NAGING abala agad si Maddie. Halos hindi na makaalis si Damien dahil sa walang humpay na pag-uusap nilang dalawa samantalang ako…nagmamasid na lamang sa kanila. Hindi naman ako nagmamadali. Masaya ang puso ko na makitang ngumingiti at tumatawa si Maddie nang walang alinlangan. Actually, I’m loving what I am seeing. She’s the picture of a real happiness. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kailan ko nga ba na-realize na gusto kong laging nakikita ang mga ngiti ni Maddie? It’s been a long time. Kapag naaalala ko ang lumipas na taon bago ko siya maging asawa, may kung anong nagngingitngit sa kalooban ko. I wished I already met her in the past. Sana maaga ko siya nakilala. Sana naging malakas ang loob ko…sana…hanggang sana na lang ang lahat. “Sir Jax…” tawag sa akin ni Damien. Doon lang tila

