CHAPTER 1
Stephanie's POV
"Stephanie, anak bilisan mo baka wala na tayo maabutan na gulay sa palengke ,wala akong maiititinda sayang ang kikitain natin."! tawag sa akin ng inay ko habang inaayos niya ang mga basket na paglalagyan ng mga gulay na kanyang ititinda.
"Nandyan na po Inay ! matatapos na po ako".sagot ko naman sa inay ko .. Pagkatapos ko na mag ayos sa aking sarili , tinignan ko naman ang mga gamit ng aking dadalhin para wala ako makalimutan malayo pa naman ang bahay namin sa paaralan.
"Tara na po inay , alis na po tayo". pag-aya ko sa aking inay.
Habang naghihintay kami ng tricycle na aming sasakyan, tinulungan ko ang aking inay sa pagbitbit sa mga basket na paglalagakan ng mga gulay, hindi nagtagal ay dumating na din si Mang Pedro.
"Magandang Umaga po Mang Pedro!" nakangiti bati ko sa kanya.
"Magandang Umaga din na sainyo Maria at Stephanie." masayang pagbati din ang ibinigay nya sa amin ng inay.
Habang nasa biyahe kami hindi ko mapigilang ngumiti at humanga dahil sa ganda ng mga tanawin sa aming lugar. Kahit sino ang bumisita dito ay tiyak na matutuwa at mapapahanga sa ganda nitong taglay . Lagi ako sumasabay kay inay sa tuwing humahango siya ng mga gulay na kanyang ititinda kay Aling Ising. Sa pagtitinda nya lang kami kumukuha ng pang gastos sa araw araw. Mula kasi ng mawala sa piling namin si Itay , ang inay na ang nagtaguyod sa akin mula noong ako ay anim na taong gulang pa lamang .Namatay ang itay dahil inatake siya sa puso. Sa simula mahirap kasi wala na samin ang itay, at wala na katulong ang inay sa pagtaguyod sakin . Nagpapasalamat pa rin ako at hindi ako pinabayaan ng aking ina at pinagmamalaki ko siya . Kaya nagsisikap ako sa pag-aaral para makabawi naman ako kay inay sa lahat ng pag sasakripisyo nya para makapagtapos lang ako ng pag aaral.Kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya .
Madadaanan ng inay ang paaralan na aking pinapasukan bago dumating sa palengke .Malayo kasi ang aming bahay, aabutin kasi ng kalahating oras ang biyahe bago ako makarating eskwelahan .At ang isa sa pinakadahilan ay para makaiwas ako sa mga taong pinagtatawanan at pinapahiya ako.
Madalas ko kasi maranasan ang mga ganong pangyayari na pinagtatawanan ako dahil sa pisikal na anyo ko , dahil kamukha ko daw si "Betty La Fea" na manang manamit at may makapal na salamin ko sa mata . Halos araw-araw nila ginagawa sakin yun, pero di ko nalang pinapansin dahil ang inspirasyon ko ay ang aking inay.Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, siya lang iniisip ko at motibasyon ko sa buhay , muli akong nabubuhayan ng loob dahil para sa kanya itong ginagawa ko para mabigyan ko sya ng magandang buhay balang araw.
Aaminin ko, hindi ako kagandahan katulad ng mga kabataan na kasing edad ko, na tuwing papasok sa school na lagi nakapustura na akala mo may party na pupuntahan.Kuntento naman na ako sa ayos ko kahit sabihin pa nila ako na manang.Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa school.
"Inay, papasok na po ako, mag-iingat po kayo , mahal na mahal po kita inay". nagmano ako sa kanya pagkatapos kong magpaalam.
"O sige anak , mag-aral ka ng mabuti ha.Mahal na mahal din kita".
Pagkaalis ng inay ay pumasok agad ako at dumeretso papunta sa room.Sa aking paglalakad nakita ko ang mga tropa ni Raymond ang bully sa aming paaralan . Walang araw na lumipas ng hindi ako nakakarinig ng panlalait nito.
"Maganda na sana ang araw ko dahil nakita ko si Trixie kanina pero biglang nalang sumama dahil mayroon dumaan sa harap ko na hindi kaaya-ayang makita tsk, tsk." sabi nito na may kasama pang pag-iling.Si Raymond ay kilala din sa school dahil na din sa gwapo ito at mayaman.
"Dude, pumikit ka nalang para di mo makita ang mukha ni Betty haaahahaha".sabi ng kaibigan nito na si Lester.
"Ano pa nga ba?? ganon nalang talaga magagawa ko, para di mo makita yang pagmumukha ng "Betty La Fea" na yan hahahahaha!!.ani ni Raymond.
Di ko mapigilan na maiyak sa mga sinabi nila sa akin . Wala naman ako ginagawa sa kanila pero kung laitin nila ako ay ganon nalang. Dapat nga masanay na ko sa kanila, pero di ko pa rin talaga maiwasan na hindi ako magdamdam sa mga sinasabi nila tungkol sa akin. Nang mahimasmasan na ko , inayos ko muna ulit ang sarili ko bago ako magpunta sa classroom dahil pag nakita ako ng bestfiriend kong si Trina na umiiyak ay tiyak na susugurin nito ang grupo ni Raymond.
Pagdating ko sa room ay wala pa si Trina. Nagbasa muna ko ng libro dahil mayroon kami exam kay Ma'am De Vera(Science Teacher), maya-maya ay dumating na din si Trina.
" Good Morning Best! bati sa akin ng bestfriend ko.
"Good morning din Best." masayang bati ko sa kanya.
Mula Elementary at maging ngayong High School ay magkaklase pa rin kaming dalawa ni Trina.Kasalukuyan kaming dalawa ay Grade 8 na.Siya ang lagi ko kasama sa paguwi sa bahay.Siya din ang nakakaalam ng mga nararanasan kong panglalait ng mga tao sa paligid ko,dahil hindi ko sinasabi sa aking inay dahil alam kong malulungkot siya pag nalaman nya iyon.Ito din ang nagtatanggol sa akin dahil sa takot ako at hindi marunong lumaban. Nagpapasalamat ako dahil kahit papano binigyan ako ng Diyos ng mabuting kaibigan na kakampi ko at tutulungan kung kailan ako mangangailanganan.
Habang nagbabasa ako ng libro , hindi ko mapigilang madistract sa binabasa ko dahil sa pamamaraan ng pagtitig sa akin ni Trina. Napansin kaya niya ang mga mata ko?.sabi ko sa sarili ko.
"Umiyak ka ba Best."? sabi nito.
"Hah ?? A-ah eh h-hindi ha." sagot ko sabay iling.
"Eh bakit parang namumula yang mga mata mo.Parang bagong iyak ka".??? naniniguradong tanong nito.
"Ano ka ba ? napuwing lang ako kanina habang nakasakay kami kay Mang Pedro." pagsisinungaling ko dito.
Diyos ko, sana hindi po ako mahalata ng babaeng to kinakabahan ako!
Kapag kasi nalaman nya yung nang yari kanina tiyak na mabilis pa sa alas kuwatro eh susugurin nya si Raymond.
"Sigurado ka ba Best?? Okay ka lang? paninigurado niya.
Ayaw talaga ako lubayan ng isang to hangga't hindi ako umaamin.
"Oo best sigurado ako !! nakangiti ko sagot dito.
"Huh ! sana naman maniwala na si Trina.
Pagkatapos ng maintrigang tanungan ay sa wakas dumating na si Ma'am De Vera, mabuti nalang at dumating ito , kung hindi ay hindi niya ako titigilan hanggang sa mapaamin ako nito.Kilala ko si Trina pag ito ay nagalit kaya hangga't kaya ko pag magtiis sa panglalait sakin ng tropa ni Raymond ay titiisin ko para lang hindi ito makipag-away .
Mabilis lumipas ang oras ay mag alas onse na ng umaga , kasalakuyang nagtuturo si Ma'am Annie (Math Teacher).Nagdiscuss lang ito sa amin at nagbigay din ng seatwork. Pagkatapos namin gumawa ng seatwork at sakto naman tumunog ang bell ibig sabihin tapos na ang oras ng klase sa umaga na yun.