Dumating na ba ang kapatid mo? Tanong ni Nanay sa akin.
"Di pa po umuuwi! Ang tugon ko sa kanya.
Habang busy ako sa akin cellphone at naglalaro ng mobile game.
Nalinis mo na ba ang kwarto nyo?" Tanong ulit ni Nanay
Habang sya ay nag pa plantsa ng mga damit ng kanyang amo.
Nag zo-zoom lang kasi si mama sa akin
Dahil nasa Saudi Arabia sya at malapit nang umuwi dahil magtatapos na ang kanyang contracts.
Halos tatlong taon din syang nandoon at nagtatrabaho bilang kadama. Dahil dala ng kahirapan dito sa pilipinas ay kinakailangang nyan pumunta sa ibang bansa.
Pumunta si mama sa Saudi dahil na naremata ang maliit namin bukirin, kaya nung pumunta si Nanay ay ang mga alagang baka ang ibeninta para may perang gagamitin sa pag-aasikaso nito sa kanyang mga papelis.
High School na ako at ang Ate Carol ay nasa college na may dalawang taon pa Bago sya ga graduate sa college.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" tanong nya sa aking habang sya ay nagpaplantsa ng mga damit.
"Okay naman po nay" ang sagot ko sa kanya.
Asan ang tatay mo? Tanong ni Nanay.
"Sa bukid po, dahil umuulan ng malakas kaya pinuntahan nya ang mga baka sa bukid" ang tugon ko sa kanya.
Dumating si tatay at basang-basa ang kanyang damit kaya ng dumaan sya sa Sala at kumaway Kay Nanay.
"Beraldo magbihis kana at magkakasait ka nyan" ang sermon ni nanay Kay tatay.
Maya-maya dumating din si ate galing School may dalang mga libro agad nya niligay ang mga iyon sa table na maliit at pumunta sa tabi ko para maka-usap si Nanay.
Lahat ng bilin at kung kailan ang kanyang uwi dito sa pilipinas.
Ng matapos na ang pag-zo zoom ni Nanay ay agad ako umalis sa sala at pumunta sa aking kwarto.
May tatlong maliit na kwarto kasi dito sa bahay. Noong Hindi pa umalis si Nanay ay dalawa lang ang aming kwarto kaya naghahati kami ni Ate ng kwarto.
Nong magtrabaho na si Nanay sa Saudi ay pina-ayos nya ang bahay, nabili ang lupang naremata ng Bangko at binilhan si tatay ng mga alagang baka at carabao na pangunahin ginagamit sa pagsasaka nito.
Kaya kaming dalawang magkapatid ay ibinigay namin ang aming best upang makabawi sa amin mga magulang.
Lalung-lalo na sa amin Nanay sa Saudi, dumating ang araw ng umuwi si Nanay sa bahay at marami syang dalang pasalubong para sa amin magkapatid.
Masayang masaya kami ng dumating si Nanay dahil nga matagal ang tatlong taon na nagtrabaho sya sa Saudi.
Maraming sya dalang chocolate at pabango, na pinasalubungan nya din ang aming kamag-anak. May pakain kami sa amin kamag- anak dahil dumating si Nanay.
Ng magdaan ang ilang linggo may naramdaman sakit si Nanay sa kanyang katawan. Kaya naisipan nyang mag pa check -up para Malaman kung ano iyun naramdaman nya sa katawan.
Ng umuwi si Nanay ay naramdaman namin na bigla sya naging matamlay at agad na pumunta sa kanilang kwarto at buong araw syang nasa loob.
Tintawag namin sya para kumain pero di sya lumalabas ng kanyang kwarto kaya nag-aalala na kami sa kanya.
Kaya kumuha si tatay ng duplicate pero bago namin mabuksan ang kanyang pinto ay bumukas din ito at ngumiti sa amin.
"Tara kain na tayo" ang sabi nya sa amin.
Na nalilito kami sa kanya at pumunta na nga kami mesa at kumain, pero kaunti lang ang nakain ni Nanay.
Ng maligpit na namin ni ate ang pinagkainan at naghuhugas ng mga pinggan ay pumunta sila tatay at Nanay sa Sala at maya -maya may narinig kaming umiiyak.
Kaya agad kami pumuntang dalawa at nakita namin na umiiyak si Nanay at Tatay narinig namin ang sambit ni Nanay na ilang buwan nalang ang kanyang itatagal sa Mundo.
Dahil may taning na ang kanyang buhay.
Nan pumunta sya sa doctor at magpatingin.
Kaya umiiyak kami na lumapit sa kanya at hindi makapaniwala sa sinasabi nya.
Nagsalita si tatay na magpapagamot sya.
Magpapagamot ka!, kahit maubos ang pera natin.. ang importanti ay gumaling ka.. Ani ni tatay kay Nanay.
Kaya ng mga sumunod na araw ay nagsimula ang gamutan kay nanay kahit unti-unti ng binibinta ang bukirin at mga alagang hayop.
Ng maubos na ay di parin gumagaling si Nanay palagi syang sa kama at natutulog, at kung di sya natutulog ay umiiyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na kami pumapasok ni ate at nagtatrabaho kami upang maipagamot si Nanay, pero kulang parin kaya pumupunta na kami sa amin mga kamag-anak at sa mangutang kami ng pera sa kanila para maipagamot ang amin Nanay.
Hanggang sa hindi na nya kaya ang gamutan at namatay na nga si Nanay.
Nasa kama ako ngayong at hindi gumagalaw dahil parang nawala na akong ganang mabuhay dahil ng mamatay ang aking Nanay ay mga ilang buwan lang ay namatay rin si tatay dahil na hit and run sya ng trunk at Isang araw ay hindi na umuwi si ate sa bahay dahil tinanang sya ng kanyang boyfriend at buntis si ate naiwan ako sa bahay.
Habang may kumakatok na taga Bangko dahil pinapaalis na ako sa amin bahay naremata na ito.
Mahirap ang mawalan ng magulang dahil nawawalan ng landas ang bawat anak kung walang gumagabay.