Chapter 8 THE AGREEMENT

2988 Words
Chapter 8 THE AGREEMENT *** Hithit ang isang stick ng sigarilyo ay pinagmasdan ko ang dagat. Pasado ala-singko na ngayon ng hapon. Ang langit nga rin ay napipinturahan na ng kulay kahel dahil sa papalubog na araw. It's been two weeks and six days already since Hendrix was gone. By now, I'm sure he's already in Russia. Bumuga ako ng usok. He must be enjoying there. Hindi na siya napatawag mula nang huli kaming mag-usap sa telepono. Abala siguro siya. "Hoy, Mars!" patiling tawag sa akin ni Rona. Kumunot naman ang noo ko nang makita siyang nagmamadaling tumakbo palapit sa akin. "Pakonek naman sa WiFi niyo, oh. Kailangan ko lang mag i********:!" sabi niya sa akin nang makalapit na siya. Tinapon ko naman ang upos ng siralyo ko saka dinungaw ang selpon niya. "Hindi ko alam ang password ng WiFi niya. Hindi ko nga alam na may WiFi pala itong bahay niya, eh," sabi ko pa kay Rona. Natawa naman siya. "No worries, Mars! Nakakonek na ako dati rito, nagpapaalam lang ako ngayon." Nginiwian ko na lamang siya. "Ano ba ang i********: at atat na atat ka riyan?" usisa ko naman habang sinisilip ang kinakalikot niya sa talapindutan niya. Tinapon ko na 'yong selpon ko noon, at saka hindi ako mahilig sa social media. Allergic ako ron, eh. "SocMed lang. Parang sss din, pero halos mga artista nandito. Puro pictures lang, flex-flex ganern," sagot niya sa akin habang nasa selpon pa rin niya ang buong atensyon. "Ano ba kasi ang hinahanap mo?" "Post ni papalicious! Narinig ko kasi kay Ning-Ning na nag-update ng post si Hendrix. Baka kasi, gusto mo ring makita," may halong panunukso pa niyang saad. Pinandilatan ko naman siya ng mata kaya napaagik-ik naman siya. "Kunwari ka pa. Miss mo naman ang bossing mo. Ay eto na talaga! Hala... Ba't may kasamang babae?" Napatitig naman ako sa sinabi ni Rona. Hendrix is with a lady. Hindi ako nagulat dahil may kasama siya, ang ikinagulat ko ay kung bakit kasama niya iyong babae sa painting? Ang sabi niya asawa iyon ng kakambal niya? Wait... Did Hendrix lied to me? It's just a selfie with the lady, but his smile is too wide, like he's too happy that he's with her. May kung ano namang inis na gumuhit sa dibdib ko. He lied to me. Binasa pa namin ang caption. 'It's been a long time, baby.' Napataas ang kilay ko. He's really enjoying Russia, huh. "Jowa niya ba ito?" tanong ni Rona. "Aba, malay ko. Pero si Hendrix ba talaga iyan? Hindi ang kakambal niya? Hindi ba engage iyong kakambal niya? Baka sila iyan?" sunod-sunod kong wika kay Rona. "Hindi, Mars. Tingnan mo, may dimples ang nasa picture. Si Hendrix ito, sure ako. Nakakasad naman, pakiramdam ko pinagtaksilan niya ako," madadaming sabi naman ni Rona habang tinitingnan pa ang ibang larawan. "Ito iyong kakambal niya, oh." Turo niya pa. Kinuha ko naman ang phone niya at ako ang tumingin. Inisa-isa ko pa talaga ang mga larawan at ang bawat caption. 'Lovely couples. Ship ko ito. #DanRik' The caption of the picture of Hendrix twin and his lover. Nakayakap ang binata rito habang ang babae ay nakangiting nakatingin sa camera. 'The Dela Conde Princesses' Caption naman para sa larawan ng dalawang nagtatangkarang mga dalaga na nakalong-gown. 'Hector with his queen.' Ito siguro iyong tita niya na hinalikan niya. Ang ganda ah. Kahit ako matetemp na halikan ito. 'Homer and his family.' Homer is carrying his child in his arms while he's kissing the forehead of his wife. 'Alinier and her minimi. OMZ. Lauren is so cute. Want a kid like her. Soon... Hanap muna ng pwedeng buntisin.' iyan naman ang caption ng isang larawan ng isang mag-ina. "Hala yawa, sarap magpabuntis," biglang sabi naman ni Rona. Natawa na lang ako. "Sorry, wala kang matres. Hindi ka qualified," sabi ko. Tinaasan niya pa ako ng kilay. "So tingin mo qualified ka dahil may matres ka? Bakit gusto ka na niya?" Napairap ako sa sinabi niya. Binalik ko na sa kanya ang phone niya saka inismiran siya. "He told me that he likes me, Rona. And... We already kissed... Ano kakasa ka pa?" Namilog nang paunti-unti ang mga mata ni Ronan sa binitawan kong salita. Bago pa man siya makapagbato ng kung anu-anong tanong ay lumisan na ako sa kinatatayuan ko at tunungo ang daan papasok sa bahay. Ilang sandali naman ay narinig ko na ang mga pagtawag ni Rona sa akin. Lihim na lang akong napangiti. Bahala siya riyan. Masyadong naging mabilis ang takbo ng oras pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin si Hendrix. Anong oras na ba? Napatingin naman ako sa orasan. Ala-una pa lamang ng madaling araw. Ang aga ko namang nagising. Tsk. Dahil naiihi ako ay nagpasya na lang akong bumangon nang dahan-dahan upang hindi magising si Amr. Magkatabi kasi kaming natutulog sa kama ni Hendrix. Ano kaya ang sasabihin ng isang iyon kapag nalaman niyang sa kwarto niya ako natutulog?May ibang silid naman pero ewan, mas komportable higaan ang kama niya. Dahan-dahan akong lumabas ng silid at may pahikab-hikab pa ako. Nag-unat naman ako nang pababa na ako ng hagdanan. Pero natigilan ako at agad na umahon ang kaba sa dibdib ko nang may marinig akong kaluskos sa kusina. Magnanakaw? Halos hindi ako gumawa ng ingay sa bawat maingat kong hakbang. Napatoon naman ang mata ko sa walis tingting. Nilapitan ko ito at saka kinuha. Mahigpit ko itong hinawakan habang tahimik na tinatahak ang kusina, pero pagpunta ko sa kusina ay wala namang tao maliban sa pusa na kalalabas lamang gamit ang maliit na bintana. Nakahinga naman ako nang maluwag. At the same time, I felt disappointed. I was expecting Hendrix also. I mean, may kung ano sa dibdib ko ang nagsasabi na baka dumating na siya, pero hindi pa pala. That man must be enjoying Russia so much kaya halos hindi na maisipang umuwi rito. Nang matapos akong magbanyo ay umakyat ako sa kwarto at saka sinubukang makatulog muli. Naging matagumpay naman ako at nakatulog akong hawak ang maliit na kamay ng anak ko. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw. Hindi ko pa binubuka ang mga mata ko. Hinagilap ko si Amr na alam kong katabi ko kagabi. Nang maramdaman ko ang umbok sa kumot ay hinaplos ko ito. "Good morning, baby," I murmured. I heard someone groaned. I keep on caressing the thing that I thought was Amr's leg. Nakahiligan ko na kasing haplosin ang paa niyang matambok but the more I caresses him I felt something weird. I heard someone groaned again. I am not with Amr! Agad akong nagmulat ng mga mata ko. Nang makita ko kung kaninong mukha ang nasa harapan ko ngayon ay hiniling ko na sana lamunin na ako ng kama. Lumipat naman ang mga mata ko sa kamay ko. Napamura talaga ako sa isipan ko nang makita ko kung ano ang bagay na hinahaplos ko kanina. Agad kong binawi ang kamay ko na para bang napaso. Ang daming tanong sa isip ko. Bakit si Hendrix ang nandito at hindi si Amr? Anong oras siya dumating? Bakit hindi siya nagsabi?! At nasaan si Amr?! Pero ang lahat ng tanong ko ay naglaho na parang bula dahil sa mapanuksong ngisi sa labi ni Hendrix. Nakamulat na siya ngayon. "Hindi ko alam na gano'n mo pala ako ka-miss. Sabik much ka sa akin, Sisa?" Pinukol ko siya ng masamang tingin sa sinabi niya. Nag-amba akong bumangon pero mabilis pa sa alas-kwatro na kumubabaw siya sa akin para pigilan ako sa binabalak ko. I groaned when I felt his weight. Ang bigat niya! Dumagan daw ba sa akin! Sinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko habang hinahayaan ang katawan niyang ibigay sa akin ang lahat ng bigat niya. But it wasn't his weight that is bothering me, kundi ang umbok niya na halos kumuskos na sa akin. I can really feel him! At isa pa! My boobs are now squeezed dahil sa ginawa niya! "Hendrix!" madiin kong tawag sa pangalan niya habang pilit na tinutulak ang katawan niya palayo sa akin. I felt his lips almost touching my skin. He chuckled first before rolling back to his position. "That's your punishment for waking my thing early in the morning." Inirapan ko siya. Dahil sa medyo nahapo ako sa pagdagan niya sa akin kanina ay hindi muna ako bumangon. "Para kang bata," bulalas ko. "Saka bakit ka ba nandito?" Ngayon bumangon na talaga ako at naupo sa kama. "Bahay ko ito at saka kwarto ko ito. Malamang pupunta ako rito. Eh, ikaw, bakit ka natutulog sa kwarto ko?" Beat! Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos. Wala kasi akong matinong sagot na maibibigay sa kanya. "Anong oras ka dumating? Saka nasaan si Amr?" pag-iiba ko sa usapan. Ngumisi naman siya sa akin bago bumangon. Sumandal siya sa headboard ng kama saka mataman akong tinapunan ng tingin. "Alas-tres ng madaling araw ako nakauwi. Nilipat ko si Amr sa kwarto ng Nanay mo." Pinandilatan ko siya. "At bakit mo naman inilipat ang bata? Sana sa Nanay ko na lang ikaw tumabi." Natawa naman siya. "Grabe ka. Eh, sa ikaw ang gusto kong makatabi, masama ba?" Natahimik naman ako. "Kinilig ka naman?" Isang matulis na tingin ang ginawad ko sa kanya nang banggitin niya ang bagay na iyan. At talagang hilig niya talagang inisin ako. "Diyan ka na nga, bahala ka sa buhay mo. Maghahanda pa ako ng agahan," sabi ko at saka tumayo. Hindi naman siya nagsalita pa at bumalik muli sa pagkakahiga. Hindi ko na rin siya inabala pa at nagsimula na ako sa gawaing bahay. Nang magising si Amr ay agad ko siyang inasikaso. Matapos naman niyang makaligo ay hinayaan ko siyang laruin ang laruan niya sa sala. Hindi naman magulo si Amr kaya madali lang siyang bantayan. Hindi ka rin mapapagod sa kanya dahil masunurin siya. Makulit nga lang minsan. Well, he's a toddler, what should I expect. "Morning!". Napabaling ako sa hagdanan. Si Hendrix kababa niya lamang. Ang gulo pa ng buhok niya. Pasado ala-siete na ng umaga ngayon. Agad naman nitong tinungo ang kusina, pero nang may marinig akong tumatawag mula sa labas ay agad siyang lumabas mula sa kusina at sinabing siya na ang titingin sa kung sino man ang nasa labas. Ako naman ay pinagpatuloy na lang ang pagma-mop ng sahig. Pumasok si Hendrix nang nakangiti. May bitbit siyang supot kaya napatingin ako roon, habang nakakunot ang noo. "Ano iyan?" usisa ko. Tinaas niya naman ang supot. "Ito ba? Bibingka. Bigay ni Ningning." Naningkit naman ang mga mata ko at agad na lumipat ang mata ko sa malaking pintuan ng bahay. Walang tao roon. Umalis na siguro ang babaeng iyon. Ang lakas naman talaga ng radar niya at agad niyang natunugan na nandito na si Hendrix. Tsk. "Mahilig ka pala sa bibingka?" nakataas kilay kong tanong. Napakamot naman siya sa batok niya. Tapos napangisi. Mapang-asar na naman ang ngisi niya. "Oo. Masarap kaya ang bibingka. Favorite ko." "Talaga? Baka iyang tinatagong bibingka ng Ningning na iyon ang gusto mo." Humagalpak naman sa tawa si Hendrix. Lumapit siya sa akin saka tinapik ang balikat ko. "H'wag kang mag-alala, Spidey. Hindi ako interesado sa bibingka niyang tinatago. Iisang bibingka lang naman ang gusto ko." Nangunot ang noo ko. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Anong klaseng bibingka naman ang gusto mo maliban diyan sa hawak mo?" Ngumisi siya nang malapad sa akin. Nilapit ang mukha sa akin, na halos ikaduling ko na. "Bibingka mo." Tapos humalakhak siya matapos kaya tinulak ko ang dibdib niya. Hinuli naman niya ang kamay ko sabay hila sa akin. "Baka gusto mo ring matikman ang suman ko?" Pinandilatan ko siya. "Pwede ba, h'wag mong idamay ang mga pagkain diyan sa kahalayan mo?!" asik ko. Tinawanan naman ng loko-loko. Pero agad humupa ang tawa niya nang lumapit si Amr sa amin. "M-Mama!" Napatingin si Hendrix sa bata, tapos nalipat ang tingin sa akin. Ngumiti siya bago nagbaba ng sarili at binuhat si Amr. "Hwag mong tawaging mama iyan. Baliw iyang si Sisa....Baliw sa akin." Kausap niya sa bata. "Alam mo, ikaw. Umuwi ka lang talaga rito para mambwesit!" sabi ko at nilagpasan siya. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko, habang siya naman ay dinala si Amr sa kusina. Nakarinig pa ako ng mga tawanan mula rito. Nang matapos naman ako sa paglilinis ay sinilip ko sila sa kusina. Pero wala sila. Umakyat ako sa taas, sa kwarto kung saan natutulog si Nanay. Doon nakita ko, silang tatlo ni Hendrix. Nakatulog si Amr sa kama, habang si Matilda ay nakaupo sa gilid ng kama kasama si Hendrix. Tumikhim ako. Agad naman silang napatingin sa akin. Ang tingin naman sa akin ni Matilda ay para bang nakagawa siya ng kasalanan. Ano may relasyon na ba silang dalawa?! "Magjowa na kayo?" Napakunot naman ang noo ni Hendrix sa naging tanong ko. Ngumisi siya sa akin, tapos tumayo. Lumapit. "Ilugar mo iyang pagseselos mo, Sisa. Napaghahalataan na kita," sabi niya sabay hila sa akin palabas ng kwarto. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya dahil panay ang hila niya sa akin. Hindi siya sumagot at pinasok ako sa kwarto niya. Nang makapasok kami ay doon niya pa lamang binitawan ang kamay ko. May kinuha siyang paperbag. "For you," sabay abot sa akin. "Hindi ko matatanggap iyan," sabi ko. "It's a gift," sabi naman niya. "Anong kapalit nito?" tanong ko. "Wala..." Hinalungkat ko naman ang paperbag at nakita sa loob nito ang isang box. Kinuha ko ito at binuksan. Napatingin ako kay Hendrix at binalik sa kanya iyon. He gave me a necklace with my name being engrave in it. "Hindi mo ba nagustuhan?" "Masyadong mahal. Nakakahiya." pag-amin ko. Tinanggap naman niya ito pabalik. Akala ko itatago na niya pero lacking gulat ko nang kunin niya ang kwentas at saka lumapit sa akin. "Don't move," utos niya. "Hendrix..." ang tanging nasambit ko nang tuluyan siyang makalapit. Gusto kong magprotesta pero sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ako nakagalaw. "It looks good on you," he said nang maisuot na sa akin ang kwentas. Bumuntong-hininga ako. "I will pay this with my salary—" "No need..." Umirap ako. Binalak kong hubarin ang kwentas. "Kung wala kang kapalit na hihilingin ay hindi ko ito matatanggap—" Hindi ko na nagawang tapusin ang mga nais ko pang sabihin nang maramdaman ko ang mga labi niyang inaatake nang marahan ang mga labi ko. Hindi ko nagawang makapagprotesta. Niyakap niya ang baywang ko sabay hila sa akin palapit pa sa kanya na para bang kulang pa sa kanya ang lapit naming dalawa. "Kiss me back... That's what I want as an exchange," he said, breaking the kiss. Dahil sa sinabi niya at sa bugso na rin ng damdamin ay tumugon ako sa halik niya hanggang sa naririnig ko na ang tunog na ginagawa ng nagtatagpo naming mga labi. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinila pa siya. Nakatayo lamang kaming dalawa, at sa bawat dampi ng mga labi niya ay parang langit ang nadarama ko. His kisses were different from the last time. This time, it was slow, passionate and so tender. Na para bang nilalasap niya nang maigi ang bawat segundong magkalapat ang mga labi naming dalawa. Kapwa kami hinihingal nang humiwalay ang mga labi niya sa akin. Namumungay ang mga mata ko habang nakatitig pa rin sa mga labi niya. Ilang sandali ay nilipat ko ang tingin sa mukha niya. "So... This is how you treat your woman... No wonder there are so many girls who's gone crazy over you." He smirked at my statement. Na para bang ikinatuwa niya ito. Tsk. Lumaki naman ang ulo nang puriin. "Wanna experience more?" Kumibot ang labi ko sa sinabi niya, hanggang sa napangisi na talaga ako. "Are you asking me to be your, woman, dela Conde?" taas noo kong tanong. "Yes." Sagot na hindi man lang niya ikinaila. Umiling ako. "Baliw ka. You're doing this so you could take advange of me. I can see through your malicious agenda, Boss." He chuckled. Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin na hindi ko naman inalmahan. "Isang beses lang akong mag-alok. Kung ayaw mo, edi sige—" "What's the benefit of being your girl?" Lumapad naman ang ngisi niya. "Well, you will not be working for me as a maid. I'll treat you like a queen. You'll experience the luxury for short time." Tumaas ang kilay ko. "For a short time?" tanong ko. Tumango naman siya. "Yes. Maghihiwalay din naman tayo. Walang forever, noh." Huminto siya tapos tumingin sa labi ko. Binasa niya pa ang labi niya. "Let's have a one year relationship," dagdag niya. Napailing naman ako habang natatawa. "That's too long. One month. Let's split after a month." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Okay. If that's what my queen wants." Nag-alangan naman akong tumitig sa mga mata niya dahil sa naiisip ko. Are we going to do what the couple usually do? "Are we going to kiss?" Lumapad muli ang ngisi niya. Mapang-asar at nanunudyo. Tumango siya. Uminit naman ang pisngi ko. "We'll kiss if necessary. Just kiss...nothing more." Tumango ako. "Okay." Nang hindi hinihiwalay ang katawan sa akin ay kinuha niya ang selpon niya sa bulsa, at may tinawagan. "Hello, manang? Si Hendrix ito. Pwede po ba kayong magpadala ng dalawang kasambahay dito? Opo..." Tumitig siya sa akin. Hindi man lang nilubayan ang mga mata ko. "Ngayon mismo. I'm staying here for a month, Manang. My girlfriend needs me here." From the way he pronounced girlfriend ay para bang legal kami kahit na usapan at kwentong kalibugan lang naman ang nangyari sa amin. Binaba niya ang tawag saba'y sabing, "change your clothes. We're going to shop for your things. I'm going to show you how a dela Conde treats his queen." Hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyong ginawa ko o kung tama pa ba ang daang tinahak ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD