"Hay nako mabuti nalang at nandiyan ka Mikka." Bulong ko sa aking sarili habang nakaramdam ng ginhawa sa dibdib at pagkawala ng kaba. Habang nakatayo sa gitna at pinagmamasdan kaming dalawa ni Mikka."Ah okay ganoon ba. Sege iha total wala naman tayong klase ngayon pwedi ka nang makauwi at magpahinga sa bahay niyo. Magpagaling ka." Ani pa ng among guro na halatang may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Ako na po bahala sa kanya sir!" Wika pa ni Mikka sabay ngumiti. Hindi na nagtagal pa ang aming guro at umalis na siya para umatend ng kanilang meeting. "Nagulat ako sa'yo Mikka, mabuti nalang at pinagtakpan mo ako. Alam mong hindi ko talaga alam ang gagawin ko." Mahinang boses na pagsabi ko kay Mikka. "Alam ko naman iyon eh kung magsalita ka eh syempre malalaman nila. Kaya ginawa ko nalan

