Agad tumingin sa kaniyang relos. "Iwan ko. Baka hindi iyon papasok kasi sabi ng kabilang section hindi rin daw pumasok sa klase nila." Wika pa ni Mikka. "Ahh ganoon ba." Sabay inilagay ang bag sa aking upuan. "Aiza halika dito sumabay ka sa amin." Sambit pa ni Richard. "Ah 'wag na rito nalang ako may gagawin pa ako eh." Wika ko pa sa kanya sabay umupo sa aking upuan. "Ano naman ang gagawin mo sapagkat wala naman tayong gawain o kaya assignment. Halikana rito at sumabay kana sa amin." Dugtong pa ni Cris habang nakatingin sa akin. "Oo nga naman Aiza. Hay nahiya pa itong best friend ko." Wika pa ni Mikka. Napatingin ako sa kanila sabay buntong hininga. "Ah sege na nga." Pumunta agad ako sa kanila. Kumuha naman ng upuan si Cris at tsaka ibinigay sa akin upang aking maging upuan. "Ito

