Tela napatigil ako at hindi makagalaw habang patuloy lang siya sa paglapit ng kaniyang labi sa aking labi. At sa hindi ko inaasahang pangyayari ay hinalikan niya ako sa aking labi at dahan-dahan na hinawakan ang aking mukha. Nagulat naman ako at hindi makapaniwala nang halikan niya ako sapagkat wala namang malalalim na dahilan upang ako'y halikan niya. Lalo na at wala kaming relasyon sa isat-isa. Napatigil lang ako at mulat na mulat ang mga mata dahil sa pagkagulat habang siya ay tela ramdam na ramdam ang paghalik sa aking mga labi. Mayamaya pa ay biglang dumilat ang kaniyang mga mata na parang may makikitang pagkagulat sa kaniyang naging reaksyon. Pagkatapos ay agad siyang tumigil sa paghalik sa akin at napaatras ng kunti mula sa akin. Habang napakamot siya sa ulo at tela balisa. "

