NANLILIIT ang mga matang pinanood ni Jianne ang tatlong naglalakihang tauhan ni Demetrius na siyang lumapit sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng pagkakatulala niya nang bigla na lang lapitan ng mga ito.
Natakot man sa una si Jianne dahil nga sa bigla nitong pagpapalibot sa kanya pero nang makilala niya ang isa mga lalaki bilang tauhan ni Demetrius ay nakampante siya kahit papaano.
Tinanong niya ang tatlo kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya at sinagot naman siya ng mga ito na pinapahanap daw siya ng boss nila para kausapin. At parang drum na dumagundong ang puso ni Jianne sa narinig.
Demetrius asking for her only means that the man finally wants to talk with her. Wala naman siyang maisip kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa. Nakapagpaliwanag na ito sa kanya tungkol sa nangyari at humingi pa nga ng paumanhin sa ginawa ng mga tauhan niya.
So now she was wondering what their talk was all about. Kung tungkol pa rin ba iyon sa nangyari o baka naman tungkol na sa ibang bagay. Pero kahit ano naman yata ang gawin niyang pag-iisip tungkol doon ay wala din naman siyang magagawa kung ‘di ang sumunod.
Sa huli, dahil wala naman siyang makitang pagbabago sa ekspresyon ng tatlo sa kabila ng mga titig niya ay nagpakawala na lamang siya ng buntonghinga bago nakapagdesisyon na sumunod sa mga ito.
Tahimik na tinahak nila ang daan papunta sa kung saan naghihintay sa kanya si Demetrius. Mabuti na lang at hindi naman siya inihatid ng tatlo pabalik sa area kung nasaan ang mga cabin. Instead, they brought her to a more private restaurant.
It was a Japanese type of restaurant which has private rooms specified for private meetings and such. Ilang private rooms pa muna ang nilagpasan nila bago huminto ang dalawa sa mas westernized modern na bersyon ng mga kwarto.
Hindi tulad sa mga nadaanan nilang pinto kung saan sa pintuan pa lang ay puno na ng Japanese traditional styles, ang pintuan na hinintuan nila ay purong modernong disenyo ang makikita kung saan mas nararamdaman ang western styles.
She can’t be sure though if it was the same inside. Without saying anything, one of the men who fetched her came to the metallic door and instead of knocking, he pushed the little green button at the side.
Not long a beep was heard and the door was pulled open revealing the inside.
At katulad nga ng ini-expect ni Jianne, mas mukhang private room ng isang western bar ang loob. Maliban yata sa mga traditional Japanese paintings na nakakabit sa dingding, the room itself shouts western.
With the white lighting at the center, the arrangement of different sets of foods in the rectangular table in the middle with two long sofas on the two long sides, became more delectable without even smelling the delicious fragrance.
Hindi nga lang magawang i-focus ni Jianne ang mga mata sa mga pagkain dahil hindi niya mapigilan ang ipalibot pa muna ang mga mata sa loob ng kwarto.
Ang akala niyang normal lang na traditional Japanese koshitsu ay nagmukhang isang maliit pero kompletong kwarto sa isang high-end hotel. Just look at that compact bar at the other end of the room which obviously needed to be self-service!
Saan ka makakakita ng isang private room sa loob ng isang restaurant na may sariling bar counter?
“Are you going to just stand there instead of coming in? I did not ask for you to guard out there, right?” pagbibirong tawag ni Demetrius mula sa loob.
Doon lang napagtanto ni Jianne ang pagtulala niya sa labas ng pinto habang pinagmamasdan ang loob ng kwarto.
Nahihiyang napakamot siya sa pisngi tsaka pumasok sa loob ng private room na mas malaking tingnan mula sa loob. Doon lang din kasi nakita ni Jianne na maliban sa sariling compact bar ay mayroon din pala itong sariling banyo at kitchenette na makikita naman sa magkabilang gilid ng pintuan.
Tsaka lang din nakaramdam si Jianne ng gutom pagpasok niya sa loob nang maamoy niya ang masarap na amoy na nagmumula sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Kahit kakatapos niya pa lang kumain ay mabilis na nakaramdam siya ng pagkakagutom. Kung hindi lang dahil sa hiya ay baka kanina pa siya naglaway habang isa-isang tinitingnan ang mga pagkain.
“I heard that you already had eaten but might as well join me for my late lunch. I won’t be bothering you, no?”
Habang nailing ay napaupo na sa katapat na sofa si Jianne. Sa totoo lang ay hindi naman patay-gutom si Jianne. Pero laban sa masarap na amoy ng pagkaing tinutukso ang ilong niya ay wala nang naging pakialam si Jianne kung magmukha man siyang patay-gutom o ano.
With how she grow and from where she grow up, isa na sa hindi pagsasayang sa pagkain, masarap man o hindi ang patakaran ni Jianne para sa sarili. Kaya sa harap ng mga masasarap na pagkaing ito, walang balak si Jianne na humindi sa paanyayang kumain kahit pa nga isang katulad ni Demetrius ang nag-aya sa kanya.
“Then help yourself.”
And that’s where the two eat in silence. Walang balak si Jianne na magsimula ng pag-uusap lalo na kay Demetrius na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang takbo ng utak.
Mas maigi nang sumagot sa mga tanong kaysa naman siya mismo ang magtanong at baka may maitanong siyang hindi dapat dahilan para ikapahamak niya pa.
With how unpredictable of a man Demetrius is, based on her own understanding of him, Jianne knew what’s best and that is to act ignorant and uninterested.
Well, of course, not with the food laid before her.
Halos trenta minutos din silang tahimik na kumain at natikman na rin ni Jianne lahat ng putaheng nakahain. Unfortunately, she couldn’t finished them all as she was already too full and she couldn’t eat anymore.
Mabuti na lang at gumamit siya ng sariling plato at serving spoons sa mga pagkain dahilan para walang masayang sa mga iyon.
“Are you still open for a drink?” Demetrius asked.
Nang mapatingin dito si Jianne ay nakita niya ang isang wine glass na may lamang white wine na inilapag nito sa harapan niya. Samantalang sa isa nitong kamay ay isang malaking shot glass na ang laman naman ay scotch.
Hindi naman nagsalita si Jianne at tinitigan lang ang laman ng wine glass na nakalapag sa harap niya.
It wasn’t obvious in her face but it seems like Demetrius knows what she’s thinking that he looked at Jianne with a knowing smile.
“Don’t worry, I didn’t spike that. And I am sure that it is clear from any other substance as I was the one who poured the wine to the glass from a newly opened wine bottle,” he explained in a playful way.
And of course, that left Jianne with no choice but to accept the drink. Isang mahinang ‘thank you’ muna ang pinakawalan niya bago kinuha ang wine glass at tsaka ininom ang laman noon.
The mellow taste of alcohol with a little bit of sweetness rushed in Jianne’s taste buds, cleansing the grease and the left out tastes of all the foods she had taken in.
Napalaki ng bahagya ang kanyang mga mata dahil sa hindi niya inaasahan na ganoong lasa ang matitikman niya.
Hindi dahil sa ine-expect niya na makakalasa siya ng kahit anong dagdag sa wine kung ’di dahil sa ang pait na inaasahan niya’y hindi man lang umabot sa dulo ng kanyang dila.
That sweetness which was a very refreshing taste is unexpected. Pero talaga namang kanais-nais.
Kaya matapos ang kaunting tikim ay inisahang tagay ni Jianne ang laman ng glass wine hanggang sa maubos ang laman nito.
Ninanamnam pa ni Jianne ang lasa ng wine habang nasa kamay pa rin niya ang walang lamang baso nang marinig niya ang mahinang tawa ni Demetrius na sa sobrang pag-focus niya sa iniinom ay hindi na niya namalayang tumayo na pala ito para bumalik sa mini bar at kuhanin ang wine bottle ng ininom niyang wine.
“You liked it?” Mabilis na napatango si Jianne at napatingin kay Demetrius na umupo sa tabi niya. “Well, that’s expected. After all, this wine is a ladies’ wine. Have some more. Don’t worry, this is a fruit wine and non-alcoholic so you won’t get drunk even if you drink all the wine in the bottle.”
Napatingin si Jianne sa boteng inilapag ni Demetrius sa lamesa. Lagayan pa lang ay mukhang mamahaling wine na ang pinapainom sa kanya. At base pa lang sa lasa ng wine na natikman niya ay alam niyang hindi ito basta-bastang non alcoholic fruit wine.
Kahit pa nga mas lasa ang tamis pero naroon pa rin ang tama ng alak. Pero katulad nga ng sabi ni Demetrius ay hindi ganoon kalakas ang tama to the point na makakalasing.
Kumpara sa wine at beer, mas mabilis na malasing si Jianne sa wine lalo na kapag mamahalin hindi katulad ng mga local beers na mabibili sa mga tindahan.
Ewan ba ni Jianne kung bakit pero mas matapang naman kung tutuusin ang beer kaysa sa wine pero mukhang may sariling alcohol tolerance range system ang sariling katawan niya.
Jianne’s contemplation didn’t last long as after a minute of studying the wine bottle which was smaller than the average bottle wine, she finally took the courage to hold it and pour some on her glass wine.
“You can have it then.”
“For what?” ang mabilis na sagot patanong ni Jianne kay Demetrius.
“What do you mean?” naguguluhang tanong naman ng lalaki.
“What’s the catch? You need something from me, right? There’s no way that you’ll give me this obviously expensive wine without any return.”
Probably thanks to the wine, Jianne got more courage that she no longer needed to use any filter in her speech.
Napaangat pa nga siya ng tingin kay Demetrius nang marinig niyang muli itong natawa. Pinanliitan ni Jianne ng tingin ang lalaki habang paunti-unting sumis*psip sa hawak na glass wine.
“I’m sorry, please excuse my rudeness. I just find you all the more amusing, Jianne.”
Napaingot lang naman si Jianne. “So?”
Tanging pagngiti muna ang ginawang sagot sa kanya ni Demetrius. Ang isang kamay nito na nakapatong sa naka-de-kwatrong mga paa ay iniangat niya para abutin ang may one-third pa ring lamang alak na baso.
Pero imbes na kuhanin iyon ay pinaglaro lang ni Demetrius ang mga daliri sa rim ng shot glass.
“You heard us, right?” Demetrius suddenly asked.
Dahil sa hindi naman ganoon kaklaro ang tanong nito ay hindi agad naunawaan ni Jianne ang ibig sabihin nito.
“Heard what?” tanong niyang muli.
“With Dr. Simon.”
Pagkarinig niya pa lang sa pangalan ng doktor ay natigilan na si Jianne. Parang biglang nanigas ang buong katawan niya na maging ang masayang pag-inom niya ng wine ay biglang nahinto. Na para bang pati ang oras ay huminto din katulad sa pagtibok ng kanyang puso.