Chapter 9
First Day as lovers
I seriously do not know what have gotten to my mind at pumayag ako sa kalokohan ni Hendrix. Siya ang nag-initiate, yes, pero hindi ata tama na pumayag ako. But a part of me is rejoicing because I accepted his offer.
Well, isang buwan lang naman. Mabilis namang umusad ang oras, at sa tingin ko ay malabo naman na magkagustuhan kami sa loob ng maikling panahon.
"This suits you well," sabi ni Hendrix sabay pakita sa akin ng isang kulay maroon Beach dress.
"Ang dami mo ng pinamiling damit sa akin — aray!" napadaing na lang ako nang sikuhin ako ni Nanay dahil sa sinabi ko. Napairap na lang ako.
She's clearly enjoying this. Tsk.
Hindi lang kasi ako ang sinama ni Hendrix at talagang pati si Nanay at Amr. Pinamilhan niya rin ang dalawa ng gamit. Halos mamahalin lahat, kaya nahiya tuloy ako.
Alam ko naman na siya ang nagkusang bumili nitong lahat pero talagang nakakahiya na dahil tintin ko sobra na talaga ang lahat. At saka hindi naman niya talaga ako totoong jowa para pagkagastusan niya ng ganito.
"You deserve the best, Saffeya. Don't be shy," he said tapos tumingin na naman ng ibang damit.
Naglakad palayo si Nanay dala si Amr para tumingin ng ibang damit. Kaya nakataon akong lapitan si Hendrix at ibalik sa lalagyan ang pantalon na tintiningnan na niya ngayon.
"Ayos na sa akin ang mga pinamili natin," sabi ko.
Pero kumuha na naman siya ulit ng isang pantalong nakahanger at tiningnan ito. Napakahawak tuloy ako sa kamay niya upang kunin ito sa kanya.
"I told you, I'll treat you like a queen—"
"This is not how you treat a woman. Hindi naman ako materialistic na babae. And besides, we're not really in a relationship. This is too much..."
I am not really a materialistic person. Kahit limang dolyar na nakaw ko nga lang noon ay sapat na sa akin. Aanhin ko naman kasi ang marangya at mamahaling bagay kung magtatago lang naman ako?
"Daming reklamo at drama sa buhay. Isipin mo na lang sugar daddy mo ako for one month."
Halos sapuin ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ngumisi pa siya sa akin na para hang binabaliwala niya ang mga sinabi ko kanina. Talagang hindi niya sineryoso ang sinabi ko!
Amba siyang lalagpasan ako pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
"Ganito rin ba ang ginagawa mo sa ibang babae mo?" tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Curiousity? Hmm... Siguro.
Nagtaas siya ng kilay sa akin saka tinagilid ang ulo niya.
"Hindi. Bakit ko naman sila bibilhan ng gamit? Sayang ang pera ko."
Kumunot ang noo ko. "Eh, bakit mo ako ginagastusan ng ganito kung sayang pala ang pera mo?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"Kasi... Girlfriend kita." At talagang kinindatan niya pa ako bago hinawakan ang kamay ko't pinagsikop ang mga daliri namin, sanay hila sa akin kung saan nakahelira ang mga sapatos at sandals.
Wala na atang mapaglagyan kung saan gagamitin ang pera niya kaya kung ano-ano na ang mga pinamili niya. Mayaman kasi kaya nag-aaksaya ng pera. Hindi man lang ba nito naisip na baka maubos ang pera niya at baka dumating ang panahon na maghirap siya?
Matapos naming mabili ang mga damit, sapatos, at mga laruan para kay Amr ay dinala kami ni Hendrix sa Mang Inasal.
Akala ko sa restaurant niya kami dadalhin kaya nangunot ang noo ko nang ipasok niya kami sa isang fast food chain.
"Hindi maluho ang baby ko kaya dito tayo," bulong niyang bigla sa akin habang naghahanap kami ng mauupuan.
Tiningnan ko siya. "Baby? So, kung sino-sinong babae na pala ang dinala mo rito."
I heard him chuckled. "Bakit? Kung sino-sino ka ba?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ngumisi pa siya nang malapad at saka kumindat.
"Kinilig ka naman." At napairap ako sa sinabi niya. Alam na alam niya na talaga kung paano pakuluin ang dugo ko.
Bumaba naman ang tintin niya mula sa mukha ko hanggang sa dibdib ko. Umiling pa siya.
"This would be the last time I would see you wearing spaghetti strap shirt and a short-shorts."
Napangisi ako sa sinabi niya, at napataas ang kilay. Halos wala kasi akong matinong gamit kaya ito ang sinuot ko. Isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit ang dami niyang pinamili para sa akin.
"Nasa Pilipinas na ako kaya pwede kong suotin ang kung ano ang gusto ko—"
"Well, Miss, girlfriend po kita kaya bawal kang magsuot ng ganyan."
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinambit niya. I know we're not really an item, but I was flattered in his statement. This is the first time that a man is prohibiting me from wearing revealing clothes... May ganito pa pala, 'yong tipong mas gusto niyang nakabalot ang babae niya kesa sa lantad na lantad sa harap niya.
However, the value of woman isn't base in what she wears.
"Kinilig ka na naman?"
I swear ang sarap niyang sapakin!
He really knows how to ruin some mood! Damn you, dela Conde.
Pinukol ko siya ng matulis na tingin. "Kahit kailan, hindi ka talaga matinong kausap! Bwesit ka!" mariin kong sambit bago naupo sa pwestong nahanap ni Nanay.
Narinig ko naman ang tawa ni Hendrix kaya inirapan ko siya..
Talagang binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. I should really remind myself more that we're just pretending to be lovers here, and Hendrix is also doing his role as a great boyfriend kaya ganoon siya sa akin. Pero bwesit pa rin siya!
***
"Say ah," si Hendrix na may hawak na kanin.
Nagkakamay lang kasi kami ngayon dahil sabi niya mas masarap daw kapag nagkamay. Pero ang pagkasabi niya ng masarap ang pagkakamay ay nagdouble meaning sa akin. Ang dumi na talaga ng utak ko.
"Pwede ba, kaya ko namang kumain mag-isa," wika ko.
Napairap ps si Nanay sa akin na ngayon ay sinusubuan si Amr. Pinagtabi niya kasi ako at si Hendrix kaya tuloy siya ang umaasikaso kay Amr ngayon.
"Alam mo, ang dami mong arte sa buhay. I'm trying to be a sweet boyfriend here. Sige na, nganga," sabi niya pa kaya ngumanga na ako nang malaki para asarin siya pero isang pilyong ngiti ang ginawad niya sa akin.
"Ganyan din kalaki ang nganga mo kapag may iba akong isinubo sa iyo." Syempre halos pabulong niya iyong sabihin sa akin.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Manyakis talaga siya.
"Ilugar mo ang kahalayan ng utak mo, dela Conde," wika ko.
Tinawanan naman niya ako at nagkibit-balikat na lamang. Nagpatuloy siya sa pagkain niya at ganoon din ako.
Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami pabalik ng Tacub. Tulog na si Amr ngayon at ako naman ay inaantok na rin kaya napagpasyahan ko na lang na umidlip muna.
Hindi ko namalayan na nahila talaga ako nang lubusan ng antok. Nagising na lang ako na may bumubuhat sa akin habang naglalakad.
"You can put me down," sabi ko bigla.
But Hendrix didn't listen to me and continued walking to his room. Binuksan niya ito kahit buhat ako at saka ako nilapag nang marahan sa kama.
Dahil sa ayos namin ay nagmistulang kinububawan niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa mga labi niya.
"Did you enjoy our date?" tanong niya.
"Iyon na ang date sa iyo? That's how a dela Conde treat his woman?" tanong ko, tila ba nanghahamon.
"Of course, not. I'm not yet done. Pero I'm warning you, Sisa, don't take it deeply to the heart baka ma-fall ka sa akin."
Napangisi na lang ako sa kahanginan niyang taglay, saka ko ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya at halikan ang pisngi niya.
"Thanks for everything, babe."
He stilled. Tumiim ang bagang niya at halos hindi makatingin nang maayos sa akin. Then he pulled himself away from me. He slid through the door without giving me some notice.
Natawa na lang ako nang bahagya.
"You didn't expect that coming, huh, dela Conde?" tanong ko pa habang nakatingin sa nilabasan niyang pintuan.
Pinikit ko na lang muli ang mga mata ko matapos nang may ngiti sa labi.
Babe... Hmm...
Let's see where that confidence can take you, dela Conde.
Gumabi at kumain kami sa hapag kasama si Hendrix. Gaya ng gusto niya ay may dalawa ngang kasambahay ang pinadala rito na siyang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Dahil sa nangyayari ay hindi ko mapigilan ang mapaisip na talagang ginagamit ko siya. Pinagkibit-balikat ko na lamang ang bumabagabag sa akin. It's his choice, anyway, hindi dapat ako makaramdam ng ganito.
"Eat more," wika ni Hendrix sabay lagay ng chopseoy sa pinggan ko.
Agad ko naman itong nilantakan. Napatingin na lang ako sa kanya nang mapansin na hindi niya natanggal ang mga tingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Kumakain ka pala ng gulay?"
"Ay, hindi ba obvious?" pamimilosopo ko.
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa pagkain niya. Matapos naming kumain ay umakyat ako sa taas upang maghanap ng bikini na masusuot. Sabi niya kasi magnanight swimming kaming dalawa ngayon. At dahil gusto ko rin namang magtampisaw ay pumayag ako.
Napakunot na lang ang noo ko nang makita ko kung ano pa ang mga pinamili niya maliban doon sa bikini. Inangat ko ang isang kulay pula at manipis na tela. Isang T-back.
Mahigpit ang bilin niya sa akin na kulay pula raw ang suotin kong panloob. Subalit maliban sa T-back ay wala ng ibang kulay pulang panloob dito. Napairap na lang ako at napailing. Kahit kailan talaga, manyakis ang ugok na iyon.
Nagpalit na lang ako ng panloob bago lumabas ng bahay at puntahan si Hendrix sa dalampasigan. Syempre, ang T-Back na nais niyang suotin ko ang isinuot ko.
Pababa ako sa hagdanang bato patungo sa dalampasigan nang namataan ko si Rona at Hendrix na nag-uusap. Kahit na buwan lang ang tanging liwanag ngayong gabi ay pansin ko pa rin ang kislap ng mga mata ni Rona. Ganyan niya ba ka gusto si Hendrix?
Ano bang meron sa lalaking iyan ang patay na patay si Ronaldo sa kanya?
Nagtagpo ang mga mata namin ni Hendrix, at sandali kong nasilayan ang mapanukso niyang mga ngiti.
"Andito na pala ang asawa ko."
Napahinto naman ako sa tinuran niya. Lumapit pa siya sa akin at agad na ipinulupot ang manigas-tigas niyang braso sa baywang ko. Si Rona naman ngayon ay halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa nasaksihan.
Napanguso na lang ako. Nang magpaalam si Rona na mauuna na siya ay doon pa lang ako pinakawalan ni Hendrix.
Isang malakas na hangin naman ang siyang nagpasabog sa maikli kong buhok na siyang inayos kaagad ni Hendrix. Nagkatitigan kami pero pansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti.
"Hindi ko alam na sa pagbalik ko may asawa na pala ako," mapanukso niyang turan.
Tsk. Akala ko naman kung ano na.
"Sinabi ko lang naman iyon para tumigil na iyong Ning-Ning mo," sabi ko.
"Naniwala ba?"
"Syempre hindi. Kilala ka raw niya, eh."
He chuckled. "Anyway, sinuot mo ba?"
Naramdaman ko naman ang bahagyang pag-init ng pisngi ko at saka tumango sa sinabi niya. Ilang sandali ay naramdaman ko ang isang kamay niyang binababa ang shorts na suot ko. Tinulisan ko naman siya ng tingin at pinigilan ang kamay niyang ibaba ang shorts ko.
"Night swimming ang usapan, Boss," wika ko.
"Bakit? Hindi ba pwedeng ikaw ang una kong sisirin bago ang dagat?"
Dahil sa sinabi niya ay sinuntok ko ang tiyan niya kaya napa "ow" naman siya.
I smirked. Serve you right, dela Conde.
Hinubad ko ang damit ko, pero nakashorts pa rin ako na lumusong sa dagat. Naramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin, at nang nilubog ko ang sarili ko sa tubig ay iyon din ang pag-apak niya sa dagat.
Agad na yumakap sa akin ang maligamgam na tubig ng dapat nang lumangoy ako. Nang inangat ko naman ang sarili ko ay ang malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa katawan ko.
Nilubog kong muli ang katawan ko upang lumangoy, pero ilang sandali ay may isang kamay na humaplos sa paa ko't kaya napatigil ako. Ilang sandali pa ay isang matipunong braso na ang may hawak sa akin.
Hanggang baywang lamang ang tubig ngayong nakatayo na ako sa harapan ni Hendrix sa na sa halos lumantad ko ng dibdib nakatingin. Pero iyon ang akala ko. Nang sinundan ko kung saan eksaktong nakatingin ang mga mata niya ay sa bandang tiyan ko pala.
Halos lubayan ako ng ulirat ko nang maramdaman ko ang maingat niyang haplos sa pilat ko. Napalunok na lang ako nang makita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata niya.
"How did you get this scar?"
My limbs almost shake when I heard his voice. He sound so concern and I do not like it. I snapped and internally scolded my heart for reacting at his statement.
Trying to act cool, and unbothered I answered his question. "Wala, sumabit ako kaya—"
I stopped when his eyes directly stared my eyes. He gave me a warning look. Like he's telling me not to lie at him.
"I sold my kidney," the most brief and honest answer I could give him.
Ilang sandali ay biglang lumambot ang mga tingin niya sa akin habang hinahaplos pa rin ang peklat ko. For the first time, I felt weak. For the first time, parang gusto kong magkwento pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Why do you have to do that?" he asked me.
Without leaving his eyes, I uttered my answer. "Dahil kailangan ko ng pera." I shrugged my shoulder after.
Hinawi ko naman ang kamay niya dahil kung hindi ay baga maglupasay na ako rito sa tubig.
Nilubog ko ang sarili sa tubig. Hanggang balikat ko na ang tubig dahil sa ginawa.
Hendrix didn't talk after that and just swam to his heart content. Nang mapagod ako kakatitig sa kanya ay bumalik ako sa dalampasigan at binalot ang sarili sa dalang tuwalya ni Hendrix kanina.
Ilang saglit pa ay umahon na siya. Ginulo niya pa ang basa niyang buhok, saka tinagilid ang ulo at tumalon-talon.
"Ayos ka lang?" kunot noo kong tanong.
"Oo. Napasukan lang ng tubig, pero ayos na ako," sagot niya at dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko.
"Bakit?" tanong ko nang mapansin ko siyang umupo at pilit na inaalis ang tuwalya sa akin.
"Nilalamig din ako, Sisa. Akin na ang tuwalya."
Inirapan ko siya. "Edi, ako ang nanlamig dahil ibibigay ko sayo ang tuwal—ano ba!" reklamo ko nang nagwagi siyang agawin sa akin ang tuwalya at binalot sa likod niya. Agad ko namang naramdaman ang init ng likod niya nang pumwesto siya sa likuran ko at hinila ako pasandal sa dibdib niya, sabay pulupot ng braso niya.
"Ano, lalamigin ka pa rin ba?" tanong niya habang yakap ako.
Hindi ako nagsalita. The warmth that he's giving to me is much more comfortable than the towel could give.
Although this man is a pervert, I wouldn't deny to myself that he's also gentle.
"So... This is how you flirt with others also?" I asked.
"No. I don't flirt, they were the one who's flirting on me."
Nag-uumapaw talaga ang kahanginan niya sa katawan.
Habang nakahilig ang likod ko sa dibdib niya ay nasa banxang tiyan ko naman ang braso niya, nakapulupot pa rin.
If someone could see us here, they would immediately conclude that I and Hendrix are already an item and just enjoying the night under the moonlight.
Kung siguro ay totoo ito'y baka kinilig na ako. But I know this is only temporary and Hendrix is a type of person who do not wished to have commitment.
"Have you been in love?" he asked suddenly.
Ang mga mata ko ay nakatoon lamang sa bawat paghalik ng alon sa buhangin.
"Yes." I paused. He didn't say anything about that. Hindi ko rin makita kung ano na ang reaksyon niya. Pero tahimik lang talaga siya kaya nagpasya akong ilayo saglit ang katawan ko sa kanya at pakatitigan siya.
"Aren't you going to ask me who's the guy I fell in love with?" I curiously asked.
Nagtaas siya ng kilay bago ngumiti. "It does not matter to me. You're here with me, I'm sure you're already over him."
Napangiti na lang ako.
"Ikaw ba, hindi ka pa ba umiibig?" tanong ko sa kanya.
Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin at saka tinuon ang mga mata sa dagat.
"I don't know if we can call that love or being in love. But there's a girl that really get my interest."
I was holding my own breath when he said that.
"Do you remember the woman in the portrait?" tanong niya habang binabalik ang mga tingin sa akin.
Oh. So, siya ba ang nasa painting at hindi talaga ang kakambal niya?
Tumango ako. "Iyong babaeng kasama mo sa Russia," I stated.
"Nakita mo pala..." He paused. I didn't say a word after that, and just waited for him to continue his tale.
"I liked that woman, and I was willing to make some efforts for her. Balak ko ngang agawin sa kapatid ko iyon because I thought Henrik wasn't really into her, but that's what I thought. My feelings for her is not as deep as Henrik's feelings for her," kwento niya sa akin.
" It's just a mere infatuation. Maganda iyon, nakita ko. "
Tumaas ang sulok ng labi niya." Infatuation... Hmm... Siguro. But I really like her, well not for me, but for my brother. "
I have so many questions to asked, as to why those lovers separated but I refrained myself from asking. It's not our story to talk about. Wala namang mababago sa kwento kung pag-uusapan namin iyon.
" But Henrik is already happy with Daniella."
Saglit kaming natahimik.
"Ikaw ba ay wala pang balak na lumagay sa tahimik?" tanong ko.
Kinunutan niya naman ako ng noo at saka ito pinitik. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Problema niya?!
"Gusto mo na ata akong pumanaw. Grabe ka!"
Napaawang ang labi ko. Dahil sa pangangalay ng leeg ko sa posisyon ko ay hinarap ko na siya nang tuluyan habang nakaupo pa rin. Dahil wala akong ibang saplot na nakabalot maliban panloob ay inalis niya ang tuwalya sa likuran niya at ibinalot sa akin.
"Gago ka, tinatanong kita kung kailan mo balak magpakasal, at magkapamilya."
Ngumuso naman siya at kalaunan ay napangisi. Hindi talaga nauubusan ng ngiti ang lalaking ito.
"Kailan mo ba balak magpakasal sa akin—aray!" daing niya nang kurutin ko siya.
Natawa na lang ako.
"Kung ano-ano na lang pumapasok sa utak mo."
"Wala namang ibang laman ang utak ko kun'di ikaw."
Napapikit na lang ako habang nagpipigil ng ngiti. Kung siguro ay hindi lang kami nagpapanggap na magjowa ay hindi ko pipigilan ang sarili ko na kiligin.
"Mga banat mo pang high-school," saad ko.
Nagtawanan na lang kaming dalawa.
Hendrix is really kind. And he's not afraid to show his real attitude to everyone, but he's not easy to read. I may not be sure why he is doing this —helping me, and making friends with me, but one thing is for sure, he's doing it wholeheartedly and willingly.
Kaya lang, masyado siyang nagtitiwala sa akin. I am not as good as he think I am, and it's dangerous for him to trust me without knowing any fact from me.
He's just too good, and I find it unfair to him. I am being unfair to him.
"Wala ka bang tanong tungkol sa pagkatao ko?" tanong ko bigla.
Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya, but I can see the curiosity in his eyes.
"Kung gusto mo namang malaman ko talaga, ay ikaw ang magkukusang magkwento. Hindi ako namimilit. It's your story to tell, Saffeya. If you're going to share it, then I'm all ears."
In this unfair world, I never thought there would be someone like Hendrix. Nakakapanibago.
"I was only six when my biological mother left me. She's a prostitute." Mapakla akong ngumiti sa kanya nang magsimula akong mag kwento.
Umayos siya ng upo. Sumeryoso ang mukha niya at hinihintay akong magsalita pa. Napalunok naman ako —nagbabaka sakaling sa paglunok ko ay malunok ko rin ang kabang nadarama.
"Matilda adopted me. Katrabaho siya ng nanay ko noon. When I was 19 tumigil na ako sa pag-aaral, at nagtungo akong Turkey para magtrabaho pero naluko ako ng agency. They wanted me to be a prostitute also, pero tumakas ako. That starts my alien identity. I tried selling drugs. I tried snatching someone's pocket and someone's food. I did it all para lang mabuhay. "
Natawa pa ako pero si Hendrix ay nanatiling seryoso. Hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o namumuhi dahil sa mga pinagsasabi ko.
I am not ashamed of doing those illegal things dahil kahit illegal siya, nabuhay ako. This world was never fair to me and it leads me to do the illegal. Dahil kung hindi, matagal na akong inuuod.
" I was so desperate to live —to survive, that I joined a syndicate group. I became a drug runner. Maraming pera, naiahon ko si Matilda dahil doon. It's an instant money. But I wasn't really happy..."
Sumikip na ang dibdib ko. I don't know why I am sharing this part of my life to him. Iiwan ko rin naman siya at hindi ako magtatagal dito kaya hindi ko alam kung bakit pa ba ako nagkukuwento. For what? For his sympathy?
" So... Who's chasing you? Bakit sabi mo gusto ka nilang patayin?"
Showing him how brave I am, I uttered my answer. "A syndicate." Then I paused.
"A syndicate leader is chasing me, because I have what they've got. The diamond disc. That's what they call it. It has all the records of the illegal transactions and the list of the druglords."
I was chased by the man who continuesly violates, and used me for a long time. I was being chased by the man whom I thought was my safe haven. I was chase by the man whom I thought an angel.
I wanted to tell him those information pero parang napipi akong bigla. Wala ni isang salita ang lumabas sa mga labi ko. At ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit niyang yakap.
"Hush it. We still have long days ahead. You do not need to tell me everything if you're not ready."
Tinulak ko nang bahagya ang dibdib niya upang mawalay sa kanyang yakap. Tumiim naman ang bagang ko nang maramdaman ko ang palad niyang pinupununasan ang pisngi ko.
Did I unconsciously shed a tear while telling him my tale? s**t!
"Nandito lang ako."
I smiled. "Stop being so sweet and caring, dela Conde."
Ngumiti rin siya. "Dahil baka ma-in-love ka?"
Natawa na lang ako, saka pinagalaw ang kaliwa kong kilay. "Ayaw kong mahulog at lumagapak na lang dahil sa hindi mo ako sinalo."
Bumaba naman ang daliri niya sa labi ko at iyon na ang hinaplos.
"I'll catch you."
Napaawang ang labi ko.
To be continued...
Hi sorry for the very late update. Hope you're still enjoying the story of Saffeya and Hendrix. :)
Don't forget to vote and comment guys.
Thank you!