Bangin

664 Words
Pupunta kami sa baryo ng aming classmates dahil same break na ng amin klase, napag usapan namin na sa kanila kami mag babakasyon. Nagkita kami sa sakayan ng bus, at naghintay pa ng ilang minuto dahil nga marami kami ang pupunta sa kanila. Dahil anak mayamang ang aming classmates at malaki ang kanilang bahay sa baryo. Kalahati ata ang sumama para pumunta sa kanila kaya Isang bus ang aming ni rent . Kahit na senior high school na kami ay mahirap ang magpaalam sa amin magulang lalung-lalo na kapag mag-oover night at tatlong araw pa kami mag stay sa bahay ng aming classmates. Habang kami ay naka sakay sa bus ay may ibat-iba kaming ginagawa meron nag gi- gitara at kumakanta, nag ce-cellphone, natutulog , habang ang iba ay nag ku-kwentuhan. Nang may matandang tao ang humarang sa daraanan ng bus at may plaka na pasakayin sya papunta sa bayan ng classmates ko at mukhang taong grasa kaya hindi nila pinasakay ang matanda. Hindi huminto ang bus para pasakayin ang matanda kaya habang papalayo ang bus ay nakatingin parin ako sa matandang tao na hindi nakasakay. "Kawawa naman iyun matanda" ang nasa isip ko. Malayo ang lugar ng aming pupuntahan ilang oras pa ang aming byahe kaya nakatulog ako. Na alimpunatan ako dahil sa sakit ng aking katawan at nakita ko na nakadagan ako sa akin classmates na nakaupo sa unahan. Subrang sakit ang aking naramdaman dahil nakatusok ang bakal ng upuan sa aking katawang, kaya unti-unti kung minumulat ang aking paningin kahit maraming dugo sa aking mukha at nakita ko na nasa malalim na bangin kami. Maraming naghihiyawan sa sakit at meron din na nawalang ng malay at ang iba ay tumilapon sa labas ng bus. Nagsisigawan kami na humihingi ng tulong, dumidilim na ang aking paningin at marami ng dugo ang tumutulo mula sa sugat ko tumama sa bakal. Nanginginig ang buo kung katawan dahil sa sugat, at di magkamayaw ang ingay mula sa loob ng bus dahil sa aksidenti. Gising!, Mabel!, gumising ka!!. Nagising ako sa pagyugyug ng katabi. "Kanina Kapa umuungol Akala nga ng iba ay may kaulayaw ka na sa panaginip mo!" sabi ng classmates ko habang nangiti. Napa sign of the cross ako dahil sa panaginip lang pala akala ko na ay totoo na mamatay na kami sa bangin at dumungaw ako sa labas ng bintana at nakita ko sa malayo ang matandang taong grasa at may hawak na plaka at naka sulat na pasakayin pa puntang baryo. Kaya napatigil ako dahil Nakita ko na ang matandang tao at hindi sya pinasakay Bago ang accident kaya ng papalapit na kami sa kanya ay sumigaw ako na pasakayin ang matanda. Kaya tumingin Sila sa akin dahil bigla ba naman ako sumigaw at tumayo papunta sa harap at pinahinto ang bus. Habang sila ay tumitingin sa matanda na pinapasok ko at pina-upo sa bakanting upuan. Pero di pa nakaupo ang matanda ay may Isang bus na dumaan at nauna sa amin. Dahil nga mabaho ang taong grasa ay hindi pinaandar ng driver ang bus at tinanong ako kung bakit ko daw ginawa na pasakayin ang matanda. Dahil para syang baliw at may mga basura sa kanyang katawan at may plaka na hawak. Wala akong sinabi sa kanya kundi, kawawa ang matanda dahil malayo pa ang bayan ng classmates namin, at walang magpapasakay sa kanya. Kaya tumango na lamang ang driver habang ng nagmamaniho ay lagi syang nakatingin sa akin at sa matanda na sumakay. Maya - maya ay may nakita kaming mga tao sa daan at parang humihingi ng tulong at tumigil nga ang bus at kami ay tumingin Nakita namin may nagbanggaan isang trunk at bus na nahulog sa bangin at maraming tao ang sakay na naka bulagta sa ilalim ng bangin. Hindi kami makapaniwala sa amin nakita. Dahil iyun ang bus na nauna sa amin ilang segunda lang ang nakalipas, para bang kung hindi kami ang huminto kanina ay kami ang mababangga at mahuhulog ng dahil sa aksidenti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD