NANG matapos ang pagent ay umuwi na rin kaagad si Oscar. Kahit anong pilit ni Nick sa kanya na sumama sa kanya ay pinanindigan nitong hindi siya pupunta sa party. Wala siyang gagawin sa victory party dahil hindi niya naipanalo si Divina sa pageant. Ngayon pa lang nakikinita niyang maggagalaiti na naman ito sa galit sa kanya.
Napangisi siya ng maalala niya ang mukha nitong naging 2nd runner up lamang. Halos parang iiyak na ito at pinepeke ang mga ngiti. Magaling magtago ng saloobin si Divina at pinapatatag ang loob na hindi bibigay ang sariling emosyon sa harap ng maraming tao.
"My poor, Divina Piper. I told you, gagawin ko ang lahat para hindi ka manalo. I already won you at walang lalaking mauuna sa 'yo. Maliban sa akin," mahinang bigkas na usal ni Oscar.
DINALUHAN si Divina ng mga kaibigan niya habang nasa locker room at hindi pa nagpapalit ng gown.
"Okay lang 'yon, Divina. Runner up ka rin naman.At least panalo pa rin. May sash at flowers," pampalubag loob na sabi ni Rechel. Pinapakalma si Divina dahil 'di nito matanggap ang pagkatalo.
"Oo nga, frenny. Na-enjoy mo ang gabi, di ba? Tsaka si Daddy Oscar ang yummy! Diyos ko! Nalaglag ang panty ko!" Masakit sa tengang sigaw ni Zen. Ang kaibigan niyang pinagselosan ni Oscar. Lumabas ang pagkamaharot ni Zen nang makita ang binata. 'Di masisisi ni Divina ang kaibigan kung pagnasaan nito si Oscar.
"Sorry, kasi hindi ko naipanalo ang Miss Campus. Biruin niyo isang puntos lang ang lamang ng number 8 sa akin. Ang sakit na nailaglag ko 'yong crowd," napaiyak na siya sa sobrang pagkadismaya. Alam niyang si Oscar ang may gawa ng pagkatalo niya. 'Yong mga tingin pa lang nito kanina sa kanya kakaiba na. Napatunayan niya ngayon ng matalo siya sa beauty pageant.
Hinaplos haplos ni Rechel ang likod niya." Naiintindihan nila ang pagkatalo mo. 'Wag ka na masyadong mag-isip."
Napqsulyap si Divina kay Rechel na hinahagod ang likod niya. "Ang sa akin lang. Bakit ako natalo? Ang tataas ng score ko. Si Dr. Nick ang mga bigay niyang score sa akin sobrang taas. Tapos natalo pa rin ako."
'Di niya akalaing matatalo siya. Halos lahat ay siya ang paborito, mapa-guro, estudyante at mga judges. Siya ang napipisil na manalo.
Narinig niyang napabuntong-hininga si Zen.
"Narinig ko lang sa backstage kanina. Si daddy ang nagbigay sa 'yo ng mababang score. Huwag mong sabihin na sinabi ko sa 'yo. Malilintikan ako ng organizer."
"Sinasabi ko na nga ba, eh. Nakakainis siya talaga!" sigaw ni Divina na sobrang inis na inis kay Oscar.
"Tama na 'yan, Divina. Move on na lang tayo. Wala na rin tayong magagawa d'yan. Si s***h kuya mo pala ang may gawa. Ang maigi pa magbihis ka na at pupunta pa tayo ng party," saad ni Rechel. Tsaka kinuha ang damit niya sa loob ng malaking bag.
"Namumuro na talaga siya sa akin. Mga frenny, may bakante bang kuwarto sa pad niyo? Pansamantala doon na muna ako habang hindi pa ako nakakahanap ng maliilpatan," nakapagdesisyon na kaagad siyang umalis sa bahay ni Oscar. Maigi na iyon kesa naman magagalit siya sa mga pinaggagawa sa kanya.
Nagkatinginan sina Rechel at Zen.
"Aalis ka sa bahay ni daddy mo? Eh, pano na? Ayaw mo na ba sa kanya?" mga tanong ni Zen. Tila ngayon lang nila naringgan si Divina na iiwanan si Oscar.
"Wala akong choice kundi ang umalis sa bahay ni Oscar. Tingnan niyo nga ang ginawa niya. Ito na siguro ang araw na tanggapin ko sa sarili ko na tigilan ko na siya. Ayoko na ring maghabol, nakakapagod na. Nakakapapagod ng ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako magawang mahalin," may umalpas na luha sa mata ni Divina. Tama siguro si Oscar noong sinabi nitong 'di siya karapat dapat para sa binatang doktor. Pinunasan niya ang mga luha niya at pumunta na ng banyo para magbihis. Ramdam ni Divina ang mga tingin ng dalawang kaibigan.
Pinal na ang desisyon niyang sumuko. Wala ng makakapagpabago ng nabuo niyang plano. Siguro hindi si Oscar ang lalaking para sa kanya. Mas maigi na umalis siya para makalimutan ang binata. Kaya niya ang sarili niyang buhayin na walang tulong na ibinibigay ang binata sa kanya.
NAKAUWI na ng bahay si Divina. Pagkapasok niya sa loob ay nadatnan niyang prenteng nakaupo si Oscar sa sopa. Halatang hinihintay siya.
Napatayo ito ng makalapit siya. Lalampasan sana niya ito nang hawakan ng binata ang braso niya. Napahinto siya at napasulyap sa kamay na nasa braso niya.
"Take off your hands from me," may diing sabi niya kay Oscar na hindi tumitingin sa mukha nito.
Alam niyang nagulat ito na parang nabuhusan ng tubig na may yelo. Tsaka niya naramdaman ang unti unting pagluwag ng hawak ni Oscar sa braso niya.
Masamang tingin ang ibinigay niya lay Oscar.
"I know you're mad. At alam ko ri g nakarating na sa 'yo na ipinatalo kita sa pageant. I'm sorry. I do it because ayokong maraming nakakakita ng katawan mo. I'm just protecting you," sabi nito sa mababang tono ng boses. Naiinis siya sa mga mata ng lalaki na nakatitig sa bawat parte ng kanyang katawan.
Napatiim bagang si Divina. Lumabas na sa mismong bibig nito na ito ang dahilan kung bakit runner up lang ang nakuha niya. Hindi siya nagtataka roon dahil nauna na nitong pinigilan siyang sumali sa pageant.
Napangisi siya. "Now, you're talking so nice. Sorry? Pinoprotektahan mo ako sa lahat ng lalaki sa labas! Bilang isang kuya ko, di ba? f**k! That is why I hate the words "kuya" and "brother!" Kasi ang tinatawag ko na kuya, mahal ko higit pa sa kapatid! Pero siya mahal niya ako bilang kapatid ko lang! Ayoko na umasa, Oscar. Ayoko ng patuloy na umasa na balang araw mamahalin mo rin ako! Pero malabong manyari. Gusto ko ng umalis sa nakakakulong kong mundo sayo! I'm leaving, and that is final!"
Nanlaki ang mata ni Oscar. Siguro hindi ito makapaniwalang aalis siya sa poder nito?
Tinalikuran niya ang binata ng hindi ito nagsalita. May luha ng kumawala sa mata niya. Masakit pa din pala na iiwan mo ang taong mahal mo. Para ding break up, hindi man naging kayo.
Naiwan si Oscar sa sala. Napasuklay siya sa kanyang buhok saka napaupo. Napabuga ng hangin at tumayo.
"Hahayaan mo ba siyang umalis? Wala ka man lang gagawin para pigilan si Divina? Ang duwag mo, Dr. Oscar Marasigan!" asik ng sariling isip.
Nagpalakad lakad siya sa sala, pabalik balik.
Nang maramdaman niyang nasa likuran na niya si Divina.
"Aalis na ako, Kuya Oscar. Ito na pinakatamang gagawin ko para hindi na ako masaktan pa. Palagi kang mag-iingat. Alagaan mo din ang sarili mo. Utang na loob ko sayo ang lahat kung bakit ako gumaling at andito pa din ako sa America. Salamat talaga sa lahat," malungkot na saad nito habang nagpapaalam. Saka lumapit sa kanya.
Inilapit nito ang mukha para mahalikan siya sa pisngi. Pero bago pa dumampi sa pisngi niya ang labi nito ay hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha nito. Saka inilapit ang labi niya sa labi ni Divina.
Nanlaki ang mata ni Divina habang siya ay napapapikit ng mata. Ninamnam niya ang manipis na labi ng dalaga. Hindi ito tumugon sa mga halik niya. Dahan dahan na niyang inilalayo ang mukha dito.
Napatigagal pa din si Divina na nakatayo. Kumurap kurap ito ng mata. Gusto niyang matawa sa ginawa nito.
Sumeryoso ang mukha niya. "Please, don't leave. Huwag mo akong iwanan na mag isa. I'm sorry kung naging matigas ang puso ko sa 'yo. Kung alam mo lang pinipiga rin ang puso ko sa pagtitikis ko sa 'yo. Natatakot ako na baka kung anong sabihin ng mga tao sa akin at sa 'yo. Ayokong husgahan ka ng maraming tao. Lalo na ng pamilya ko. Mahal na mahal kita, Vina. Noon pa pinigilan ko lang ang sarili ko na mahalin ka. Pero hindi ko pala kayang pigilan ang puso ko na tumibok para sa 'yo. Please, huwag kang umalis sa bahay," Litanya ni Oscar na lumuluha ang mata saka napaluhod sa harapan ni Divina.
Hindi nakagalaw si Divina. Pinunasan nito ang mga luha sa mata. Saka hinawakan siya sa balikat at pilit na itinatayo.
"Tumayo ka diyan! Iiyak iyak ka, mahal mo rin pala ako. Naiinis ako sa 'yo! Pero gusto kong patunayan mo na mahal mo ako. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi mo. Ligawan mo muna ako, Dr. Oscar Easton Marasigan," nangingiti na sabi nito sa kanya.
Pinunasan ni Oscar ang mga luha niya sa mata. "Really?" tanong niya. Tumango ito ng ulo bilang sagot. Napangiti si Oscar ng sobrang lawak. "I will prove it to you, totoong mahal kita. Pero hindi ka na aalis?"
"Okay. Pero sa isang kondisyon?"
May ngiting nakakaloko itong nakapaskil sa mukha.
"What it is?"
"Hindi na kita tatawaging kuya. Tsaka hindi mo na ako ituturing na kapatid. Puwede ba 'yon?" sagot nito sa kanya.
Humakbang si Oscar para mas lumapit pa kay Divina. Hinuli niya ang mga tingin ng dalaga. Ipinulupot ang mga braso niya sa beywang. Nanunukso na ngiti niya.
"Is that all, baby girl?"