ILANG beses na ring nagtanong sina mommy at daddy kung anong oras babalik si Jax ngunit iisa lang ang naging sagot ko. Sinabi kong may biglaang meeting sa opisina kaya umalis siya at babalik na lang sa oras na maging maayos na. Sumapit na ang hapunan ngunit walang Jax na dumating. Hindi ko pinahalata sa harap ng parents ko ang labis na pagkadismaya. Oo nga at naging masaya ako nang samahan ako ni Jax sa aking dating tahanan ngunit bigla rin naman siyang umalis due to unexpected event. Gusto kong maluwag na tanggapin na trabaho nga ang dahilan ng pag-alis ni Jax dahil ayaw ko mag-assume ng mga bagay-bagay pero hindi rin mawala sa isipan ko ang tungkol kay Olivia. Ibig sabihin ba, nasa opisina ni Jax si Olivia kanina hanggang ngayong gabi? Malakas akong nagbuga ng hangin. Pakiramdam ko

