KABANATA 57

1227 Words

NANG magising ako kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Jax. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong kinapa ang side kung saan siya nakahiga at ganoon na lang ang panghihinayang ko na hindi ko siya magisnan sa paggising ko. Mabagal akong kumilos na tinungo ang banyo. Hindi malabo ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi iyon isang panaginip lang. Hindi ako basta nanaginip lang. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Magtataka sina mommy at daddy kapag hindi ako sumabay sa kanila sa almusal. Alas otso pa lang naman kaya siguradong hinihintay nila ako sa hapag-kainan. Mabilis akong nagsuklay ng buhok saka sinuot ang nakita kong headband na madalas kong gamitin dati saka lumabas. Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan patungo sa dining. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Siguro hindi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD