Saglit lang ng aming pag pahinga ni Allen dahil sa aming kabusugan ay pumunta agad kami sa labas upang pagmasdan ang nagagandahang tanawin at lasapin ang lamig ng simoy ng hangin. Sa labas kung saan tinatanaw namin ang nagagandahang tanawin sa labas. "Halika Aiza upo tayo doon may upuan oh." Sabay turo sa upuan malapit sa malaking puno. "Sege Allen doon tayo." Sagot ko sa kanya. "Ang ganda talaga dito, saan naman kayang lugar tayo pupunta pagkatapos nito. May alam ka bang lugar na magandang puntahan Aiza?" Tanong niya sa akin habang lumalakad kami papalapit sa malaking puno. "Ah eh wala, hindi naman ako gumagala. Sa katunayan ay makalabas lang ako ng bahay pag may nagyaya sa akin na gumala. Kagaya mo." Sagot ko sa kanya. "Ganoon ba, hayaan mo't parati kitang yayaing gumala." Sabay tu

