“MADDIE,” mahinang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses saka ako hinawakan sa balikat. “Maddie, are you okay?” Dahan-dahan akong pumihit sa direksiyon nito at nang mapagmasdan ang mukha ay agad kong niyakap. I vent all my frustrations a while but it seemed not enough. Si manong driver ay nanatiling nakabantay sa akin habang walang tigil ako sa paghagulhol. Nang tinangka kong kumilos ay maagap akong sinaway ng driver at pilit pinakalma. “Ang sakit-sakit, Hiro,” ani ko sa pagitan ng pag-iyak. “Manong, salamat. Ako na po ang bahala sa kanya,” ani ni Hiro. Kasunod niyon ay ang ugong ng sasakyan na paalis. “Maddie, hindi ako magtatanong kung ano ang dahilan ng pagpunta mo rito sa tulay. Pero pakiusap ko lang, iiyak mo lang lahat ng sakit na nasa dibdib mo. I’m just here for you.” Baha

