Kinabukasan araw ng linggo ay bigla akong nagising dahil sa mga sari-saring ingay na tunog ng hayop sa aking palibot. Lumabas ako ng tent at iniwan si Mikka na tulog pa. Paglabas ko ng tent ay maliwanag na ang buong paligid subalit hindi pa naman sumisikat ang araw. Tiningnan ko ang aking orasan at pagtingin ko ay mag-aalas kwatro pa lang ito ng umaga kaya't tulog pa pala sila. Kung tutuusin madilim pa ang paligid pag sumapit ang alas kwatro ng umagaw, ngunit sa aking paningin at makikita ay talagang napakamaliwanag na. Makikita ko ang lahat nang nakapalibot sa akin nang maliwanag na siyang hindi makikita ng mga ordinaryong tao lamang. Napangiti ako dahil mas lumiwanag pa ang aking paningin kumpara noong una. Subalit kapag maisipan ko naman ang paghaba ng ngipin ko, mga koko ko

