Mayamaya pa ay nakita ni Cris na unti-unting hinawakan ni Allen ang aking kamay kaya't nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita ito. Dagdag pa rito ang napakatinding selos na naramdaman niya ng makita niyang labis ang paghawak at pagtitig ni Allen sa aking mukha. Nabigla naman ako ng hawakan ni Allen ang aking mga kamay. Tela nakaramdam ako ng paninibago sa naging pagkilos ni Allen ngayon kumpara noong araw. "Um, Aiza may ipagtatapat sana ako sa iyo. Actually matagal ko na sana itong gustong sabihin sa iyo, kaso nga lang ay nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin ito sa iyong harapan." Mahinang boses na pagsabi ni Allen na halatang may pag-aalinlangan sa sarili at tela hindi mapakali sa sarali. Napatigil ako at napatingin sa kaniyang mga mata habang napapaisip sa gusto niyang sabihin s

