung pinaglalaruan lang ba nito ang damdamin ko, pinapahulog lang ba nito ang loob ko?