Basta iyon lamang ang sinabi niya, hindi na nga kami nakapag-usap nang matagal kasi parang nagmamadali siya." Pag-aalinlangang sinabi ni Mikka habang napapaisip bigla. "Ah ganoon ba. Sege Mikka salamat." Pangiting sabi ni Cris sa kanya habang napapaisip ito ng husto. "Oh sege Cris. Maiwan muna kita kasi may pupuntahan pa ako sa baba." Wika pa ni Mikka sabay tumayo at umalis. Habang si Cris ay naiwan lang at panay lang sa kakaisip. Matapos ang mahabang oras na pagba-byahe ko ay nakarating din ako sa probinsya namin. Pagbaba ko pa lang ng bus ay may mga ngiti na sa aking labi. Papalapit na ako sa bahay namin at tela tahimik ang buong bahay. Hindi kasi ako nag paalam sa kanila na uuwi ako ngayong araw. Mayamaya pa habang papasok na ako sa loob ng bahay, pagtingin ko sa kabila ay nakit

