Chapter 10

1556 Words

"O-Oscar, tumigil ka nga," kunwari'y naiinis na saway ni Divina. She then rolled her eyes. Natawa si Oscar sa ginawi ng dalaga. "Kasasabi mo lang na patunayan ko. Ito na nga!" Napasimangot ng kanyang mukha ni Divina. "Ang usapan natin liligawan mo ako. Eh, idinadaan mo ako sa dahas. Ganyan ka siguro sa mga naging girlfriend mo?" Ito ba ang ibang ugali ng binata? Masyadong clingy at sweet. Kinikilig siya sa isiping boyfriend na nga niya si Oscar. Parang isang panaginip na ayaw na niyang imulat ang mga mata. Baka kasi bumalik siya sa realidad na 'di totoo ang lahat ng ito. Tinanggal ni Oscar ang kamay sa beywang ni Divina. "Pag-aawayan na ba natin 'to agad?" tudyong tanong niya. Ang sarap asarin ni Divina. Umiling ng ulo si Divina. "Ligawan mo na muna kasi ako. Hindi 'yang ganyan ka.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD