Masayang -masaya si Clara ng malamang nyang binilhan sya ng kanyang ate Monica ng cellphone dahil naipangako sa kanya nito noon nakaraan araw kaya buong gabi niyan hinihintay ang kapatid na umuwi.
Dahil cherry mobile na keypad ang pinagtyagaan nyan gamitin dahil wala silang perang pangbili ng smart phone. Kahit sya na lamang ang gumagamit nito sa kanilang klase at naiintindihan naman nya kung bakit.
Dahil may sakit ang kanilang Ina at kinakapos sila sa pera dahil nagpupunta lamang sa gamot ng kanilang Ina.
Kaya nang naipangako ng kanyang Kapatid ang bibilhan sya nito, kapag napanatili nya ang pagiging honored students nya.
Kaya lang ay magha-hating gabi na at hindi pa umuuwi ang kanyang ate sa kanilang bahay.
Lumabas ang kanyang Ina sa kanilang kwarto habang naghihina at sinabihan ako na matulog at may pasok ako bukas.
Kaya kahit ayaw kung matulog ay sinunod ko nalang si Nanay kung uuwi naman si ate ay may susi naman syang lagi nyang dala.
Nag mag- uumaga na ay nagising kami sa katok sa labas at sumisigaw Sila. Kaya nagmadali akong lumapit at buksan ang pinto.
Tumambad sa amin ang Isang tanod at may mga dugo sa kanyang damit Kaya nagtaka kami. Habang hinahabol nya ang kanyang hininga ng makapagsalita na sya.
"Clara ang ate mo na nasa hospital at may saksak sa katawan, Nakita namin sya sa daan habang kami ay nagrorounda" ang sabi ng tanod sa akin.
Natulala ako sa kanyang sinasabi hanggang sa marinig ko ang iyak ni Nanay , nanumbalik ang aking pag-iisip at napa upo sa sahig habang umiiyak.
Ate!! ate!! Ang tangi kong sigaw habang niyayakap ako ni Nanay sa likod.
Pinuntahan namin sya sa hospital at nasa emergency room at hindi pa lumabas ang Doctor.
Maya-maya ay lumalabas ang Doctor at lumapit sa amin at sinabi ang pinakamasakit na katotohanan.
I'm sorry, di namin sya nailigtas .. patay na Ang pasyenti.. ang sabi sa aming ng Doctor.
Kaya nagwawala na ako sa kaiiyak at sumisigaw.
Ate!! Ate!! Gising wag mo kaming Iwan..
Ang pagmamakaawa ko sa kanya habang lumalapit kami sa kanya na nakahiga sa kama.
Tulala parin ako sa nangyari kay Ate marami ang dumalaw sa kanya mga ka opesina nya, mga kaibigan, kapit bahay at kanyang nobyo.
Si kuya Aldo di na sya umaalis sa bahay namin lagi syang nasa kilid ng kabaong at pinapahiran ng tissue ang kabaong ng ate ko.
At sya rin ang nag-uusap sa mga bisita dahil nga di ako maka-usap at laging tulala. Nilapitan kami ng mga pulis at sinabi ang totoong nanyari sa ate ko.
Ang sabi ng pulis ay robbery dahil ninakaw ang kanyang bag at ang bagong biling cellphone sinusundan na Pala sya ng taong pumatay sa kanya habang sya ay nag lalakad dahil wala ng tricycle ang nagpapasada at sa madilim na parte sya ninakawan at nag-aagawan sila ng ate mo sa daan at nag hindi ibinigay ay pinagsaksak sya nito.
At ninakaw ang kanyang bag at bagong biling cellphone .
Nag matapos na ang paglalahad ng pulis sa amin, at nilapitan ako ng mga ka officemate ni ate.
"Nang araw na namatay si Betty ay excited syang umuwi at dahil ireregalo nya ang cellphone sayo!. Clara!." ang sabi ng ka officemate nya .
Ng marinig ko ang mga sinasabi nila ay para akong nabagsakan ng bato sa dibdib dahil sa pagmamahal ng ate sa akin.
Ng mailibing si ate sa cemetery ay di ako umaalis sa puntod nya at umiiyak dahil nawalang ako ng Isang mapagmahal na ate.