Chapter 7 FEELS

3515 Words
Chapter 7 FEELS *** "Virgin or not, you're still a woman. If you can't value yourself, then let me." That's the exact statement he told me. Sa halip na tanungin siya tungkol dito ay iba ang tinanong ko. "Bakit dito mo ako pinapatulog, available naman ang ibang silid  'di ba?" I heard him chuckled. "Akala ko hindi mo napansin." Napailing ako. "Style mo bulok." "Paano kung sabihin ko sa'yong gusto lang kitang katabi?" Napairap ako kahit na madilim. "Bolero. Ilang babae na ba binilog mo?" Kinagat niya ang labi niya. Nangunot pa ang noo niya, habang parang naniningkit ang isang mata niya tila ba nag-iisip siya. "I don't know," sagot niya sa akin. Parang hindi pa siya sure. Pero ako, sigurado akong marami siyang nabilog. Sa itsura ba naman nito, halatang babaero na. "Marami kang naging jowa?" Tumahimik siya, na para bang nag-iisip ulit. "I never had a girlfriend." Oh. So I was right, he's indeed a playboy and he doesn't do the girlfriend and boyfriend thing. "Tsk. You're not as pure as you think yourself also," I said. "I never considered myself as pure, but I'm kind."  Yes, you are, dela Conde. Kumindad siya saka humiwalay sa akin. Nagulat na lang ako na bumangon siya mula sa pagkakahiga, at saka tumayo. "Sa baba na ako matutulog," sabi niya bago lumabas. Hindi ko siya pinigilan o kung ano man. Tumihaya na lang ako at saka kusang pinikit ang mga mata ko. Ang lambot ng kama niya. I will be having a very good night sleep, that's for sure. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pero nagulat ako nang sa pagbaba ko ay naabutan ko si Hendrix na maingat na tinutupi ang puting uniporme niya. Ang aga naman niyang nagising. Sa tantya ko kasi ay alas-kwatro pa lang ng madaling araw ngayon. "Ngayon na ba ang lipad mo?" tanong ko. Napabaling naman siya sa akin at tumigil sa pagtupi ng uniporme niya. Napakaputi nito, at hindi magusot. Parang gusto ko tuloy siyang makita na suot iyan. I've seen so many pilots and stewards, but I wonder how Hendrix would look like if he's in his uniform. "Mamaya pa namang alas-diyes." Kumunot ang noo habang lumalapit sa kanya. Tinagilid ko ang ulo ko nang makalapit ako. Nilagay ang dalawang palad ko sa kahoy na sofa niya sa sala. "Mamaya pa pala, so bakit ang aga mo?" usisa ko. Tumaas naman ang sulok ng mga labi niya, tila ba nanunukso na naman sa akin. "Ikaw ha, daig mo pa ang asawa kung makatanong sa akin." Halos umikot naman ang mga mata ko sa pag-irap dahil sa sinabi niya. Panay ang banat, akala mo naman kinagandang lalaki niya iyan. Pero, magandang lalaki naman talaga siya. "Maaga akong gumising kasi nilinis ko pa 'yong sasakyan. Pupunta rin kasi ako ng Rogongon mamaya at magpapaalam kay Granny. Tapos alam mo na, medyo malayo ang Airport kaya dapat maaga ako," pagpapaliwanag niyang bigla sa akin. Sobrang thoughtful naman niya sa Granny niya at kailangan pa talagang sa personal magpaalam, pwede namang sa tawag na lang. Lolas boy siguro 'tong isang ito. Nginuso ko naman ang uniporme niyang tinupi kanina. Napatingin naman siya sa nguso ko at sinundan ito ng tingin. Nagtagpo ang kilay niya, para bang nagtatanong siya kung anong meron. "Ikaw ang naglaba niyan? Marunong ka pala?" Umiling siya. "Hindi. Pinalabhan ko iyan kay Rona no'ng makauwi tayo rito." Rona. Malapit ba siya sa Ronang iyan? "Marunong naman akong maglaba. Bakit hindi mo pinalabhan sa akin iyan? Takot ka bang masira ko iyan?" Hindi ko alam pero may halong pagkainis ang tono ko. Paano ba naman kasi, babayaran niya ako sa serbisyo ko rito sa bahay niya pero hindi man lang pinalaba sa akin ang gamit niya? At talagang pinalabhan niya pa sa iba? "May laundry shop kasi sila. Nakasanayan ko na doon ipalaba ang uniporme ko," paliwanag naman niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Umikot pa ako, saka naupo sa sofang yari sa mamahaling kahoy na sobrang kintab dahil sa barnis. Gamit ang daliri ay hinaplos ko ang uniporme niya. Ang lambot. Kinuha ko ito at tinupi. May dalawang pares pa kasi siyang hindi natutupi. "Close kayo ng Rona na sinasabi mo?" "Hmm... Medyo. Madalas si Rona maligo sa dagat, sa tapat mismo nitong bahay." Ah, kaya naman pala close kasi nakikita niyang nagtatampisaw sa dagat. Now, I'm curious how that Rona looks like. Binalingan ko si Hendrix. Nakaupo na siya ngayon sa pang-isahang bangko, nakatingin sa akin at ang mga labi ay patuyang nakangisi. Ang mga mata niya ay kumikislap sa iniisip niya na hindi ko matukoy kung ano. He's like amuse on something. "Iyong Rona, anong oras pupunta rito? 'Di ba sabi mo magbabantay siya sa amin?" tanong ko pa. Tumango naman siya. His eyes are still dancing in the same amusement I saw earlier. "Baka mamayang alas-otso pa," sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Pinapasamahan niya kami sa Ronang iyon, ibig sabihin may tiwala siya rito. "Jowa mo ba si Rona?" tanong ko na sana ay hindi ko na ginawa. Hendrix barks into laughter. Umiling siya pagkatapos. "No. I'm single, I told you already. Pero may gusto raw siya sa akin." Wow, and he's that proud, huh? Nakakadagdag ba talaga sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming tagahanga? "Hindi ba maganda kaya hindi mo jinowa?" Another rounds of laugher echoed. Tumayo siya. Ang mga mata ay mapanuksong nakapukol sa akin. Ginulo niya matapos ang buhok ko nang madaanan niya ako. Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy patungong kusina. Tumayo naman ako, hindi para sumunod. Kung hindi para magsaing na ng kanin. Tahimik naman siyang nagkakape ngayon habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko sa kusina. Nang balingan ko siya ng tingin ay nakita kong nakatingin pala siya sa akin, at nakakunot pa ang noo niya. "Bakit?" tanong ko. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Umiling ako. I'm only wearing a short pants and a peach spaghetti strap shirt. No'ng sa Saudi ay gusto ko ring magsuot ng ganito kaso hindi maaari at kailangan talagang balot na balot ang katawan ko. "Hindi ka ba sanay na may nagsusuot ng ganito sa harap mo?" tanong ko na lamang. Umiling naman siya sa akin na para bang sinasabi na hindi talaga siya sanay. Seryoso ba siya? "Sa bahay kasi halos puro kami lalaki. Well, nagsusuot naman ng ganyan ang kapatid kong babae, at nasasanay naman kami sa ayos niya minsan sa bahay. Masyadong malamig kasi ngayon kaya nagtataka lang ako sa ayos mo." Tumango ako. So gano'n pala. "Iyong Rona ba ay ganito rin manamit?" usisa ko. Curious lang ako sa Rona niya. Kinagat niya ang labi niya na para bang pinipigilan ang sarili sa pagngiti. "You keep asking about Rona. Napaghahalataan na kita." Ngumisi naman ako at tinaasan siya ng kilay. "Napaghahalataang ano?" "Na nagseselos ka kay Rona." Halos masamid naman ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Selos? Baliw ba siya? "Bakit naman ako magseselos? Bakit may gusto ba ako sa iyo?" Inirapan ko siya matapos. Natawa naman siya bago sumimsim sa kape niya. "Sigurado ka na wala ka talagang gusto sa akin?" "Sa tingin mo ba meron? I'm just being nice with you since you're nice to us, it does not mean I'm interested in you," I told him, as if I'm mocking him. Isang palabirong ngiti ang ginawad niyang muli sa akin. "Okay sabi mo, eh." Nagkibit-balikat pa siya pagkatapos. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanda ng pagkain nang makakain na siya, at makaalis ng bahay. Hindi naman gano'n ka rami ang trabaho ko sa bahay niya. Matapos ko siyang pagsilbihan ay hinatid ko pa siya sa gate no'ng sinabi niyang aalis na siya. Ala-sais pa lang ng umaga nang umalis siya. Pinagmasdan ko lang ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Sakto namang pag-akyat ko sa taas ay ang paggising ni Amr. Lumapit ako sa bata at kinarga ito. "Good morning, baby," I told him. He giggled and hugged me. "M-ma." Ngumiti ako sa sinambit niya. I kissed his nose kaya napaagik-ik siya. May ilang salita na siyang kayang bigkasin, at kasali na ro'n ang salitang mama. Actually, iyan ang sasabihin niya kapag nakikita niya ako o si Nanay. Hendrix even heard him calling me Ma, but he didn't bothered me asking me why Amr is calling me that way dahil iyan din ang tawag ni Amr kay Matilda. And I'm glad that the kid did that. It's not that I want to hide the truth to Hendrix, pero parang gano'n na nga. Baka magtanong pa siya kung ano ang nangyari at bakit walang tatay si Amr. "Let's eat first before we take a bath, okay?" Tumango ang bata na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko. Dinala ko naman siya sa kusina at punaupo sa upuan. Agad naman siyang nang-abot nang kung ano sa lamesa kaya nilayo ko saglit ang sinabawang manok, at baka mapaso pa siya rito. "Yummm..." Napangiti ako nang malapad sa sinambit niya nang sinubuan ko siya ng kaning may sabaw. Matapos ko siyang pakainin, ay hinanda ko ang ilang mga gamit niya upang makaligo na siya. Samantalang siya naman ay naglalakad habang nilalaro ang eroplanong laruan niya. Binili iyan ni Hendrix kahapon para sa kanya. "Kumain ka na, paliliguan ko lang si Amr," sabi ko kay nanay. Kinarga ko naman si Amr patungo sa banyo. "Amr!" saway ko sa bata nang nilaro niya ang tubig sa timba. Pero tumawa lang siya sa akin. Halos gusto na niyang pumasok sa loob ng timba at doon magtampisaw. Natawa na lang ako. Matapos ko siyang paliguan ay bumaha kami. Dahan-dahan naman siyang sumabay sa akin sa pagbaba, at halos manginig pa ang mga paa. Nang hindi ako makatiis ay kinarga ko na. Nangunot naman ang noo ko nang makitang may kausap na lalaki si nanay. Nasa sala sila, nag-uusap. Lumapit naman ako. Hindi matipuno ang lalaki, sakto lang ang katawan niya. Kulay kayumanggi ang balat niya, halatadong taga rito siya. Nakasuot ito ng kulay pulang Jersey shorts, at puting sando. "Hi, ako nga pala si Rona." Napatitig ako sa lalaki. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Rona?" kunot noo kong tanong. Tumango naman siya at saka ngumiti sa akin. "Yes, Rona short for Ronaldo," sambit niya gamit ang mababa at malambing na boses. Ngumiti pa siya sa akin, at pagkatapos ay kumindat. Napaawang ang mga labi ko. Napakurap ako. At ilang sandali ay umalingaw-ngaw sa kabahayan ang tawa ko. Kaya pala parang tuwang-tuwa ang ugok na Hendrix sa inasta ko kanina, si Rona pala niya ay dating Ronaldo. Pero malay ko, baka ito pala ang tipo ng pilotong iyon kaya wala siyang girlfriend? "I'm Saffeya," pakilala ko. "She's Matilda. Ito naman si Amr." "Nice to meet you all! Pamilya ba kayo ni papalicious?" "Papalicious?" "Si Hendrix ba! Jusko, ang slow naman nito." Natawa na lang ako. Inaya ko siya sa loob. "Hindi niya kami pamilya. Uh, katulong niya ako. Basta mahabang kwento," paliwanag ko. "Seryoso ka ba, day? Dili ka niya asawa?" Nalukot naman ang mukha ko. "Anong dili ka... Anong sabi mo?" "Ay sorry. Ang sabi ko, seryoso ka ba na hindi ka niya asawa? Ang ganda mo kasi." Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Salamat. Pero hindi eh, katulong lang niya ako." Nagkwentuhan kami ni Rona matapos. Madaldal siya. Kahit hindi ko tinanong ay sinabi niya sa akin na may ibang babae raw na nagpupunta rito. Hindi ko na tinanong kung sino-sino. Masarap siyang kasama. Ang daldal kasi, hindi ka talaga mababagot. Hindi naman siya tumutulong sa amin sa gawaing bahay. Minsan naman ay pumupunta lang siya rito para e-check kami. Para bang tumitingin lang siya kung ano na ang nangyayari sa amin sa bahay. Sa isang linggo mula nang makilala ko siya, ganyan ang routine namin. Pero sa araw na ito ay naiba. Nag-aya si Rona na mag food trip daw kami sa baybayin. Pumayag naman ako. Ang inambag ko na lang ay ang bigas na pag-aari ni Hendrix. Wala naman siya rito eh. May pinakilala pa si Rona sa akin, mga kaibigan niya. Si Marlon na may kapayatan ang pangagatawan, na siyang asawa ni Pasita. Kulot ang buhok ni Pasita, samantalang si Marlon naman ay kalbo. "Ito na ang tuba!" masayang sabi ni Abegail na may bitbit na isang galong Tuba. Ang sabi ni Rona, eh, e-quoter daw nila ito, masarap daw. Hindi ko alam kung ano ang quoter na sinasabi nila. Pero nakita kong nilagyan nila ng itlog ang tuba at saka milo. Hinalo ito. Ininom ko, hindi na siya lasang suka. Masarap. "Lami?" tanong sa akin ni Rona na siyang nagpakunot sa noo ko. "I mean, masarap ba, day?" Ah, iyon pala ang bisaya ng masarap. "Oo, lami. Ngayon lang ako nakatikim nito," pag-amin ko. Kinuha naman ni Rona ang itinabi niyang tuba sa baso, at nilahad ito sa akin. "Ipainom mo sa kapatid mo, para hindi magkabitok iyan. Epekteb tong pampurga, saka pampataba rin ito. Try mo." Kapatid ang pakilala ko sa kanila kay Amr. Ayaw ko mang mapalapit sa kanila ay wala rin lang akong nagawa. Mababagot naman ako sa bahay kung hindi ako makikihalubilo. "Hindi kaya malasing itong si Amr?" tanong ko na may pag-aalangan. Umiling naman si Marlon. "Hindi iyan. Gamay lang man iyan. Ay ano, kunti lang ba. Hindi iyan makahubog." Medyo nalilito ako sa sinasabi niyang makahubog, pero parang katumbas ata iyon ng pagkalasing. Hindi makahubog, so hindi makalasing? "Pinapainom din namin si Boknoy namin. Tingnan mo, ang lusog," pagtukoy nito sa batang anim na taong gulang na naliligo sa mababaw na parte ng dagat. Pinainum ko naman si Amr. Akala ko ay mangangasim ang mukha niya dahil itong tuba kasi ang ginagawang suka, eh, maasim ang suka. Pero nang tikman ko ay matamis naman. "Freshly harvest iyan from the coconut tree iyan, day, kaya matamis. Safe iyan sa tummy ng mga chanak," sabi naman ni Rona. Nagtawanan na lang kami sa sinabi niya. Hindi ko na pinaubos kay Amr ang tuba dahil namumula na ang pisngi niya. Kinakabahan ako. Hindi kaya nalasing na ang batang ito? Ilang sandali ay may umagaw sa atensyon ko. "Sino iyon?" tanong ko naman sa mga kasama ko. Napatingin naman si Abegail sa tinitingnan ko. Napangiwi pa siya. "Naa napod ang borikat," (andito na naman 'yong malandi) sabi niya pa. Hindi ko na tinanong kung ano ang ibig sabihin ng borikat pagkat ang buong atensyon ko ay natuon sa babaeng may bitbit na supot, habang sumisilip sa bahay ni Hendrix. "Sinong hinahanap mo?" usisa ko nang tumayo ako para lapitan ang babae. Tinaasan niya ako ng kilay. Inismiran ko naman siya. Nakasuot siya ng dirty white sando shirt na pambabae, tapos mabulaklaking palda na hanggang tuhod lamang. May kurba ang katawan niya, at may tamang laki ang dibdib niya. Ang mukha naman niya ay hindi mo masasabing pangit, may itsura kasi siya. Mahaba ang buhok niya na siyang malayang nakalugay. "Si Kap. Hendrix, bakit sino ka ba? Bago ka rito?" Napataas ang kilay ko. Aba, attitude ka, teh? "Asawa niya ako, bakit anong kailangan mo? Wala siya rito," sabi ko naman. Ni-head to foot pa niya ako, at napakunot pa ang noo niya. "Asawa? Wala namang nabanggit si Kap sa akin," sambit niya gamit ang malambot na boses. "Kap ka nang Kap, hindi naman kapitan ang asawa ko," sambit ko. Tumiim bagang naman siya. "Binata pa si Kap Hendrix, alam ko iyon. Kilala ko siya matagal na. Sige alis na ako, wala naman pala siya rito." Tinalikuran niya pa ako pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang ginawa niyang pag-irap. Aba, dukutin ko 'yang mata mo, tingnan natin. Tsk. Halos sumimangot ako nang makabalik sa ilalim ng talisay kung saan nakalatag ang banig na inuupuan namin. "Tagay muna," sabi ni Marlon. Tinanggap ko naman ito ay madaliang inubos. "Sino iyon? Hindi ko gusto ang ugali niya, masyadong magaspang," sabi ko pa. Natawa naman si Abegail sabay kagat ng mangga. Nangasim pa siya. "Iyon si Ning-Ning. Nagbebenta ng bibingka iyon," sabi naman niya. "May gusto iyon kay Hendrix," sabi naman ni Pasita na ang tigas pa ng pagkakabigkas sa pangalan ni Hendrix. Hindriks daw. "Kapag nandito 'yong si Papalicious, eh, naghahatid ng libreng bibingka iyang si Ning-Ning. Kulang na nga lang pati bibingka niya eh ialay niya rin." Umagik-ik pa si Rona pagkatapos. Nainis naman ako. So talagang gano'n kalakas ang kamandag ng Dela Condeng iyon at talagang babae ang lumulusob sa tahanan niya? "Nahuli siguro siya sa balita na umuwi rito si Hindriks kaya ngayon lang nagawi," si Pasita. "Iyon lang bang Ning-Ning ang umaaligid sa pilotong iyon?" tanong ko. Wala, curious lang ako. "Naku! Hindi lang si Ning-Ning! Kita mo iyang daungan? Hindi ba sa gilid niyan, kapag tumawid ka mula rito, eh may makikita kang resort tapos mga kabahayan? Halos lahat ng mga dalagita diyan pinagpapantasyahan iyang si Hindriks! Idagdag mo pa iyong matandang si Perlita na may pagnanasa rin kay Hindriks," of course, from the way she pounced his name, malalaman mo ng si Pasita ang nagsasalita. Umiling ako. Ganyan siya ka makamandag? "Isali mo na kami ni Rona sa listahan," dagdag naman ni Abegail na ngumi-ngiti-ngiti pa. Napatingin naman ako kay Rona habang nakasandal na ito sa katawan ng Talisay. Nakangiti pa ito na para bang nagpapantasya. "Sino ba naman kasing hindi magkakagusto ro'n? Maliban sa may itsura, mabait pa at ang lakas ng sense of humor!" si Rona. "Tama! Pero may pagkababaero talaga iyon. Naalala ko no'ng bagong salta lang siya rito. Wala pa raw iyang maalala. Nagkaamnesia kasi iyan, pero nakaalala rin," kwento ni Abegail. "Ikaw ba naman masapak ng Tiyohin mo, malamang aalog ang utak mo!" si Marlon naman ngayon. Kating-kati ang tainga ko sa chismis kaya nagtanong ako sa kung ano ang nangyari. "Iyang si papalicious kasi nalasing. Ayos sana kung nalasing lang, ang gago halikan daw ba ang asawa ng Tiyohin niya." Tangina? "Grabe ka Rona, hindi naman sila naghalikan! Aksidente raw yong nangyari. Tapos nakita ng asawa, eh, may pagkaseloso iyon. Kaya ayon, nawala ang kalasingan ni Hendrix nang masapok." Pagpapatuloy ni Abegail sa kwento. He suffered from amnesia? Seryoso? "Pero kahit seloso si Hector ang sarap pa rin niyang pagnasaan," sabi naman ni Rona. "Halos lahat naman ng kapamilyang lalaki ni Hendrix pinagnanasaan mo. Ano ba pang bago, Rona." At nagtawanan kami nang batuhin ni Rona ng kamote si Abegail. "Kasalanan ko bang marupok ako? Eh, ang gandang lalaki ng lahi nila. Sarap magpabuntis," at talagang bumuntong-hininga pa si Rona, tila ba nanghihinayang siya. Humarap siya sa akin. Ngumuso pa habang may inaalala ata. "Apat iyan sila, eh. Ang tawag ko nga sa kanila ay H4 kasi puro H ang pangalan. 'Yong kambal niya, si Henrik, pinsan niya si Homer, tapos 'yong tito nila na Hector, tapos isama na natin itong si papalicious Hendrix. Nako naka brief lang silang naliligo no'n, halos himatayin na ako. Pagkalami jod sa lawas nila! Diyan nagsimula ang pantasya ko sa kanila." Napailing-iling na lamang ako sa kwento ni Rona. Ilang sandali ay tatawa na naman ako dahil sa pagkwento niya sa amin sa mga ginagawa niyang pagpapansin kay Hendrix. My day ended with a smile. Amr was already sleeping upstairs when I visited the room. Kahit na pagod na ako at medyo may kalasingan ay nagawa ko pa ring bumaba sa unang palapag para sagutin ang tawag sa telepono. "Hello?" bungad ko. "Sisa." Oh, si Hendrix pala. "Napatawag ka?" tanong ko. "Kamusta kayo diyan? May pagkain pa ba?" "Oo, may stock pa naman. Ikaw... Kamusta ka?" Kinagat ko ang labi ko pagkatapos. "Ayos lang naman. Puno ang schedule ko." Tumahimik sa kabilang linya. Ilang sandali ay narinig ko siyang tumikhim. "Kailan ka uuwi?" Napailing-iling na lang ako sa sarili ko nang rumehistro sa utak ko ang tanong na lumabas sa labi ko. "Miss mo na ako?" may halong panunukso niyang tanong. "Nagtatanong lang, miss agad? Tsk." Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Nga pala, matapos ng trabaho ko ay hindi muna ako uuwi diyan. Kayo na muna ang bahala sa bahay. If you're bored, just call Rona." Napanguso naman ako. Pumipitik na sa sakit ang ulo ko dahil sa nainom namin kanina pero heto pa rin ako at nanatiling nakatayo habang nasa tainga ang telepono. "Dating Ronaldo pala si Rona, bakit hindi mo sinabi." I heard him barks into laughter. Napangiti na lang din ako. "Nga pala, bakit hindi ka makakauwi?" usisa ko na. "I will be in Russia. May family party kasi, kailangan daw nando'n kami lahat. Pero aalis din ako pagkatapos," paliwanag niya sa akin. Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. "Mag-iingat ka," sambit ko. "Naks naman, nakaka-fall ka." "Baliw." "Sayo." Lumapad ang ngiti ko. "Stop flirting on me, dela Conde. Hindi effective," sambit ko pa. "I just miss you..." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ilang sandali ay napailing,saka ko binaba ang tawag. Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto niya. Kahit wala siyang sinabi ay binalak kong dito na matulog. Wala naman siya, tingin ko hindi naman siya magagalit sa gagawin ko. Then later on I smiled as I recollected his last statement. He missis me... Hmm.. To be continued... Feedbacks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD