"Hehe ganoon na nga." Sabay huminga ng malalim. "Maiba nga pala ako ng usapan Aiza. Um, bakit hindi ka pa pala nagkaka boyfriend hanggang ngayon?" Pag-aalinlangang tanong niya sa akin na tela nahihiya siya ng tanungin ako ng ganoon. "Ha? Ah ano bang tanong iyan." Pagtatakang tanong ko sa kanya habang iniisip ang isasagot sa kanya. "Haha if you don't want to answer okay lang hindi kita pipilitin." Pangiti niyang sinabi sabay tumawa ng kunti. "Ah nako hindi. Um, actually Allen minsan na rin akong umibig pero nabigo lang ako, tsaka hindi naman minamadali iyan hindi ba? Darating din naman iyang tamang pag-ibig sa tamang panahon at pagkakataon. Hihintayin ko 'yung taong nakatadhana para sa akin." Malambing na sagot ko sa kanya habang napangiting nakatitig sa ulap. "Bakit mo nga ba natanong

