Pagkatapos ay agad akong umupo sa likoran ng kaibigan kong si Mikka. Sa likod ng upuan ni Mikka kung saan palihim akong bumubulong sa kanya. "Mikka..Mikka???" Pabulong ko sa kanya. "Parang may bumubulong yata sa likoran ko mmmm." Mahinang boses niya na tela may pagtataka. Pagglingon niya ay tela nagdadalawang isip siya ng makita ako. Habang tinitigan ako na tela may pagtataka. "Aiza ? Ikaw ba iyan?" Tanong niya sa akin. Agad ko namang tinanggal ang suot kong salamin ng sa ganoon ay hindi siya magtaka. "Ako nga Mikka." Mahinang boses kong pagsabi sa kanya sabay unti-unting pagyoko ng ulo. "Aiza ikaw nga." Palakas na boses niya na tela nasasabik sa akin. "Oy Mikka ssshhh." Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig. Babaan mo lang iyang boses mo." "Oh bakit ka ba nakasuot ng malong at

