WALANG kasing sakit ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib ko. Tila paulit-ulit akong tinatarakan ng kutsilyo at paulit-ulit din ‘yon tumatagos sa likod ko. Napakasakit. Labis akong nagtiwala na magiging maayos ang lahat. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala kaming magiging problema ni Jax dahil iisa ang kagustuhan namin na laging magkasama. Paniniwala ko lang pala ang lahat ng ‘yon. Ako lang pala ang nag-isip ng ganoon. Pinaasa ko lang ang sarili ko na hindi siya magbabago sa akin. Tahimik akong umiyak. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kalungkutan ko pero si Jax lang naman ang dahilan kung bakit muntik na akong malagay sa kapahamakan. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis ng hospital dahil ang huli kong naalala ay ang pagdilim ng kapaligiran ko at pagkatapos niyon ay hindi ko na

