May kasabihan tayo na kapag pusa ay may siyam na buhay, paano pa kaya ang pusang itim.
Maraming nagsasabi na malas o may kaakibat na misteryo ang pusang itim.
Ngunit paano kung ito ay swerte na magbibigay kulay sa atin buhay.
Madilim na nang papauwi ako galing sa convenient store, bumili ako ng pagkain at ice cream dahil nga nagugutom ako at buong araw akong hindi nakakain dahil sa pagsusulat.
Bilang Isang novel artist ay palagi akong mag-isa at nagsusulat ng mga kwento para sa aking mga tagabasa kaya buong araw akong nasa bahay.
Ng tumunog ang aking Cellphone at sinagot ko naman.
"Melva hindi na I published ang sulat mo dahil ayaw ng management ang gawa mo," ang sabi ni Karol.
"Bakit naman pinagpuyatan kung gawin iyun" ang sagot ko sa kanya.
Kaya nainis ako sa narinig ko at pinatay ang cellphone.
Di na kasi masyadong maganda ang gawa ko, dahil nga walang inspiration sa buhay. Dalawa na lang kasi kami ng kapatid ko at hindi naman sya nakatira sa bahay namin.
May sarili na syang pamilya at ako lang mag- isa ang nakatira sa bahay na minana ko pa sa akin mga màgulang.
Kung hindi lang may minana akong bahay sa mga magulang ko ay wala akong bahay at wala naman masyadong pera sa mga sulat ko.
Kahit lagpas 30 na ako ay wala parin akong asawa o kahit boyfriend dahil nga di ako lumalabas sa bahay para makisalamuha sa ibang tao.
Palagi ko lang naman pinupuntahan ay convenient store, para bumili ng pagkain
Napa ka boring ng buhay ko.
Kaya habang papauwi na ako ay may narinig akong iyak ng pusa sa basurahan na dinadaanan ko pabalik sa aking bahay.
Kaya pinuntahan ko ito at nakita ko ang Isang kartoon at may lamang isang pusang itim.
Habang tinitignan ko sya ay may lumapit sa akin Isang matandang babae at tinignan ang sa loob na kartoon at nakita ang pusang itim.
Bigla nyan nasabi na malas ang pusang itim.
Kaya naawa ako sa pusa dahil ganyang ang tingin sa kanya ng mga tao na kapag pusang itim ay malas.
Napakaliit ng kanyang katawan, at basang - basa pa dahil katatapos lang ng umulan kanina at parang nagugutom dahil walang tigil ang kanyang pag meow at habang matagal ko syang pinagmamasdang ay napaka ganda ng kanyang mga mata.
Naawa ako sa pusa kaya kinuha ko ang kartoon kung saan sya nakalagay at dinala pa-uwi sa bahay ko.
Ng maka-uwi na ako ay agad kong pinunasan ang buo nyang katawan at nang matapos ko nang mapunasan at naghanap ng lagayan ng kanyang pagkain at meron pa kasi akong gatas na nasa ref.
Kaya nilagyan ko ng gatas ang lagayan at Pina inom sa kanya. Habang sya ay umiinom ng gatas ay pumunta ako sa table ko at nagsimula na naman magsulat.
Habang nagsusulat ako ay bigla syang lumapit at sumandal sa aking mga paa at doon nahiga.
Kaya napa tingin ako sa aking paanan at ngumiti. Dahil kinukuskus nya ang kanyang katawan sa akin paa at palakad- lakad sa aking paa habang ang kanyang buntot ay kinukuskus sa aking paa.
Napa ka amo nya kahit di ako mahilig sa pusa o ibang mga hayop na pwedeng gawin pet.
Maya-maya ay may tumawag sa akin sa cellphone at kinupirma sa akin na tulay na Ang pag published ng aking mga sulat kaya natuwa ako sa magandang balita.
Ng matapos na ang aming pag-uusap ay bigla kung kinuha ang pusa at lumundog -lundog sa subrang saya.
Kaya umupo ako ulit sa aking upuan at nagsimulang sumulat ng mga kwentong makapagbibigay ng saya, lungkot , katatawanan sa aking tagabasa.
Ng mag-uumaga na ay nabigla ako dahil Nakita silang nandito sa labas ng gate ng bahay ang aking kapatid at Kasama ang kanyang asawa na buntis sa pangalawa. At karga-karga namin ng kapatid ko ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae.
Pinapasok ko sila sa bahay at pina-upo sa sofa, binigyan ko sila ng maiinom.
Nagsalita ang aking kapatid na sa susunod na buwan na dito muna ang anak nila na panganay dahil manganganak ang kanyang asawa.
Kaya tumango ako at ngumiti bilang pagsasangayon sa kanila. Dahil matagal na kaming di nagkita ng pamangkin ko.
Ng umalis na sila ay pinagpatuloy ko ang aking pagsusulat ng mga kwento.
Hanggang sa dumating na ang araw ng nag panganganak ng asawa ng aking kapatid.
Kaya dumalaw ako sa hospital para narin kumain ang aking pamangkin.
Nang papunta na ako ay nasa lubong ko ang aking ka klase sa high school at naging ultimate crush noon.
"Melva ikaw ba iyan?" Ang pagtatanong ni Alven sa akin.
Oo, ako nga Alven," ang pagsagot ko sa kanyang tanong.
Okay Rin, ikaw kamusta kana? Ang pagtatanong nya.
Ito okay lang." Sagot ko kay Alvin.
Dito Kaba ng nagta-trabaho ," ang pagtatanong ko kay Alven.
Oo, Doctor ako dito sa katunayan nga ay katatapos ko lang magpaanak sa pasyenti ko kanina ang tapos na ang duty." Ang mahaba nyang papaliwanag.
Kaya natawa ako.
Ikaw saan ka pupunta?" Ang pagtatanong ni Alven sa akin.
Bibisitahin ko Kasi ang sister in-law ko na nanganak kanina.
Ah," ikaw ba may pamilya ka ba? Ang pagtatanong ni Alven.
Ito magiging matandang dalaga na," ang aking sagot na sinabayan ko ng pagtawa.
Ikaw may little Alven kana ba? Ang pagtatanong ko sa kanya.
Wala pa akong asawa," ang sagot ni Alven.
Eh, nobya ?" Àng tanong ko sa kanya .
Wala, kaka break ko lang kasi sa girlfriend ko 5 months ago.
Ah! So you're single and available , sinabayan ko ng tawa ang pagtatanong ko sa kanya.
Yes , I'm available.. sagot ni Alven.
May sasabihin pa sana ako ng biglang ng ring ang cellphone ko.
Excuse me, sandali at sasagutin ko muna..
Nang sinagot ko ang tawag ay hinihintay na Pala ako sa kwarto ng aking sister in-law at kukunin ang aking pamangkin.
Ng matapos na kaming ma-usap ay nagpaalam na ako kay Alven.
At ibinigay ni Alven ang kanyang cellphone # at nagpalitan kami ng mga # namin.
Ng pumunta na ako sa kwarto ay nakita ko ang aking pamangkin na bagong panganak at ng matapos na ang pagdalawa ko ay kasama ko nang umuwi pamangkin kung tatlong taong gulang.
Napa kakulit nya, kaya habang naghihintay ako ng taxi ay may huminto na sasakyan si Alven Pala.
Sumakay kana melva at hihahatid na kita sa inyo. Ani ni Alven
Kaya sumukay ako sa sasakyan nya , habang naka sakay ako ay nag-uusap kami tungkol sa amin. Kung anu-ano Hanggang sa naitanong nya na nalaman nya na ultimate crush ko sya nung kami ay highschool.
At kung pwede ba syang mangligaw sa akin.
Naging maganda ang aming pag-uusap hanggang sa naihatid na nya kami sa bahay ng pamangkin ko.
At magdaan ang mga araw ay lumalabas kami at nag da-date. Kung minsan ay nag jogging sa parke kasama ang itim kung pusa.
Habang kami ay nanonood ng sine ay may nadaan kaming lotto outlet na isipang kung tumaya.
Ng sumunod na araw habang nasa table ako at sumusulat ng kwento ay naisipan kung tignan ang lotto winner # sa cellphone ko at nakita ko ang winner # at yung ang aking numero nung tinaya ko kaya nagsisigaw ako sa tuwa.
Habang nasa table ko ang aking pusang itim. Tinitigan ko ng mabuti ang aking pusa habang sya ay nahiga sa table ko.
Bigla ko nalang nasabi na.
"Salamat sayo, nag dumating ka sa buhay ko maraming nang magandang nanyayari".
At niyakap ang aking pusang itim