KABANATA 66

1216 Words

DALA ang isang bag ay umuwi ako sa amin. Alam kong hindi ikatutuwa nina mommy at daddy ang pag-alis ko sa De Guia Mansion ngunit alam kong labis silang magagalak sa oras na malaman nilang magkakaapo na sila. Bitbit ang munting pag-asa sa puso ko ay pinili kong masaya para sa magiging anak ko…sa magiging anak namin ni Jax. Kahit pa alam kong ako ang may karapatan sa kanya, hindi ko magawang makita siya ulit dahil sa mga nalaman ko. Napakasakit at ayaw ko ng madamay pa ang maliit na buhay na nasa sinapupunan ko. Ang munting anghel na siyang magbibigay sa akin ng panibagong buhay. Sa ngayon, wala ng ibang mas mahalaga pa kung hindi ang kalagayan ng baby ko sa sinapupunan ko. Sisiguraduhin kong bubusugin ko siya ng pagmamahal kahit pa hindi namin makakasama ang kanyang ama. Napatungo ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD