Matapos ang ilang sandali ay naisipan kong balikan ang babae upang iligtas ito sa kaniyang pagkatali. Habang abala ang babae sa kakasigaw ng saklolo ay may narinig itong kaka-ibang tunog na siyang papalapit sa kanya. "Sino ka? Maawa po kayo 'wag niyo po akong saktan. Nagmamakaawa po ako." Mangiyak-ngiyak na pagsabi ng babae habang nanginginig sa takot. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya dahil sa ayaw kong mapagkita at itago ang aking kaka-ibang anyo. Mayamaya pa ay gumamit ako ng kapangyarihan upang kusang matanggal ang mga lubid na nakatali sa kaniyang mga paa at kamay. Nagulat naman at nagtaka ang babae nang makita niyang kusang tumatanggal ang mga lubid na nakatali sa kanya. Nang matanggal ito ay agad na tumakbo ang babae palabas ng gubat na halatang takot na takot. Matapos an

