Chapter 6
HIS WORDS
~~~
"Ito ba 'yong gatas ni Amr?" tanong sa akin ni Hendrix sabay pakita ng isang karton ng gatas. Tumango naman ako, kasi iyon nga ang gatas na iniinum niya. Nagulat na lang ako na limang karton nito ang binili niya.
"Ibabawas ko na lang sa sahod mo kung iyan ang inaalala mo," sabi niya sa akin. Siguro ay nahalata sa mukha ko ang protestang ginawa ko. Sa huli ay tumango ako, at sumunod na lang sa kanya habang tulak-tulak ang cart.
"Do you eat eggs?" Natigilan ako sa naging tanong niya.
"Depende, anong itlog ba ang tinutukoy mo?" tanong ko habang nakatigin sa mga itlog na nakapaloob sa plastic tray. Napa "Aray!" na lang ako nang pintikin bigla ni Hendrix ang noo ko nang walang kahirap-hirap.
Pinukol ko naman siya ng masamang tingin. At tanging paniningkit ng mga mata niya lang ang ginawad niya sa akin bago nagsalita. "Ang dumi ng utak mo. Kailangan mo na atang lumunok ng isang barrel na holy water!" sabi niya pa.
Napaawang ang labi ko. Pagkatapos ay Napangisi ako. Tinaasan ko siya ng kilay, at gamit ang hintuturo ko ay tinulak ko nang bahagya ang dibdib niya. "Ikaw, ikaw 'yong madumi, Bossing! Marami naman talagang uri ng itlog, itlog sa pogo, itlog maalat, at' yang karaniwang itlog. Ikaw, ibang itlog ata iniisip mo. Sarap mo talagang ibalik sa itlog ng tatay mo. Tsk." At iniwan ko na siya nang hindi man lang hinihintay kahit na tinatawag niya ang pangalan ko.
Napailing-iling na lang ako, habang nakangiti. Masarap siyang kasama, infaireness. Ang sarap kulitin. Ilang sandali pa ay nakasunod na siya sa akin. Panay ang tanong niya kung ano ang kailangan sa bahay, sabi ko na lang siya na ang bahala total pera niya naman ang gagastusin namin.
Marami siyang pinamili. May mga instant goods, ilang kilong karneng manok, baboy, at baka. May gatas, kape, asukal, itlog, mantika, palaman, juice, shampoo, sabon, toothpaste at iba pang basic needs, pero marami ang pagkain. Dalawang kahon pa nga ang naging lalagyan nito sa dami ng pinamili niya. Well, medyo malayo kasi ang supermarket sa tinitirahan niya, kaya siguro niya sinusulit.
"I'll be leaving tomorrow," sabi niya nang nasa byahe kami. Sumulyap pa siya sa akin tapos ilang sandali ay sa paa kong malaya niyang nasisilayan dahil sa igsi ng short pants na suot ko. Umiling muna siya bago binalik sa daan ang buong atensyon niya.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko na lamang habang nasa daan din ang mga mata.
"Work. Tapos na ang pahinga ko. I need to go back to work. Mga isa o dalawang linggo akong mawawala rito," paliwanag niya.
Tumahimik ako. Tiniim ko ang mga labi ko habang nakatitig sa daan. Tumikhim ako ilang sandali. Hindi ko akalaing ipagkakatiwala niya ang buong bahay niya sa amin.
"Hendrix," tawag ko sa pangalan niya.
"Oh?" tanong niya pabalik, pero ang mga mata ay nakapukos lang sa daang tinatahak namin. Umilaw ang pulang ilaw sa traffic light, kaya tumigil siya saka napalingon sa akin.
"We're totally strangers, bakit mo ipapaubaya ang bahay mo sa amin?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na itanong iyan sa kanya iyan. I'm really bothered. "Paano kung magnanakaw kami at itakbo ko lahat ng meron ka sa bahay na ito?" dagdag ko pa.
Tiningnan niya ako nang mataman. Hindi ko matukoy kung ano ang iniisip niya.
"Paano rin kung kasabwat pala ako ng mga tumutugis sa inyo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko.
"I'm a total stranger too, yet you asked help from me. Bakit?" Nag-iwas ako ng tingin. Why did the table suddenly turns like this?
"I can see that you're kind, that's why!" Nag-aalangan pa akong sabihin iyan. Because I do not know why did I ask him a favor. Dahil ba piloto siya? Kinabahan ako, dahil maski ako ay hindi ko rin alam. Hindi ko alam, it just happened that I am in need and so desperate to leave, at siya ang naging takbuhan ko.
"But what if it's part of the plan?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "You won't do that."
"Are you certain of that?" Nagkasukatan kami ng tingin pagkatapos bago ako kusang nagbaba.
I didn't think of that possibility, really.
"So what's your agenda of helping us?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Do I really need some agenda to help a person?"
Muli ko siyang tinitigan, tumango ako, at hindi na nagsalita pa.
"Don't make me regret of my decision, Saffeya. I helped you because you seek for help. If I won't help you, then who would?"
Pinaandar niya ang sasakyan. Tumiim ang bagang niya at hindi nagsalita. Kinagat ko na lang ang labi ko. Sinapo ang sintido ko, sabay sandal sa bintana ng sasakyan niya.
"Sorry..." Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-sorry. Bigla ko na lang itong nasambit, na dapat hindi ko ginawa.
"What make you think that I have a hidden agenda?"
Pinagdikit ko ang mga labi ko, bago siya binalingan ng tingin. "Hindi ba't ganyan ang mga tao? The give and take principle, I guess you're aware of that?"
"Don't generalize, I'm not one of those people," he said. Halos magtagbo pa ang mga kilay na para bang naiinis.
"I can't help it. The last time I seek refugee, I was in a great trouble. People will just give something, if they want to earn something in return. I know, you also helped me because of my pretty face. You don't have to pretend, you're a man and I'm sure you liked my offer. "
Tumitig siya sa akin. Nagtangis ang mga ngipin. "So we're going back to this topic again. I told you, I'm sincere—"
"Pero kung hindi naman ako biniyayaan ng ganitong mukha hindi mo naman ako tutulungan hindi ba? If I was ugly you wouldn't spare me even a few of your time."
Biglang tumahimik.
"That's the nature of human, Hendrix, and I fully understand that," I added, vocalising my inner thoughts.
"I don't know what makes you formulate that generalization about human. But since you've said that it's our nature, hindi ka rin nalalayo sa sinabi mo. If I'm not also a good looking one, if I look like a goon or a gangster, would you ran towards me and ask for my help? I guess you wouldn't, right?"
Parang dalawang beses akong nasampal ng isang blokeng yelo sa sinabi niya. Ang bilis bumalik sa akin ang mga salitang binitawan ko.
"It's God's plan that we crossed our paths, Saffeya. It's not purely coincidence. You're aware that every human being has a mission, right? I think you're my mission."
Wow. Since when did he became one of the pastors? Didn't see that coming, huh.
"Where the hell did you pick that?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong. He sounds so pure and kind.
"I've learn those things from my Super Friend. And I believed her."
Super Friend? What the hell is that?
"You're getting irritated because you do not have God in your heart." Natawa ako sa sinabi niya.
Ayos na sana kami eh. I can join him in the table. I can converse with him without thinking what might happen to me if I stayed long, pero ngayong dinala ang usaping ganito ay parang ayaw ko ng kausapin siya.
"God. Is that the pathetic one who let his people suffer then gave them solutions at the end to make their faith strong?"
Hindi siya nagsalita, kaya ako ang rumatatat. "Stop acting that you're the kindest person on earth. You're a playboy, as I can see, you're not worthy of his words," bulalas ko.
I heard him heave a sigh. "You do not have to slap me with those words. I know I am not kind."
Tumahimik kaming pareho hanggang sa narating namin ang bahay niya. Ingay alon naman ang bumalot sa tainga ko nang makababa ako sa sasakyan.
"I've asked someone to be with you habang wala ako. Taga rito lang si Rona. Bukas pupunta siya rito sa bahay." Iyan ang sinabi ni Hendrix sa akin habang pinapasok naming dalawa ang mga pinamili namin. Matapos niyan ay hindi na kami nakapag-usap pa. Para ring iniiwasan niya ako, kaya hindi na rin ako nagtangkang pansinin siya.
Tinawag ko lang siya no'ng kakain na. Nasa kwarto niya siya no'n, nag-iimpake ng mga damit niya.
"Mauna na kayo," sabi niya sa akin nang hindi man lang bumabaling. Bumaba na lang ako sa kusina at kumuha ng sarili kong plato.
"Nag-away ba kayo?" usisa ni nanay. Hindi ako umimik. Hindi ako sigurado kung away ba ang nangyari sa amin, o ano. Hindi naman siya mukhang galit. Mailap lang siya. Siguro ay dala sa pagod.
"Amr, you want this one?" tanong ko sa bata habang hawak-hawak ang isang fried chicken. Kinurot ko ang manok saka ito pinakain sa bata. Napangiti na lang ako nang natawa siya. He even held my hand to lick my finger.
He really looks like his father. Pero kapag biglaan mo siyang matingnan ay kamukha ko siya. He carboned my eyes. But his features —he really looks like the mini version of his father.
"Maiba ako, sinabi mo pala sa kanya ang tunay mong pangalan? Paano iyan? Pag ninakaw natin ang ilang gamit niya rito maaari ka niyang ipahanap." Napatingin ako sa gawi ni nanay. Sinamaan ko siya ng tingin. Luminga ako sa paligid, baka kasi nandirito si Hendrix at marinig pa niya.
"Tumahimik ka na lang baka marinig ka," saway ko sa kanya.
Natawa naman siya nang bahagya. Luminga-linga rin sa paligid upang matiyak na walang makakarinig sa sasabihin niya.
"Hindi ba iyon naman ang napag-usapan natin? Hindi naman tayo sigurado kung patuloy niya tayong tutulungan. At saka, ligtas ba tayo rito?" sunod-sunod niyang sabi gamit ang mababang boses. Tumiim na lang ang bagang ko.
"Mabait siya," sabi ko.
Umikot naman ang mga mata niya sa akin. "Kung ako sa 'yo magpakama ka na ron. Kung hindi mo kayang pagnakawan siya, huthutan mo na lang."
"Matilda!" I warned her. Ngumisi naman siya sa akin.
"Don't glare at me like I'm the most demonic mother you've met. Ganito talaga ako, and I'm not really your mother, hija." Kumuyom ang mga palad ko sa tinuran niya. Of course, I never forgot about that. But I considered her as one dahil siya na ang nag-aruga sa akin matapos ang mga nangyari.
"Ayaw ko siyang gamitin. Mabait siya," sabi ko na lang habang inaalala ang naging usapan namin ni Hendrix. He's really kind. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya.
"Ganyan din ang sinabi mo sa akin noon, pero tingnan mo ang nangyari sa atin ngayon," pagpapaalala niya sa akin. Nagbaba na lang ako ng tingin. Napatitig ako sa pagkain sa harap ko. Para na namang kinukurot ang puso ko, pero kailangan kong magpakatatag. Nakita ko namang umiling siya at pagkatapos ay bahagyang natawa.
"Alam mo, sa simula lang iyan. Ikaw kilala kita. Kung gusto mong makipagparo sa kanya, bahala ka. Basta mag-iingat kang babae ka. Tandaan mo, aalis din tayo at iiwan siya. H'wag mong ilapit masyado ang sarili mo sa kanya." Bumuntong-hininga na lamang ako at saka nagpatuloy sa pagkain.
Alam ko naman na darating ang panahon na aalis din kami. Matapos siguro ng isang buwan o dalawa. Ayaw kong madamay siya. Ayaw ko ring masaktan siya. Hindi siya pwedeng mapalapit sa amin, lalo na sa akin. Hindi maganda ang idudulot ko sa kanya.
Bumuga ulit ako ng hininga. I just hope that my words are harsh enough to discourage him. He told me that he likes me. Hindi ako sigurado kung totoo iyon, pero kailangan kong tuldukan iyon.
Maybe I should start from drawing some line. I should start treating him as a boss, not as a friend and most especially, not as a man.
"I can't like you, dela Conde," wala sa sarili kong bulalas habang nakamasid sa karagatan. Lumabas kasi ako matapos kong makapaghugas ng pinggan. Pinatulog ko na rin si Amr at magkatabi na sila ni Nanay.
Bumuntong-hininga ako at niyakap ang sarili nang dumaan saglit ang malamig na simoy ng hangin. Tanging hampas ng alon lamang ang naririnig ko. Ngumiti ako, pagkatapos ay binuga ang usok ng sigarilyo.
Napakapayapa ng gabing ito. Kung sana ganito lang kapayapa ang buhay ko, malaya sana akong nakakalakad sa mundo nang hindi nababalot ng pangamba.
Pumasok ako sa loob ng bahay nang maupos na ang dalawang stick ng sigarilyo. Tahimik akong naglakad. Naabutan ko pa si Hendrix sa kusina na kumakain na.
Lagpas alas-nwebe na ng gabi at ngayon niya lang naisipang kumain?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad nang tahimik. Pumasok ako sa loob ng kwarto. Kinuha ang unan, at 'yong bedsheet na nilabhan ko kahapon. Nilatag ko ito sa sahig pagkatapos ay nahiga ako na ang tanging kumot lamang ay jacket. Pumikit ako, pero agad ding napamulat nang may marinig akong pagbukas ng pintuan.
Napabaling ako sa pintuan. I saw Hendrix. Nakakunot ang noo habang nakatitig sa akin na nakahiga sa sahig.
"Bakit sa sahig ka natutulog?" mahinang tanong niya. Bumangon ako at saka tumayo. Binalingan ko pa sina Amr na mahimbing ng natutulog.
"Hindi kasi kami magkasya kaya—"
"Sumunod ka sa akin." Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa kanya. Pero nagtaka ako nang pumasok siya sa silid niya.
Dumagundong ang mahinang kabog ng dibdib ko. Pinapasunod niya ako sa kwarto niya, at hindi na ako bata para hindi malaman kung ano ang ibig niyang sabihin.
He want to share a night with me.
Pumasok ako sa loob saka ni-lock ang pintuan. Naupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ko siyang naghuhubad ng damit sa mismong harapan ko, nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa akin. Nakipagsukatan naman ako sa kanya ng tingin. Pero bumaba ang mga mata ko sa leeg niya, tapos binaba ko pa.
Matipuno ang katawan niya. Halos kumaway na nga sa akin ang dibdib niyang sa tingin ko'y matigas. Lumipat sa braso niya ang mga mata ko. Those biceps and triceps are really fascinating. Dagdagan mo pa ng klarong ugat sa kamay niya na. Panay siguro ang pagsasarili nito kaya ganyan ka maugat ang kamay.
Napatingin naman ako sa bandang tiyan niya. Well, it's hard and he has some proud abs, which are currently waving at me. Para itong nagniningning sa paningin ko. Napalunok naman ako nang dumapo ang mata ko sa hip niya. Sinundan ko ang vline nito at halos madismaya ako nang makita ang suot niyang striped pajama.
"Tapos ka na bang tumingin?"
Napakurap naman ako at napaangat ng tingin sa mukha niya. Naglalaro sa kanyang mga labi ang isang pilyong ngiti, tila ba nagwagi siya. Tapos umiling pa siya. Tinalikuran niya ako at tinungo ang aparador. May kinuha siya, isang damit at sinuot niya ito.
Magpapalit lang siya ng damit? So... Walang mangyayari sa aming dalawa ngayon?
"Bakit parang disappointed ka?" Pinukol ko siya ng masamang tingin sa sinabi niya. Pero isang matamis na ngiti lamang ang ginawad niya sa akin na siyang nagpakabog na naman sa dibdib ko.
I think I should drink less coffee. Tama, dahil lang ito sa sobrang intake ng kape.
"You're thinking of something else, that's why you look dissatisfied, aren't you?"
"Tigilan mo ako sa kalokohan mo. Kung wala kang kailangan sa akin ay babalik na ako sa silid namin — what?" Hinawakan niya kasi ang balikat ko upang pigilan ako.
"Dito ka na matulog."
"Hindi pwede," pag-angal ko.
Bumuntong-hininga siya, bago binitawan ang braso ko. Nginuso niya ang kama.
"Hindi kita gagapangin, pramis. Baka ikaw pa nga ang gumapang sa akin." Halos pabulong na niyang sinabi ang ikalawang pangungusap.
Hindi ko rin maintindihan ang isang ito. Halos iwasan niya ako mula nang makauwi kami tapos ngayon inaalok niya sa akin ang kama niya.
"Sa ating dalawa ikaw 'yong manyakis," sabi ko.
"Pero sa ating dalawa, ikaw naman ang may pagnanasa sa akin. Sisa, kitang-kita ko kanina kung paano mo titigan ang katawan ko. Para kang Leon na handang manlapa ng masarap na karne," panunukso niya pa kaya binalak kong suntukin ang tiyan niya. Kaso lang nasalo niya ang kamay ko. Agad ko naman itong binawi.
"Sige na, higa na. Dami pang arte, akala mo naman di ko pa nahalikan."
Isang matulis at halos lumagablab na tingin ang pinukol ko sa kanya. Natawa naman siya at napakamot na lang sa batok niya.
Sa huli ay wala akong nagawa kun'di mahiga sa kama. Siya na ang nagpatay ng ilaw bago siya gumapang sa kama pahiga. Nakatalikod ako sa kanya, pero ramdam ko ang hininga niya sa likuran ko kaya nilingon ko siya.
Malaki naman ang kama niya pero sadyang kinukulit kami ng pagkakataon at sa pagharap ko sa kanya ay halos magsalubong na ang mga ilong naming dalawa.
Nagkatitigan kami. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Pero ako, bumaba ang tingin ko sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong pwersa ang nagtulak sa akin para dampian ng halik ang kanyang mga labi.
I'm horny. Kaya siguro nagawa ko iyon. Hindi naman ako bobo para hindi malaman kung bakit tila nagbabaga ang katawan ko ngayon. He's a good looking man, at nasa kama niya pa ako ngayon. Sinong hindi mababagabag sa ganitong sitwasyon?
Hindi siya gumalaw, kaya hiniwalay ko na ang labi ko. Kahit madilim na ang silid ay kitang-kita ko kung paano magningning ang mga mata niya, at kung paano kumurba ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
"I told you, you'll be under my spell once I kissed you, and it's really happening. You're now craving for me. Simula pa lang iyan, Sisa," may panunuya niyang sambit. Napailing na lang ako.
Baliw siya. Anong spell-spell? Tsk. Hindi tumatalab sa akin ang ganyan.
But his lips is really soft. Parang gusto ko ulit balikan. Pero pinigilan ko na ang sarili ko. Kasasabi ko pa nga lang kanina na ayaw kong mapalapit kami at dapat boss ang turing ko sa kanya, agad ko namang binali. Tsk.
"Hindi ka ba magtatanong sa akin kung bakit nagtatago ako?"
Parang gusto kong ilibing nang buhay ang sarili ko ngayon mismo dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Ayaw kong mapalapit kami pero ito naman ako at binabalak pa atang magkwento.
"Hindi na. Saka kung gusto mo namang sabihin talaga ay magkukwento ka ng kusa. It's your story to tell. I'll just wait for you to open up."
Napailing ako. Binabaliwala ang kung ano man ang nararamdaman sa dibdib ko.
"You clearly knows how to flirt. You attack women through giving some emotional words. Para ba mas madali mong makuha ang loob?"
He heaved a sigh. "Makapagsalita ka parang kilala mo na talaga ako,"sabi niya pa.
"I can see through your agenda."
Halos irapan niya ako. "Tsk. Suit yourself."
Bahagya naman akong natawa. Base sa sinabi niya ay para na niyang sinasabi sa akin na tama nga ang hinuha ko tungkol sa kanya.
"Tranquil, one who's pure and innocent. That's the meaning of your name, right?" Nangunot ang noo ko sa pabigla niyang tanong.
To hide my emotion, I plastered an awkward smile in my lips. For the first time my heart ache in a different manner. Like a warm hand touches it. And I don't like it. I hate to feel this. This is crazy.
Tumihaya na lang ako upang maiwasan ang mga mata niya. I do not like his eyes. Para kasing sinasabi nito sa akin na hindi ako nag-iisa. I can see the sincerity. And I hate to say this, but every time I stared his eyes, I can feel the safety that I never gave to myself.
Siguro ay ganito ang stilo niya para makabihag ng mga babae. Hmm...
"Pure and innocent. It's the total opposite, Boss," sabi ko na lang.
"How can you say that?"
Tumagilid akong muli para salubungin ang mga mata niyang sa akin pa rin nakatingin. "I'm not a virgin."
Tumitig lang siya sa akin. Hindi siya nagsalita.
Napangisi ako. Discourage?
He should be para hindi na siya mag-invest ng oras niya sa akin. He's clearly playing with me. Tingin ko lang naman.
"So?"
Napakurap ako sa sinabi niya. Mas nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko at hilahin ako palapit sa kanya kaya halos magbungguan na ang mga noo namin sa sobrang lapit.
"I said I am not a virgin anymore. I'm not as pure and innocent as what you've said."
I heard him chuckled. "Virgin or not, you're still a woman. If you can't value yourself, then let me."
Napaawang ang mga labi ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
>>>>>>>Third Person's POV
Saudi Arabia...
"Stupido! It's just a woman and you can't find her?!" Parang kulog na sigaw ni Arnulfo sa mga tauhan niya. Wala ni isang nagsalita. Lahat ay nakayuko lamang.
He's been searching for the lady for three years and they could not find any lead. No'ng nakaraan lang talaga nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niya itong muli.
"Master, we've search almost the entire Saudi Arabia yet we still can't find Rashiba—"
"Tonto! It's been so long since I've asked all of you to find Rashiba! How about the thing that I have asked you to find? Don't tell me you still haven't got it?!"
Walang sumagot.
"Putangina!"
"Papa, calm down." Isang masamang tingin ang pinukol ng matanda sa anak na nagsalita. Kararating lamang ng binata sa Saudi at agad na dumiritso sa unit na binili ng ama niya.
Binalingan niyang muli ang mga tauhan. "Halughugin niyo pa ang buong bansa. Magdagdag kayo ng tao. Sigurado akong hindi pa iyon nakakaalis dito," sabi niya pa.
Napailing naman ang anak nito at lumabas ng silid kung saan nag-uusap ang ama nito at ang mga tauhan. Pero kahit nasa labas na siya ay rinig na rinig niya pa ang boses ng ama niya sa loob.
Kahit mga may lahing Espanyol ay halos mga Pilipino ang taunan ni Arnulfo, kaya naman ay maalam din siyang managalog.
Napailing na lang siyang muli, at pagkatapos ay kinuha ang mamahaling tabako sa bulsa at saka ito sinindihan. Ilang sandali pa ay may pumasok sa unit. Hinihingal na lalaki na sana edad na mga kurenta. Pawis na pawis at tila ba nagmamadali itong pumasok.
"Anong pakay mo?" pagharang niya sa lalaki.
"Sir!" Sumaludo pa ang lalaki at saka ngumiti. Namilog pa ang mga mata nito nang bumukas bigla ang pintuan kung saan nag-uusap si Arnulfo kasama ang mga tauhan niya.
"Master!"
"At anong nginingiti mo riyan?!" masungit na usal ng matanda.
Napakamot naman ng batok ang lalaki. "May balita po ako. Wala na po si Rashiba rito sa Saudi. Binugbog na namin na ang fixer na pinagkuhanan niya ng fake ID. Nasa envelope po na ito ang mga impormasyong nakuha namin. May mga larawan pang nakalakip."
Agad namang binuksan ng matanda ang envelop ay tiningnan isa-isa ang mga larawan. Napangisi siya nang malapad nang makita niya ang mukha ng babaeng tinatawag niyang Rashiba. Ilang sandali ay nagngitngit ang mga ngipin niya, at nalukot ang mukha sa nakita.
"Who's this man?!" he hissed.
Nagkibit-balikat ang tauhan niya sabay sulyap sa larawan kung saan nakuhanan ang babae na may kausap na lalaki sa bandang palikuran ng isang event.
"Hindi ako sigurado, Master. Pero tingin ko kakilala niya. Nang mawala ang lalaking iyan, wala na rin kaming balita kay Rashiba."
Mas nalukot ang mukha ng matanda habang nakatitig sa larawan. Naningkit ang mga mata sa mukha ng lalaking nakangiti sa larawan.
"Alamin niyo lahat ng impormasyon tungkol sa lalaking ito. Puntahan niyo ang hotel na pinanggalingan ng larawang iyan."
Napatingin silang pareho sa binatang anak ni Arnulfo dahil sa sinabi nito. Bumuga ito ng usok mula sa tabako. Ngumiti pa pagkatapos silayan ang larawang hawak ng ama.
"Find that man, at all cost. Baka alam niya kung nasaan si Rashiba. Kapag magkasama naman sila, kunin niyo si Rashiba," dagdag pa nito saka humithit na naman sa tabako niya.
"Paano kung manlaban?" tanong ng isa.
Ngumisi naman ang binata. "Edi patayin niyo, " sagot naman niya.
"But, don't touch Rashiba. Ibalik niyo siya nang buhay at hindi nagagalusan," sabi naman ni Arnulfo.
"Eh, paano po si Matilda?" tanong ng lalaki.
Mas dumilim naman ang mukha ni Arnulfo. "I want her dead."
"Copy that, Master."
To be continued...
Huhu sana hindi kayo malito sa story ni Hendrix. Hindi ko kasi masakop ang buong story kung hindi ko ililipat sa ibang POV. Gaya ng story ni Henrik, it is necessary kasi. Kay Homer kasi, nakaya ko lang na hindi na mag-iba ng POV kasi hindi masyadong malawak ang plot nila, pero mabigat sa utak ang plot ni Homer HAHAH alam niyo na kung bakit. Pigang-piga ako ro'n.
Nga pala, sana suportahan niyo po ang isa Kong kwento na The Virgin Playboy. Iba siya sa kwento ng mga Dela Conde, romance comedy kasi iyon. Hihihi
Feedbacks guys don't forget. Negative of positive, tatanggapin ko. :)