Stephanie's POV
Dumating ako sa bahay ay wala pa si Inay marahil papauwi na din ito.Tinignan ko ang oras sa suot kong relo at nakita kong alas singko na ng hapon.Nagpunta ako sa aking kwarto para makapagpalit ng damit, pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para makapagluto na ng hapunan.
Nagsalang agad ako ng sinaing sa kalang de kahoy, nagpunta ako sa aming munting bakuran para magdilig ng aming pananim meron kaming tanim na kamatis,talong,okra at sili.Dito din nanggagaling ang iba naming paninda kapag marami kami inani,yung ibang paninda naman ay hinahango namin kay Aling Ising. Pumitas ako ng talong at okra dahil masarap ito ipartner sa tinapa na binili ko kanina habang pauwi kami ni Trina galing sa School.
Maya- maya dumating na si Inay nakasakay ito kay Mang Pedro, dito na sumasakay si inay papunta sa talipapa at pauwi sa bahay.Agad ko sinalubong si inay mabilis ako nagmano para pagbigay galang at respeto sa aking ina. Tinulungan ko magbaba si Mang Pedro nang aming paninda lulan sa kanyang tricycle.
Pagbalik ko sa kusina ay luto na ang sinaing, naglagay ako ng kawali sa kalang de kahoy at nilagyan ko ng mantika.Kinuha ko ang pinitas kong talong at okra kanina hinugasan ko at tsaka ko pinirito, pagkaluto ng talong at okra sinunod ko na ang tinapa, hinugasan ko na din ang mga pinaggamitan ko sa pagluluto at nilagay ko sa dish cabinet.
Nagpunta ako sa sala nakita ko si Inay na nakaupo, hinihilot niya ang kanyang balikat ,makikita mo sa itsura nya ang pagkahapo at labis na kapaguran.
"Inay , gusto nyo po ba na imasahe ko po kayo?
"Sige nga anak ang sakit ng katawan ko ang dami kasi bumili kanina."
Kinuha ko ang langis sa ibabaw ng cabinet pinadapa ko siya sa mahabang upuan para komportable siya kapag minamasahe ko na siya.Nilagyan ko ng langis ang kanyang likod at dahan-dahan kong hinahagod. Pinagbuti ko ang pag mamasahe kay Inay para maibsan ang pananakit ng kanyang katawan.
Pasado alas siyete na kami natapos inaya ko na si Inay para makapag hapunan na kami,ako na din ang naghain sa lamesa pagkatapos ay tinawag ko na siya.Tuwang tuwa ang Inay dahil masarap daw ang niluto ko samantalang nagprito lang naman ako .
Niligpit ko agad ang pinagkainan namin hinugasan ko na din para walang nakatambak na urungin sa lababo, nagpaalam sa akin si inay na papasok na siya sa kanyang kwarto at doon na magpapahinga. Kumuha ako ng ternong damit pantulog at nagpunta sa banyo para makapag linis ng katawan.
Kinuha ko ang bag ko sa ibabaw ng cabinet , sinimulan ko na din gawin ang mga assignment ko.Alas nuebe y medya na ako nakatapos niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay ko sa bag.
Kinuha ang cellphone ko na regalo sakin ni Inay noong nag birthday ako last year.Pagkabukas ko ng data ay tumunog ito at may nag pop-up sa screen.Nagchat sakin si Trina at ang sabi nito ay sabay kami pumasok bukas agad ako nagreply sa kanya , pagkatapos ko siyang replayan pinatay ko na ang data . Sinet ko ang alarm sa alas singko nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng cabinet pagkatapos ko gamitin, nagdasal ako sa panginoon para magpasalamat sa biyayang pinagkaloob nya sa amin araw-araw at natulog na ako.
Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko.Tumayo ako at inayos ko ang kama ko.Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto para maligo. Gising na din si Inay at binati ko siya, nagluluto na din siya nang aming almusal.Nagprito siya nang hotdog at itlog pumunta naman ako sa kusina para magtimpla ng kape.
"Inay , hindi po ako sasabay sa inyo ngayon, sabay po kami ni Trina pumasok."
"Ah ganon ba anak, sige mag-iingat kayo ni Trina ha.Kumusta mo na din ako sa kanya"."Nga pala pagkatapos ko mag almusal ay aalis na ako, kailangan ay maaga ako ngayon sa talipapa".
"Sige po nay".
Umalis na si Inay pagkatapos niyang kumain.Niligpit ko ang aming pinagkainan tsaka ko hinugasan nagpunta ako agad sa banyo para maligo.Binilisan ko ang paggayak baka mamaya eh biglang dumating si Trina.
"Beeeeeeesssttt!! tawag nito sa akin.
Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ko siya. Sinara ko ang pinto namin at nilagay ko ang padlock.
" Best kung makasigaw ka naman!! mahiya ka nga sa mga kapitbahay baka may mga natutulog pa".
"Sorry naman best! peace hahaha!! nag peace sign pa ito, at nagpacute pa.
" Oo na best alam kong maganda ka na kaya wag ka ng magpacute pa sakin hahahaha." biro ko dito.
"Maganda ka naman din best ! konting ayos at make over lang lalabas din ang angkin mong ganda".
" Naku! best hindi ko na kailangan yan kuntento na ko sa ayos ko".Tara na nga umalis na tayo baka malate pa tayo niyan!!
"Wag kang magsalita ng tapos best!! baka mamaya ikaw pa tong mag-aya sakin na pag na inlababo ka na!! hahahaaha !!
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi niya dahil hindi kung papatulan ko pa ito ang hahaba lang ang usapan namin.