Dagdag pa rito ay naging mas maliwanag pa ang aking paningin at makikita ko nang mas maayos at mas maliwanag ang lahat ng aking makikita kahit na ito'y madilim pa. Nararamdaman ko rin ang unti-unting paghaba ng aking mga tenga at pagbabago ng aking pandinig. Naging mas matalas pa ang aking pandinig sapagkat naririnig ko nang maayos at mabuti ang sari-saring huni at tunog ng mga hayop sa aking palagid at kahit na ito'y malayo pa sa akin. Naririnig ko rin ang mga pagsigaw ng aking mga kasamahan habang binabanggit ang aking pangalan na tela hinahanap ako. Mayamaya pa ay unti-unting nawawala ang liwanag at kabilogan ng buwan kaya't nakaramdam ako na tela unti-unting bumalik sa normal ang lahat. At sa hindi inaasahan pangyayari at nawalan ako ng malay. Habang ang lahat ay abala at nab

