NAGING maluwag sa akin si Jax kapalit ng pagpapaubaya ko sa kanya. Malaya ko ng naaalagaan si Maxie. Ako ang laging kasama ng anak ko maliban pagsapit ng gabi. Hindi tumatagal ang pag-uusap namin ng ilang minuto dahil siya na rin mismo ang umiiwas. Hindi niya marahil akalain na ang isang tulad ko ay marunong ng ipaglaban ang mga bagay na gusto ko. Hihintayin ko ang araw na magsawa na siya sa akin. Hihintayin ko ang araw na hindi na niya ako kakailanganin pa sa buhay niya. At ang magiging kapalit ng lahat ng pagsuko ko ng katawan ko sa kanya ay ang anak naming si Maxie. Yes, hindi magiging madali ang lahat. Alam kong pagdating ng panahon ay hahanapin ni Maxie ang daddy niya at hindi ko ililihim sa kanya ang katotohanan…na minsan ay sinunod ko ang nararamdaman ng puso ko ngunit hindi pala

