"A!,ba!,ka!,da!" Sigaw ng mga bata habang sila ay tinuturuan ni Ma'am Love na kanyang mga estudyante.
Nagtuturo si Ma'am Love ng pilipilino sa kanyang mga estudyante.
Masaya ang lahat habang sila ay bumibigkas ng mga salita na kanilang pambansang lengguwahe ng pilipinas.
Ng matapos na ang pagtuturo ni Ma'am Love ay binigyan nya ng mga takdang aralin ang kanyang mga estudyante.
Habang sila ay sumusulat at nagbabantay si Ma'am Love ay may napansin syang bata na naka-upo sa labas at tumitingin sa kanila.
Kaya naisipan nyang lumabas at kausapin ito. Nang pumunta sya sa labas ay nakita nya ang bata nakasuot ng sirang damit at may dalang Sako.
Kaya kinausap nya ito.
Ano pangalan mo? Tanong ni Ma'am Love sa batang nakaupo sa labas ng classroom.
"Boyet po Ma'am." Ang magalang na sagot ng bata sa kanya.
"Nag-aaral ka ba? Tanong ni Ma'am sa kanya.
"Hindi po ako nag-aaral dahil wala po kaming pera" sagot ng bata sa kanya.
"Asan ba mga magulang mo?" Tanong ni Ma'am love.
"Wala po akong Nanay at marami po akong mga Kapatid sa bahay." Sagot ni Boyet.
"Eh, ang tatay mo?" Tanong ni Ma'am sa kanya.
"Nag tatrabaho po bilang Isang basurero sa tinatapunan ng basurahan sa barangay makiling." Sabi ng batang si Boyet.
"Eh, ilang ba kayong magkakapatid?" Tanong uli ni Ma'am sa kanya.
"Sampu po ma'am at pangpito po ako sa mga kapatid ko." Sagot ni Boyet.
"Ah, ganoong ba." Eh! Ilang taon kana? Tanong nya kay Boyet.
"Walong taon gulang na po ma'am"sagot ng batang si Boyet kay Ma'am Love.
Ng biglang mag ring ang school na hudyat ng magtatapos ang klase kaya sinabihan nya ang bata. Wag munang aalis sa kanyang kinaiuupuan at may ibinigay sya sa kanya.
Bumalik si Ma'am Love sa classroom at pinauwi na ang kanyang mga estudyante.
At pinalapit ang bata sa kanyang kwarto at pinakain.
Dahil maggagabi na kaya binigyan nya ng pagkain at marami pa silang na pagkwentuhan sa buhay ng bata.
"Ano ang lamang ng dinadala mong Sako?" Tanong ni Ma'am Love sa kanya.
"Mga bote po at bakal na ibebenta ko!" Sagot ni Boyet habang sya ay ngumunguya ng pagkain ibinigay ni Ma'am love sa kanya.
Marami pa silang na pagkwentuhan sa buhay ng bata.
Nalaman ni Ma'am Love na namatay ang kanyang Ina sa panganganak sa kanilang bunso at ang kanyang mga kapatid na matatanda na ay nagsipag -asawa na kaya ang mga kapatid nya at si Boyet ay nagbabasura para may pang araw-araw sila.
Naawa ang Dalagang guro sa batang si Boyet dahil napagdaanan na din ang ganyang pamumuhay.
Pinabayaan ng magulang at lumaki sa kalye at napunta sa DSWD hanggang sa may tumulong na institution sa mga batang gustong mag-aral at nagta-trabaho bilang mga kasamahan na nag hahanap sa mga batang kapos palad at isa sya sa natulungan.
Kaya nasasaktan sya sa mga batang ganito ang kapalaran.
Gumanda ang buhay nya dahil sa may tumulong sa kanya kaya nais nya rin tumulong sa mga batang kapos palad kahit sa kaunting paraan na magagawa nya at mapabago ang kanilang buhay.
Kaya ng matapos na sila kumain ay tinuruan nyang magbasa ang bata at magsulat.
At ng mag-uuwian na ay sumama sya sa bahay ni Boyet.
Nakita nya na ang dampi-dampi nitong bahay at nakausap ang ama ni Boyet na kung maari na payagan itong makapag-aral.
Dahil meron charity na tutulong kay Boyet sa pag-aaral nito. Dahil iyun din ang nagpabago sa buhay ni Ma'am Love sa tulong ng charity na iyun ay nakapagtapos sya ng pag-aaral.
Noong una ay hindi napapayag ni Ma'am Love ang ama ni Boyet na pag-aralin ito.
Kaya umuwi si Ma'am love na masakit sa pakiramdam ang hahantungan ng bata kung hindi ito mag-aaral. Ano na Lang ang kinabikasan ng bata ang maagang pag-asawa o mas malala pa.
Kaya ilang araw din sya ng pabalik- balik sa bahay ni Boyet at napapayag na rin nya sa wakas ang ama ni Boyet.
Kaya dinala nya ang bata sa Isang charity na nagbibigay ng libreng edukasyon at magbibigay ng pera sa kanya para sa kanyang pangangailangan.
Ng nakapag-aral si Boyet ay sa charity house sya umuuwi at tumutulong sa mga nagtatrabaho para makahanap sa mga katulad nyang mga bata na hindi makapag-aral.
Kapag umuuwi si Boyet sa kanilang bahay ay tinuturuan nya ang kanyang mga kapatid na magbada at magsulat.
Isa-isa nyang naipasok ang kanyang mga kapatid sa paaralan sa tulong ng institusyon na tumulong sa mga kapos palad na mga kabataan.
Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos sya ng pag-aaral at ganoong naman sa kanyang mga kapatid.
Ngayon unang araw ay pumasok sya sa kanyang trabaho bilang Isang guro at maraming mga estudyante ang bumabati sa kanya at mga kasamahan sa paaralan.
Dahil Isa sya sa mga taong nagpupursiging makapagtapos ng pag-aaral kahit salat sa yaman ang kanyang pamilya.
Nang pumasok sya sa classroom kung saan silang unang nagkita ni Ma'am Love
at ngayong ay naghihintay na sa kanya upang gabayan sya sa pagtuturo sa mga estudyante na kanya rin magiging estudyante.
"Welcome! Sir Boyet!" Masayang nakangiti ang matandang si Ma'am Love kay Sir Boyet.