Chapter One
Nasa kotse ako ngayon upang pumunta ng opisina at sa kamalasan ko nga naman naabutan ako ng traffic.
Halos 20 minutes na akong nakatengga sa pwesto ko kaya naisipan kong buksan ang radyo ko.
Winter snow is falling down
Children laughing all around
Light are turning on like a fairy tale come true
Sittin' by the fire we made
You're the answer when I prayed
I would find someone and baby I found you
Napangiti ako ng may maalala ako. Isang napakahalagang parte ng aking buhay.
Buwan ng disyembre iyon ng dinggin ng Panginoon ang aking panalangin, ang mapansin ako ng greatest love ko.
Ako ang gumawa ng paraan para magkaroon kami ng komunikasyon gamit ang f*******:. Sumugal ako sa unang pagkakataon, dalawang taon din ang tiniis ko at ngayong nasa huling taon na kami ng Senior High atsaka pa lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Gumawa ako ng isang dummy account para lamang sa kanya at syempre iba rin ang pangalan na aking ginamit para hindi niya ako makilala kaagad. Mysterious kumbaga. Una akong nagchat ng "Hi" pero hindi ako umaasa ng reply niya kaagad kong pinatay ang data ng aking cellphone. Uunahin ko muna ang pag-aaral dahil mas importante naman iyon. Hindi sa pagmamayabang eh nasa pangalawang pwesto ako sa aming klase at pinanghahawakan ko ang titulong "With High Honors." kailangan kong magreview dahil may exam kami kinabukasan.
And all I want is to hold you forever
All I need is you more everyday
You saved my heart from being broken apart
You gave your love away
And I'm thankful everyday
For the gift
Nasa ibabaw ako ng lamesa ng aming classroom at nakikipag-usap ako sa mga kaklase ko ng kung anong ganap sa kanilang mga buhay.
Medyo na-distract ako ng maalala ko na dapat ko palang i-check ang account ko kung mayroon siyang reply.
Napasigaw ako sa sobrang tuwa ko at kinatahimk naman ng buong klase iyon.
Nagtanong ang karamihan sa kanila at sinabi ko naman ang totoo kaya pinagloloko nila ako.
Isang simpleng "Hi" lang iyon at wave pero parang napakalaking bagay sakin.
Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko dahil sa tuwa ng aking nadarama. Agad naman nabawi iyon dahil hindi niya pa nga pala alam na bakla ako. Isang masaklap na katototohanan.
Nabuo naman niya kaagad ang araw ko at walang nakasira nito kahit pa na niloloko ako ng mga kaklase ko at ng aking guro. Sobrang open ko kasi sa kanila at ganoon naman din sila sakin.
Watching as you softly sleeping
What I'd give if I could keep
Just this moment if all of time stood still
But the colors fade away
And the years will make us gray
But baby in my eyes you'll still be beautiful
1 in the midnight gising pa rin ako dahil hinihintay ko ang kanyang reply. Huli naming usap sabi niya kakain lang siya pero hindi na siya nagreply pa. Apat na oras na ang nakakalipas pero wala pa rin hanggang sa nagreply siya na kakauwi niya pa lamang. Nag-alala ako kasi hindi iyon ang tamang uwi ng isang teenager na tulad namin. Agad naman ko namang sinabi na dapat hindi siya nagpapagabi dahil hindi na safe sa labas ng ganoong oras. Nagreply naman siya kaagad "Buti ka pa.."
napakunot ako ng noo kasi hindi kumpleto ang sentence kaya tinanong ko siya pabalik. "Buti pa ako ano?"
"Wala" yun ang reply niya sakin pero alam ko na natutuwa siya ng mga oras na iyon kasi alam kong mas nag-aalala pa ako kaysa sa pamilya niya. Malayo kasi ang totoong pamilya niya sa kanya. Siya nandito samantalang ang pamilya niya ay nasa laguna. Sa tita niya siya nakatira.
*Tock**Tock**Tock*
Nabalik ako sa realidad ng may kumatok sa salamin ng kotse ko, isang traffic enforcer. Binaba ko ang salamin at nagtanong kung bakit.
"Sir, umabante na po ang kotse ng karamihan kayo na ang po ang hindi. Tignan niyo po ang nasa likod niyo, ang haba ng pila." sabi ng enforcer
Tinignan ko at tama nga siya napakahaba na ng pila at yung iba ay nagrereklamo pa.
"Sorry po" sabi ko na lang at tinaas ang salamin ng kotse ko. Umabante na ako.
Ang sarap din kasing balikan yung mga precious memories, yung parang sariwa pa rin ang mga ito. Mabilis din akong nakapuntang office at nagtrabaho.
Break time namin ngayon at ito ako nakatingin sa isang picture frame na nasa tabi ko. Ito yung graduation picture niya. Hinihingi ko pa ang soft copy nito sa president ng SSG namin noon. Binigyan naman niya ako dahil sobrang lakas ko sa kanya eh. Naalala ko rin ng mga panahon na iyon na ang lakas ng impluwensya ko sa school namin dahil ako ang pinakamatapang na officer noon, kapag nakita kong mali ang isang bagay hindi ko ito binabalewala inaaksyunan ko. Kahit pa guro pa yan kung mali talaga hindi dapat kinukunsinte.
"Ay! Bakla! kumusta ka na?? Hanggang ngayon siya pa din ba?"-tanong sakin ni Chris
More than 10 years na kaming magkaibigan. Isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan na kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit.
"Tombs! Shut up ka na lang! Oo, siya pa din hanggang ngayon."-sabi ko sa kanya.
Yes tama kayo ng nabasa isa siyang tomboy pero hindi siya nagsusuot ng panlalaki at nakamaiksing buhok kundi pambabae pa rin pero hindi yung sexy ha yung tama lang at mahaba ang buhok niya.
Inismiran niya ako. For sure inis na inis na naman ito dahil ilang beses niya na akong pinagsasabihan na dapat magmove-on na ako.
"Bakla! It's been 10 years! Sampung taon ka na pong baliw sa kanya pero siya baliw sa iba! I can't even!"-sabi niya
Well, ganoon katanga ang lola niyo at sa buong sampung taon siya lang minahal at minamahal ko.
Kahit napakalayo niya na
Kahit na may iba na siya
Kahit na hindi niya ako mamahalin
Sa loob ng sampung taon wala akong nakitang ibang lalaki maliban sa kanya kahit na maraming nagpaparamdam sakin nun binalewala ko kasi siya lang talaga. As in! Siya lang! Ewan ko ba sa mga mata at puso ko kung bakit kahit wala siyang pakialam sakin, siya pa rin ang pinipili ko. Tanga ba? yes! ganoon naman talaga kapag nagmamahal tayo eh kaya natin magpakatanga kahit alam natin na sobra na at mali na ang isang bagay. Wala eh, doon tayo masaya at sasaya kaya pipiliin natin na masaktan kahit pwede namang hindi. Ganoon tayo katanga kahit pa sabihin nating hindi. Kahit i-deny natin hindi natin maitatanggi ang isang bagay na halata naman.
"Alam kong napakatagal na panahon na akong nagpapakatanga sa kanya pero anong magagawa ko kung siya lang?"-sabi ko kay Chris
Inirapan niya ako at nagmake-face pa siya.
"I can't imagine why those past years, you can't even forget him? My God! napa-english pa ako sayo ng bonggang bongga!"-sabi niya
Ganyan talaga siya kapag sobrang inis niya na sa akin, napapa-english siya hahahahaha!
Sa kabilang banda, may point siya bakit nga ba sa loob ng napakahabang panahon eh siya pa rin?
Bakit kahit na may nagsasabing kaya nila akong mahalin ng wagas kahit bakla ako eh wala pa ring epekto? Siya pa din ang hinahanap ko.
Bakit kahit na nasasaktan ako, siya pa din?
"Alam mo tombs, hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lang ang tama niya sakin..."- sagot ko sa kanya
Napailing naman siya at bumalik sa trabaho niya. Isa siyang HR sa kumpanya namin. Ako naman ay isang Industrial Engineer. Napakalayo ng department nila samin pero ewan ko ba sa kanya kung bakit kahit ang layo nun eh talagang ang tiyaga niyang puntahan ako. Well, siya lang ang nakakaalam na bakla ako dito sa kumpanya namin. Wala namang nakakahalata sakin dahil hindi naman ako malambot kumilos at isa pa ay hindi ako cross dresser o yung nagdadamit ng pambabae. Sapat na sakin ang panglalaki dahil dito ako mas nasanay.
"Mr. Bautista, pinapatawag ka ng ating boss."-sabi sakin ni Rick. Isa sa mga engineer din dito.
Napaisip ako kung bakit. Sana mali ako ng iniisip.
"Bakit daw?"-sagot ko.
Nakangiti siyang nang-aasar.
"Baka bigyan ka ulit ng bulaklak kasi di ba manliligaw mo siya? hahahaha!"-sabi ni Rick
Tama nga ako ng iniisip. Hindi naman samin big deal kung may bisexual sa kumpanya as long as effective sila. Sadyang boss pa namin ang nagkagusto sakin. I forgot na magpakilala sa inyo. I am Engr.Exa Calixto Bautista.,LPT. I am a LET passer. Yes! you've read it right. I am a math teacher but I chose not to teach kasi I want to become an Industrial Engineer which I've got for almost 2 years. Although nagturo ako for more than 3 years (23 years old kasi ako nung grumaduate) kasabay nun kasi ang pag-aaral ko ng engineer kaya ayun nakatapos ako at nakapasa rin. 28 years old. Closet Gay. Sabi ng iba may itsura naman ako. So tama na ang pagpapakilala, agad akong pumunta sa office ng aming boss para malaman kung tama nga ang hinala ko at sinabi ni Rick. I go to the elevator and press 5th floor. Hindi rin nagtagal ay bumukas ang elevator. Sa dulo ang office ng boss namin kaya medyo malayo ito. Pagkatapat ko sa pintuan ay kumatok ako upang malaman niyang nandito na ako. After few seconds ay bumukas din ang pinto.
"Hi Exa!"-nakangiting bati niya sa akin.
I'd smile back and asked him what he need. Napangiti ito at umiling. So pinagod niya at sinayang lang niya ako? Ang lakas din ng trip nito eh nu? Porket boss eh ganyan?
Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagawa niya.
"Hey! Chill! I want to give you something but we need to take a sit first"-sabi niya
Umupo ako at hinihintay siya kung ano ang ibibigay niya sakin at maya-maya pa'y may inabot sakin na isang box. Binuksan ko naman ito at nagulat ako kasi isa itong mamahaling necklace. Bakit naman niya ako bibigyan ng ganito eh ilang beses ko na siyang binasted at sinabihang hindi ako naghahanap ng karelasyon o ano pa man.
"Bakit mo ako binibigyan ng ganito? It is very expensive, so I can't accept i---"
"You can't say no!"-putol niya sa sinabi ko
"And why?"-tanong ko sa kanya
Pinagcross ko pa ang aking mga kamay para malaman niyang disagree ako sa desisyon niya. Una, walang "kami" kaya hindi ko pwedeng tanggapin. Pangalawa, napakamahal ng alahas na ito at baka suhol niya ito para sagutin ko siya maldita na kung maldita pero nakakahiya kaya. Lastly, mamaya pamana pa sa kanya ng ninuno niya yan nu at kapag kinuha ko at hindi ko siya sinagot eh baka multuhin ako.
"Kasi you are very important to me."-diretsa niyang sagot with matching eye contact pa. Jusko Lord! kung hindi lang ako siguro patay na patay sa lalaking minamahal ko na mahigit 10 years na, maari sigurong nahulog ako sa taong ito. Una, gwapo si Arren as in para siyang model type of person. Pangalawa, sobrang bait na kahit ipagtabuyan ko eh eto pa rin nasa harapan ko at walang sawang minamahal ako Mga baks! Dream man kumbaga. gwapo na napakabait pa. Lastly, he his very family oriented. Napakabait niyang anak sa kanyang mga magulang at sobrang laking puntos nun para sagutin ko siya eh kaso itong hinayupak na puso ko eh yung lalaking yun pa rin ang tinitibok! kabanas! Hindi siya marunong magmove-on! Ay! wow! coming from me pa ang 'di marunong magmove-on ha??
Napahawak ako sa sentido ko kasi super sakit talaga ang ulo ko sa lalaking ito.
"You know my answer, right?"-nag-aalanagang tanong ko sa kanya.
Napasimangot naman ito ng panandalian pero ngumiti naman siya kaagad.
"Yes, I know the answer but I want you to keep that. Malay mo mag-iba ang ihip ng hangin at magustuhan mo rin ako 'di ba?"-sagot niya sa akin
Pinasadahan ko naman siya ng tingin. Sobrang gwapo niya, matangkad, maputi, matalino at mabait kaya sure akong mas may deserve ng pagmamahal niya kaysa sa akin. Ang hirap din kasi niyang basahin kasi malay ko ba kung pinagtri-tripan niya lang ako 'di ba? Yung tipong pinagpustahan ka lang yung mga ganoon ba? Kaya ayokong tumaya sa isang relasyong hindi ko naman sigurado kung magwo-work dahil puso ko kaya ang nakapusta dito nu! Bakla pa ako kaya may chance na pinapaasa lang niya ako!
Napabuntong hininga ako for him to know that I already surrender.
"Thank you!"-niyakap naman niya ako na nagpailang sakin lalo.
"Thank you rin kasi hindi ka napapagod kahit na alam mo na..."-sabi ko sa kanya
Tumango naman siya at ngumiti sakin. Jusko! ngiti pa lang niya nakakalaglag panty na! Paano ba ako nito nagustuhan? Ang haba ng hair ko sheeet! Kaya kayo dahan-dahan lang sa paglakad ha baka nakaabot dyan sa inyo ang buhok ko! Unting-unti na lang mahuhulog na ako sayo pero kasi siya pa rin talaga hanggang huli. Papunta na akong pintuan ng niyakap ako ni Arren mula sa likod. Bale nakaharap ako sa pinto tapos nasa likod ko siya.
"How will I erase that man of your heart and mind? How will I defeat him? Tell me?"- sabi ni Arren
Magkahalong lungkot at sakit ang naramdaman ko sa boses niya na para bang sobrang nahihirapan na siya sa sitwasyon namin.Ako inlove sa iba tapos siya inlove sakin. Kung natuturuan lang talaga ang puso malamang kay Arren ko unang gagawin yun. He is more than deserving pero pero hindi ko masuklian dahil nasa iba ang puso ko. Hindi ko rin alam kung may hinihintay pa ba ako o ako lang ang naghihintay samin?
"I'm sorry..."-sincere kong sabi sa kanya
"It's okay. I just want to know for me to do it."-sabi niya at hinalikan ang buhok ko bago ako pakawalan sa kanyang mga bisig.
Ito ang pinakaayoko sa lahat yung makakasakit ako ng damdamin ng ibang tao dahil lang may mahal pa rin ang puso ko. Bakit kaya hndi maturuan ang puso kung sinong mamahalin? Baka sakaling yung may mga options pa na ibang tao eh mapili nila at mabigyan nila ng chance tulad ko. Bakit kasi ang hirap para satin piliin yung nandyan at handang ibigin tayo? Ang sobrang complicated lang kasi talaga ng pag-ibig kung saan masasaktan tayo doon pa ang pinipili natin kaysa maging masaya na lang. I walk towards the elevator and I don't know how I reach my destination kasi sobrang occupied talaga ang isip ko.
After 5pm
Yes! tapos na rin ang aking shift at nakakatuwa kasi naging productive naman ako sa aking work. Ang policy kasi dito kapag tapos mo na ang mga pinapagawa sayo pwede ka ng magrelax. So, I open my f*******: and nakita kong marami akong messages. Mostly from my old students, they want na bumalik na ako sa pagtuturo kasi nga namimiss na nila ako kesyo wala na daw sweet at maalagang adviser sila na sinusuportahan pa sila sa mga laban nila. Ganoon naman talaga kapag guro ka 'di ba? Dapat ine-encourage mo ang mga students mo to learn more. Paano kaya kung bumalik na ako sa pagtuturo? Will I be more productive? I turn off my phone at nag-ayos na ako ng aking mga gamit para ready na ako kapag umuwi.
*It's 5:30 in the afternon. You can go.*
Yan ang clue namin para sa uwian. Automatic kasing naga-appear yun sa aming mga screens. No Overtime depende na lang kung needed like my mga hinahabol na quota or clients na parang aatras. We need to stay at the top spot and ayaw namin na mawala lahat ng mga pagod namin sa mga projects na na-deal namin. We can't afford to lose a client kasi we value their time. Nasa sasakyan na ako ngayon and I am passing my old school. Yun ang place kung saan ako nagpractical teaching.
--Back to 2008---
I need to graduate and be a teacher soon. Kaya ngayon pumipili ako ng eskwelahan na maari akong tanggapin para magpractice teaching.
I chose Arellano Academy Of Excellence (ARAE).
Ang arte 'di ba? Doon kasi kami nagkakilala ng taong sampung taon ko ng hinihintay pero sampung taon din namang hindi niya alam na ako yung nagmamahal sa kanya kasi naman sino ba naman ang titingin sa isang baklang tulad ko na hot na lalaki tapos basketball player pa! Hindi lang basta-basta ha? kasi siya ay isang MVP o Most Valuable Player ng aming team kaya sobrang daming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya at syempre ang mga tulad ko ding bakla. Sa gwapong yan ba syempre talagang pagkakaguluhan. 'Di tulad ko academically inclined na halos masabihang nerd na dahil I love reading books and I have lesser time sa social media kasi nga I want to focus on my study.
So, ayun nga pumasok na ako sa loob ng school. Sobrang daming nagbago as in! Mula sa paint ng walls hanggang sa structure ng mga furnitures. Nawala yung mga kahoy na upuan na madalas naming tambayan kapag walang teacher o kaya vacant namin. Nakakamiss yung mga moments na yun. Sa upuang kahoy na rin na iyon ang unang beses na nasulyapan ko siya na talaga namang hinding-hindi ko makakalimutan. Our eyes met each other tapos para kaming nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata namin na kahit walang lumabas na mga salita sa mga bibig namin ay may mga nais iparating sa isa't isa. Alam niya kayang ako yung nakaka-chat niya? alam niya kayang hindi tunay na babae ito at tulad kong bakla?
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naglakad ako papuntang 2nd floor para pumuntang principal's office. Kumatk muna ako bago ako pumasok.
"Good morning po! Kumusta po kayo?"-sabi ko sa mga admins na halos tumanda na sa kanilang mga propesyon. For sure ganito rin ang mangyayari sa akin.
"Good morning too!"-masayang bati nila sa akin
"Ayos lang kami, ikaw ba?"-sabi nila sa akin
Ngumiti ako sa kanila at sumagot
"Ayos lang po. Nandito po ako to inquire if naghahanap po kayo ng math student na nagpra-pratical teaching?"-sabi ko sa kanila
Ngumiti sila.
"Alam mo yan ang pinag-uusapan namin kanina bago ka dumating at talaga namang God is good! Sinagotniya kami agad-agad!"-sabi ni ma'am Ailene
"Talaga po? Sana po makapasok po ako sa standards niyo po"-sabi ko sa kanila
"Kahit hindi ka na namin interviewin eh. Alam na naming magaling ka. Dapat nga ikaw ang Valedictorian noon eh. Kung hindi lang talaga naman ang adviser niyo eh. Nadaya ka lang talaga"-sabi ni ma'am Erina
"Oo nga. Kaya dahil dyan tatanggapin ka namin ng walang pag-aalinlangan. So, on monday start ka na ha? Don't be late ha? "-sabi ni ma'am Aerin
"Thank you po ng sobra"-sabi ko sa kanila at nakipagyakapan bago ako lumabas ng office.
"Pakitawag naman yung nasa labas ha? Salamat."-sabi ni ma'am Aerin
Paglabas ko ay may taong nakayuko na nagce-ngcellphone kaya agd ko itong tinawag.
"Kuya? ikaw na po daw ang susunod na papasok sa office"-sabi ko sa kanya
Unti-unting umangat ang ulo ng lalaking naghihintay.
Teka! kilala ko itong mukhang ito
Sa kanyang mga matang parang inosente
Sa kanyang ilong na may perpektong korte
Sa kanyang mga pisngi na tila kay sarap himasin
Sa kanyang mga labi na kay sarap haplusin
Nakakainis ang mga ngiting ito
Parang gayumang nahuhulog ako
Hindi ko alam kung anong mayroon ang tindig mo
Sa ayos mo palang kinikilig na ang puso ko
Sa loob ng maraming taon. Bakit pa kita nakita?
Sa parehas na paaralan
Sa parehas na pangyayari
Sa parehas na pagkakataon