“JAX?” ani ng boses mula sa kanyang likuran. Lumitaw ang isang babae na siyag kausap ni Jax. Base sa physical features nito, maaaring hindi malayo ang edad ng dalawa sa isa’t isa. “Who is she?” Sunud-sunod akong napalunok. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng galit mula sa dibdib ko. Saglit ko lang tiningnan ang mukha ng babae saka bumaling na kay Jax. Tipid akong ngumiti. Ayokong ipahalata ang nagngingitngit kong damdamin. Agad namang hinapit ni Jax ang bewang ko nang tumabi siya. “She is my wife,” mariing wika ni Jax bilang pagpapakilala sa akin. Nilingon niya ako. “Kumain ka na ba? Let’s go inside – “ “Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya? I thought she’s your wife.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Hi,” inilahad ko ang kamay ko. “I’m Maddie De Guia,” talagan

